Jo Koy Filipino mom nasaktan sa bashing na natanggap ng anak matapos ang hosting stint nito sa 81st Golden Globes. Ang pinakasakit, ayon sa ina ni Jo Koy ang mga nambabash sa anak niya ay kapwa pa nito Pilipino.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Jo Koy mom sa pambabash na natanggap ng anak niya.
- Pinay na ina ni Jo Koy nalulungkot na kapwa Pinoy pa ang nagjujudge sa anak niya.
Jo Koy mom sa pambabash na natanggap ng anak niya
Sa isang panayam ay ibinahagi ni Josie Harrison, ina ng Fil-Am host at comedian na si Jo Koy ang nararamdaman niya sa bashing na natanggap ng anak. Ito ay matapos ang hosting stint nito sa 81st Golden Globes na kung saan naging trending ang kaniyang opening monologue.
Ilan sa naging usap-usapan na bahagi ng opening monologue ni Jo Koy ay ang pagkukumpara nito sa pelikulang Oppenheimer at Barbie. Sabi ni Jo Koy ang pelikulang Oppenheimer ay base sa 724-page Pulitzer Prize-winning book tungkol sa Manhattan Project. Habang ang Barbie ay base sa isang plastic doll na may malaking boobs.
Trending rin ang hirit niya kay Taylor Swift na present sa awards night. Sabi ni Jo Koy kumpara sa NFL games ay mas kokonti ang camera shots ng singer sa Golden Globes. Ang biro na ito ni Jo Koy ay kaugnay sa boyfriend ni Taylor na si Travis Kelce na naglalaro sa NFL na pinapanood ng live ng singer.
Hindi nagustuhan ng mga fans ng Barbie at ni Taylor Swift ang hirit na ito ni Jo Koy kaya naman siya ay na-bash.
Pag-amin ng ina ni Jo Koy nasaktan siya sa mga komento laban sa kaniyang anak. Pero alam niyang ginawa nito ang best niya kaya naman very proud parin siya dito.
“I know Joseph tried his best that night, so I am with my son no matter what.”
Ito ang sabi ng ina ni Jo Koy o Joseph Glenn Herbert sa totoong buhay.
Larawan mula sa Facebook account ni Jo Koy
Pinay na ina ni Jo Koy nalulungkot na kapwa Pinoy pa ang nagjujudge sa anak niya
Kuwento pa ng ina ni Jo Koy mas masakit pa umano para sa kaniya na makitang kapwa Pilipino ang nangbabash sa anak niya. Kahit na ang ginawa nitong hosting stint sa kilalang awards night ay para i-represent ang mga Asyano sa buong mundo.
“Ang masasabi ko lang sa kanila, hindi po napakadali ang magsalita ng ganyan. Hindi madali maging komedyante kagaya ng anak ko. Gaya ng sabi ko, ang isang komedyante, they try to please you. They try to make you laugh, to make you smile.”
“Nalungkot ako sa iba, lalo na kapag nakikita ko ‘yung source ng naysayers ay mga Pilipino. I was kinda disappointed.”
Ito ang sabi pa ng ina ni Jo Koy.
Larawan mula sa Facebook account ni Jo Koy
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!