Ellen Adarna, nag-file diumano ng TPO laban kay John Lloyd Cruz

lead image

Ellen Adarna nag-file ng TPO laban kay John Lloyd Cruz, matapos ang balitang hiwalay na sila.

John Lloyd Cruz son na si Elias hindi niya puwedeng lapitan dahil umano sa TPO o Temporary Protection Order na hinain ni Ellen Adarna laban sa kaniya. Ito ay kasunod ng balita na hiwalay na sila.

john lloyd son TPO

Image screenshot from Instagram

Ang balita tungkol sa TPO ay nagsimula sa isang artikulo mula sa local newspaper sa Cebu. Ayon sa artikulo ay namataan umano si Ellen Adarna nitong nakaraang buwan sa Regional Trial Court sa Cebu. Ang naging sadya daw ng aktres dito ay para maghain ng TRO o Temporary Restraining Order laban sa kay John Lloyd Cruz. Agad namang itinama ito ng isang abugado sa isang Philippine Star article na ito daw ay TPO o Temporary Protection Order at hindi TRO.

Pinaliwanag din ng abugado sa nasabing artikulo na ang TPO ay pasok sa ilalim ng Republic Act 9262 o mas kilala sa tawag na Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Sa ngayon hindi pa tukoy ang dahilan kung bakit naghain ng TPO si Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz. Ngunit, ayon sa mga malalapit na kaibigan ng dalawang celebrities pangunahing nakasaad sa TPO na hindi puwedeng makalapit si John Lloyd sa anak niya kay Ellen na si Elias Modesto.

Hiwalayang John Lloyd at Ellen Adarna

Ayon sa mga report si Ellen daw ang nakipaghiwalay kay John Lloyd Cruz. Dahil daw sa hindi na nito masakyan ang pagiging “too weird” ng aktor.

Isang report din ang nagsabi na nagising nalang daw isang araw si Ellen na ayaw niya na kay John Lloyd.

May ibang report naman ang nakapagsabi na kaya daw nakipaghiwalay ang aktres ay dahil nanumbalik ang aktor sa dati nitong bisyo na pag-inom.

Wala pang opisyal na pahayag ang parehong kampo ni Ellen at John Lloyd sa isyu. Ngunit isa ang sigurado, ang apektado sa kanilang hiwalayan ay ang kanilang anak na si Elias Modesto. Bagamat, nasaad rin sa mga report na sa co-parenting status ang dalawa para sa anak nila.

John Lloyd son na si Elias Modesto

Base naman sa ilan pang malalapit na kaibigan ni John Lloyd at Ellen nagsimula daw ang gusot sa pagitan ng dalawa bago pa man ang unang kaarawan ng kanilang anak na si Elias noong Hunyo.

john lloyd cruz son

Image from ABS-CBN News

Mula ng nagsama si John Lloyd at Ellen ay naging pareho silang mailap sa showbiz at naging low profile. Iniwasan din nilang maisapubliko ang mga larawan ng kanilang anak.

Tanging nitong Hunyo lang ng mag-isang taong kaarawan si Elias ng makita ng publiko ang mga larawan nito.

 

 

Source: The Philippine Star, Press Reader, PEP

Basahin: LOOK: John Lloyd, nag-post ng pic kasama ang kaniyang baby?

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner