Sa panahon ngayon, napakaraming Pinoy ang umaasa sa online job opportunities para kumita lalo na ang mga stay-at-home moms, fresh grads, at freelancers. Pero kasabay ng pagdami ng online job offers, dumami rin ang mga scam na umaabuso sa pangangailangan ng iba.
Kamakailan lang, may bagong modus na natuklasan ang DOLE: mga scammer na ginagamit ang pangalan ng gobyerno para makapanloko ng jobseekers. Kaya importante na marunong tayong magsuri at maging maingat sa bawat job post na nakikita natin online.
Babala Mula sa DOLE: Isang Bagong Modus Para Makapanloko ng Jobseekers
Kamakailan, naglabas ng babala ang Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa isang bagong scam na ginagamit ang pangalan ng kanilang ahensya para manloko ng mga Pinoy na naghahanap ng trabaho online.
Ayon sa DOLE, may mga peke o fake Facebook pages na nagpapanggap na opisyal nilang account at nagpo-post ng job openings, hindi lang sa Pilipinas kundi pati raw abroad tulad ng Canada, Austria, London at Singapore.
Isang biktima ang nagsabing hiningan siya ng ₱1,000 na “reservation fee” para sa isang posisyong ina-applyan. Matapos magbayad, hindi na niya makontak ang taong nagpakilalang taga-DOLE. Nang magtanong siya sa opisina ng DOLE sa Intramuros, nalaman niyang wala namang ganoong job posting. Scam pala.
Paalala ng DOLE: Mag-apply lang sa mga verified at official platforms tulad ng:
Dito lang dapat tumingin kung gusto mo ng legit at safe na trabaho.
5 Tips Para Malaman Kung Legit ang Isang Online Job
Legit Online Jobs in the Philippines: Paano Malaman Kung Totoo o Scam?
1. Mag-research tungkol sa company
Check mo muna kung may official website at professional-looking social media accounts ang kumpanyang nag-aalok ng trabaho. Basahin ang reviews online. Kapag walang sapat na impormasyon, mukhang minadali ang website, o kung di tugma ang sinabi sa job posting, magduda ka na.
2. Itanong agad ang job details at mode of payment
Bago mag-commit sa kahit anong job offer, itanong mo:
-
Ano talaga ang trabaho?
-
Ilang hours per day or per week?
-
Fixed ba ang sahod o per hour?
-
Saan at kailan ka babayaran?
Kung malabo ang sagot o puro paliguy-ligoy, malamang scam.
3. Huwag na huwag magbabayad para lang matanggap sa trabaho
Ang tunay na employers, hindi naniningil ng bayad para lang makapag-apply o makuha ang trabaho. Kung may humingi ng “processing,” “reservation,” o “training fee”, malaking scam ‘yan.
4. Iwasan ang “too good to be true” offers
Kung sinabing kikita ka raw ng ₱20,000-₱30,000 per week sa ilang oras lang ng trabaho, mag-ingat. Madalas, pang-akit lang ito ng mga scammers.
Tandaan: Walang easy money sa totoong trabaho.
5. Sumali sa online communities at magtanong sa may experience
May mga Facebook groups at forums ng mga Pinoy freelancers at remote workers. Doon ka makakakuha ng recommendations ng legit websites, tips, at warnings kung may bagong scam.
Ilan sa trusted online job platforms ngayon:
Red Flags: Mga Palatandaan ng Online Job Scam na Dapat Mong Bantayan
Legit Online Jobs in the Philippines: Paano Malaman Kung Totoo o Scam?
Bukod sa tips kung paano malalaman kung legit ang isang online job, mahalaga ring makilala agad ang warning signs ng mga scam para hindi ka na umabot sa puntong mabibiktima ka pa.
Narito ang ilang red flags na dapat iwasan:
-
Walang malinaw na job description – Kung masyadong generic ang trabaho o wala man lang specific tasks, magduda ka na.
-
Hindi professional ang email o communication – Kung gumagamit ng personal email (e.g. Gmail, Yahoo) imbes na company domain, red flag ito.
-
Pressure to act fast – Kapag sinabihan kang “limited slots only” o “magbayad agad para ma-secure ang trabaho,” kaduda-duda ‘yan.
-
May bayad bago ka matanggap – Kahit pa sinasabing “training fee” o “reservation,” huwag kailanman magbayad para makakuha ng trabaho.
-
Too good to be true salary offers – Kapag ang sahod ay sobrang taas pero ang trabaho ay parang sobrang dali, most likely scam ito.
Pro tip: I-Google ang company name + “scam” o “review” para makita kung may reklamo na laban sa kanila.
Maging Maingat sa Paghahanap ng Trabaho Online
Ang hanapbuhay ay dapat nagbibigay ng pag-asa, hindi kaba. Kaya kung naghahanap ka ng online job, siguraduhing legit at safe ang sasalihan mo. Maging mapanuri, magtanong, at huwag magpadala sa matatamis na pangako ng easy money.
Tandaan na maraming legit online jobs na maaaring makuha, basta’t alam mo paano umiwas sa panloloko. Sa panahon ng digital work, hindi lang sipag ang puhunan, kundi talino at pag-iingat din.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!