58 Website kung saan maaaring makakuha ng trabaho

Trabaho ba ang hanap mo? Bisitahin ang mga job websites na ito! | Photo from Freepik.com by jcomp

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Top job sites Philippines: Narito ang mga job hiring website sa bansa na nagtatampok ng sari-saring trabaho na maari mong gawin full-time sa opisina o kaya naman ay freelance at home habang nakakasama ang iyong pamilya.

Image from Freepik

Top job sites Philippines

Mula ng mauso ang internet ay nagsimula na ang posting ng mga job vacancy online. Ito ay sa pamamagitan ng mga job hiring website na nagtatampok ng mga trabaho mula sa iba’t-ibang kompanya. Ang kailangan mo lang ay gumawa ng account o mag-reregister sa mga job hiring websites na ito. Saka mag-sesend ng resume para kanilang ma-review ang background at qualifications mo. Kung ikaw ay ma-qualify o ma-shortlist sa posisyong inaaplyan ay makakatanggap ka ng tawag o notification para sa isang interview na maaring over-the-phone o mismo sa opisina ng kumpanyang iyong inaaplyan.

Sa mga job sites na ito ay makikita ang iba’t-ibang klase ng trabaho para sa lahat ng Pilipinong may tinapusan man o wala. Mula sa pagiging utility, kasambahay at hanggang sa managerial positions pwedeng mag-apply sa mga job hiring website na ito.

Job hiring website Philippines

Image from Freepik

Ang mga most trusted job hiring website na ito na nag-fefeature ng job vacancy Philippines list ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Freelance online job hiring sites

Ngayon, ay patok rin ang mga online job sites na nag-fefeature ng mga job vacancy hindi lamang sa bansa kung hindi pati narin abroad. Karamihan nga sa mga ito ay mga trabahong magagawa at-home o remote jobs na kung saan hindi mo na kailangang mag-report pa sa opisina araw-araw. Ang kailangan mo lang ay skills at internet connection may posibilidad na makapagtrabaho ka na. Para sa mga parents na gustong magtrabaho habang naalagaan ang kanilang mga anak ay perfect ang set-up na ito. Perfect din ito sa mga gustong umiwas sa araw-araw na pakikibaka sa traffic para lang makapasok sa trabaho. Habang ginagawa ang bagay na gusto at eksperto sila at kumikita ng sapat na halaga.

Para nga masimulan ang iyong career online, ay narito ang listahan ng mga websites na nagtatampok ng mga freelancing jobs. Tulad ng pagiging writer, encoder, graphic artist, digital marketing assistant, virtual assistant at marami pang iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Filipino-owned freelancer job sites

Narito ang mga Filipino-owned job sites na nagtatampok ng mga freelancing jobs dito sa bansa. Ganoon rin ang mga freelancing jobs na available sa ibang bansa.

International freelance job sites

Narito naman ang mga job sites na nag-fefeature ng mga freelancing jobs abroad. Bagamat sila ay walang local office dito sa Pilipinas, maraming mga Pilipino ang tumatangkilik at nagkakaroon ng trabaho sa tulong ng mga job marketplaces na ito. Habang nakakakuha ng magandang sweldo kapalit ng kanilang skills at expertise.

Tips sa paghahanap ng trabaho online

Tulad ng paghahanap ng trabaho sa tradisyonal na paraan, ang paghahanap ng trabaho online ay wala namang kinabaihan. Mas madali na nga lang ito dahil hindi mo na kailangang magpunta pa ng personal sa kumpanyang inaaplyan para magpasa ng application mo. Pero kailangan mo rin ng sipag at tiyaga sa pag-aapply online. At ang i-kondisyon ang isip mo na mahigpit rin ang kompetisyon dito kaya naman ay dapat ibigay mo rin ang best mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Para mas tumaas ang tiyansa mong makakuha ng trabaho online ay narito ang ilang tips na makakatulong sayo.

  • Alamin o tukuyin kung anong trabaho talaga ang gusto mo. Ito ay base sa tinapusan, expertise, passion o skills na mayroon ka. Sa ganitong paraan ay hindi masasayang ang oras mo sa kaka-apply sa mga trabahong bandang huli ay hindi mo pala talaga gusto o matatagalan.
  • Pagandahin ang iyong resume at cover letter upang agad nitong makukuha ang atensyon ng mga employer.
  • Gumamit o mag-apply sa iba’t-ibang job sources para magkaroon ng mas maraming listahan ng trabahong pwedeng applyan.
  • Bago mag-apply sa isang posisyon ay mag-research muna tungkol sa kumpanyang aapplyan. Makakatulong ito sa pagdedesisyon kung gusto mo ba talagang mag-apply ng trabaho sa kumpanyang ito. Pati na sa actual interview kung ma-shortlist ang application mo.
  • Mag-apply ng may confidence sa iyong sarili. Mahalaga ito upang maibida mo ang mga skills na mayroon ka at matanggap ka sa trabaho.
  • Maging handa sa iyong interview. Dumating o sumunod sa takdang oras baon-baon ang research sa kumpanya at posisyong iyong inaaplyan.
  • Huwag mahiyang mag-followup sa iyong job application. Dahil may tiyansang ito ay natabunan sa dami ng aplikante.
  • Huwag makontento sa skills lang na alam mo, mag-aral ka pa ng iba. Ito ay upang madagdagan ang maari mong ibida sa qualifications mo.
  • Maliban sa mga job hiring websites, sumali rin sa mga legit Facebook groups na may mga trabahong maari mo ring applyan at pagkakitaan.

BASAHIN: Ayaw maghanap ng trabaho ni mister, anong gagawin ko?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement