Hindi lang mga designer bags, shoes, and clothes ang mayroon si Jinkee Pacquiao. Isa rin siyang certified plantita at kaniyang mga halaman ay yayamanin din.
Ito ang napansin ng mga netizen sa mga binabahaging photos ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang Instagram account.
Nag-viral ang isang Instagram ni post ni Jinkee Pacquiao kung saan mayroong background na malaking halaman. Sabi tuloy ng ilang netizen na siguradong mamahalin din ang mga halaman na mayroon si Jinkee.
Agad naman na ang halaman na ito ni Jinkee ay variegated alocasia elephant ear na mabibili sa halagang Php 2,000 pataas depende pa ito sa laki at klase.
Maraming netizen ang nag-iwan ng mga nakakatawang komento sa post na ito ni Jinkee. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
“Hanggang sa halaman ba naman Jinky pinamukha mong poor kami?! Inaano ka ba ng makahiya namin?”
“Mahal na nga ang halaman, variegated pa! Edi mas mahal na siya haha.”
“Yung damo pa lang diyan sigurado mas mahal pa sa lahat ng bulaklak ko.”
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Jinkee Pacquiao ang kaniyang love for plants. Makikita pa ito sa kaniyang iba pang post.
Mga halaman ni Jinkee Pacquiao
Snake Plant
Bougainvillea
Belt soybean dancing orchid
Alam niyo na hindi lang nakakaganda sa bahay ang pag-aalaga ng mga halaman at pagkakaroon ng halaman. Kundi nakakatulong din ito sa inyong kalusugan.
5 benepisyo sa kalusugan ng paghahalaman
Image from Unsplash
-
Nababawasan ang tiyansa ng dementia
Sa isang pag-aaral noong 2006 natuklasan na gardening ay nakakabawas ng tiyansa sa pagkakaroon ng dementia ng 36%. Ayon pa sa mga mananaliksik mayroong 2,800 tao na may edad 60-anyos na sa loob ng 16 na taon ay kasama na sa kanilang pisikal na aktibidad ang pagtatanim. Baba ang tiyansa na magkaroon ng dementia.
-
Exposure sa vitamin D.
Ang vitamin D ay nagpapataas ng iyong calcium levels, na mayroon malaking benepisyo sa iyong buto at immune system. Sa isang pag-aaral noong 2014 na nailathala sa National Institute of Health website. Natuklasan nila na ang exposure sa sunlight ay nakakatulong sa mga older adults upang magkaroon ng adequate serum vitamin D levels.
Ang paghahalaman ay isang magandang paraan upang ma-expose sa araw. Subalit huwag kalimutan maglagay ng sunscreen. Masama rin ang matagal na pagbabad sa araw. Sa paggamit ng sunscreen ay mapoprotektahan ang iyong balat, magsuot din ng sunglasses para sa iyong mga mata.
-
Nakaka-boost ng mood
Isang pag-aaral sa Netherlands, na sinipi ng CNN. Sinasabing ang paghahalaman o gardening ay nakakatulong upang labanan ang stress kaysa sa iba pang hobby. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nakumpleto ang isang stressful task.
Matapos nun sinabihan silang magbasa sa loob o mag-gardening sa loob ng 30 minuto. Nakita na ang mga naghalaman o gardening ay mas may magandang mood pagkatapos. Ayon pa sa kanilang blood test bumababa ang lebel ng kanila stress hormone cortisol.
-
Nakakabuti sa inyong puso
Ang lahat ng iyong mga ginagawa sa paghahalaman katulad ng pagbubungkal, pagtatanim, at weeding ay nakaktulong para mag-burn kayo ng calories. Nagbibigay rin ito ng strength sa iyong puso. Ayon sa UNC Health internal medicine physician na si Robert Hutchins, MD, MPH. “There are physical benefits from doing the manual labor of gardening, it’s hard work to garden, and it provides some cardiovascular benefit.” Kaya naman siguradong makakatulong talaga ang paghahalaman sa iyong puso at buong kalusugan.
-
Nakakapagbigay ng saya
Ang pagkakaroon ng dumi o lupa sa iyong mga kamay at kuko dahil sa pagbubungkal ay hindi mo akalain na mapapasaya ka. Sa pag-inhale sa M. vaccaem, isang healthy bacteria na naninirahan sa lupa, ay nakakatulong sa pagtaas ng levels ng iyong serotonin na nakakabawas ng anxiety.
Kaya naman huwag ng matakot o tamarin na subukan ang paghahalaman. Ayos lang kahit hindi ito kasing mahal ng mga halaman ni Jinkee Pacquiao ang mahalaga’y naliligayahan kayo sa inyong paghahalaman. At nakakatulong din ito sa inyong kalusugan kahit ano pang klaseng halaman iyan.
SOURCE:
ABS-CBN, aarp
BASAHIN:
Laging namamatayan ng halaman? 8 tips on how to be a successful plantita
Beautify your home with these houseplants that can also boost your family’s health!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!