Jodi Sta Maria nasa bakasyon grande sa Netherlands kasama ang favorite travel buddy niya at son na si Thirdy.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Bakasyon ni Jodi Sta Maria at son na si Thirdy sa the Netherlands
- Relasyon ni Jodi Sta. Maria at Thirdy
Bakasyon ni Jodi Sta Maria at son na si Thirdy sa the Netherlands
Kitang-kita ang saya sa mukha ng aktres na si Jodi Sta. Maria habang dinidiskubre nito ang ganda ng The Netherlands kasama ang anak niyang si Thirdy. Sabi pa nga ng aktres, sa bakasyong grandeng ito ay kasama niya ang kaniyang favorite travel buddy na tumutukoy sa kaniyang 16-year-old son.
“I do believe it’s time for another adventure with my favorite travel buddy.”
Ito ang caption ng aktres sa isang larawang in-upload niya sa Instagram. Doon ay makikitang naka-pose si Jodi at Thirdy sa isang bridge katabi ang isang bike na puno ng sunflower sa Amsterdam.
Binisita rin ng mag-ina ang Volendam Village sa kung saan sila ay nagsuot ng traditional Dutch attire at masayang nag-pose sa camera.
“Life is made with small moments like this. ”
Ito ang caption ng aktres sa kaniyang post na sinamahan niya ng salitang Dutch na “Een goede dag verder!” Ito ay nangangahulugan ng “It’s a good day” sa salitang Ingles.
Sa kaniyang pinaka-latest na post ay makikitang sinamahan si Jodi at Thirdy ng celebrity travel planner na si Angely Dub sa kanilang pag-iikot sa Amsterdam. Ito ay pinasalamatan niya sa memorable vacation nilang ito ng anak na si Thirdy.
“Thanks for flying from Spain to be with us @angelydub. Happy to have spent the whole day with you exploring this beautiful city.”
Ito ang sabi pa ng aktres.
Relasyon ni Jodi at anak na si Thirdy
Pagdating nga sa pagdiskubre ng iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at mundo, hindi nawawala sa tabi ng aktres na si Jodi Sta. Maria ang anak niyang si Thirdy.
Sa kaniyang mga nauna ng Instagram post ay paulit-ulit niyang sinasabi na walang kasing saya na makasama ang anak sa mga travel adventures niyang ito. Sa isa niya ngang Instagram post ay napa-throwback si Jodi sa mga panahong maliit pa si Thirdy. Doon sinabi niya kung gaano niya tine-treasure ang mga moments na kasama ang kaniyang only son.
“Throwback photos from 2016-2017. Time really does fly sooo fast! These photos awakened many feelings in me. I am blessed to have you in my life. I hope you know that these moments with you mattered to me. Thank you for filling my memory bank with beautiful and unforgettable things. I love you always, anak.”
Sabi pa nga ng aktres sa isang hiwalay na IG post, sa dami na ng napuntahan nila ng anak, ang favorite place niya ay sa tabi nito.
“What’s your favorite place? Whenever I am with my favorite people, it becomes my favorite place.”
Ito ang caption ng aktres sa isang larawan nila ni Thirdy habang nagbabakasyon naman sila sa Palawan.
BASAHIN:
Jodi Sta. Maria on failed marriage: “I felt like I was the biggest failure or the biggest joke”
Buhay ni Jodi Sta. Maria sa ngayon
Sa mga post ni Jodi ay makikitang nagkokomento ang aktres na si Iwa Moto. Ito ay ang kinakasama ngayon ng ex-husband ni Jodi na si Pampi Lacson na ama ng anak niyang si Thirdy. Makikitang sa mga post ni Jodi ay maayos ang kanilang pag-uusap ni Iwa. Ang dalawa, sa pagdaan ng panahon ay nakabuo ng friendship at may maayos na relasyon sa kabila ng naging nakaraan nila.
Matatandaang taong 2010 ng magsimula ang ingay sa pagitan nila Jodi, Pampi at Iwa. Nagkaroon ng sumbatan ang dalawa dahil nga si Jodi ang dating misis ni Pampi. Habang si Iwa naman ang bagong inibig ng ex-husband ni Jodi.
Taong 2011 nang tuluyang maghiwalay sina Pampi at Jodi. Makalipas ang dalawang taon ay sinimulang iproseso ang annulment ng kanilang kasal.
Sa ngayon, matapos ang ilang taon ay nagkapatawaran na sina Iwa, Jodi at Pampi. Maayos na ang relasyon nila sa isa’t isa. Makikita nga ito sa mga biruan nila sa social media. Ganoon rin sa mga larawan online na makikita silang magkasama at masaya kasama ang si Thirdy na binata na ngayon.
Ang modern at unconventional family set-up na nito ng pamilya ni Jodi Sta. Maria at dating mister na si Pampi Lacson ang hinahangaan ng karamihan. Si Pampi ay may dalawa ng anak ngayon sa kinakasamang aktres na si Iwa Moto. Sa kanilang bahay ay doon rin nakatira ang anak nina Pampi at Jodi na si Thirdy.
Samantala, noong nakaraang taon ay kinumpirma naman ni Jodi na sila ng aktor na si Raymart Santiago ay may relasyon.