John Prats sa misis na si Isabel Oli sa pagpapatayo ng kanilang dream house: “Wifey! Eto na ang pangarap natin!!”

Kamakailan lang sina John Prats at Isabel nag-celebrate rin ng kanilang 9th wedding anniversary.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

John Prats masaya sa nalalapit na pagpapatayo ng dream house nila ng misis na si Isabel Oli.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • John Prats dream house.
  • Pagsasama ni John Prats at Isabel Oli.

John Prats and Isabel Oli dream house

Larawan mula sa Facebook account ni John Prats

Sa Instagram ay ibinahagi ng actor-director na si John Prats ang nalalapit na pagpapatayo ng dream house nila ng misis niyang si Isabel Oli. Dito ay ibinahagi niya rin ang mga larawan sa naging groundbreaking ceremony ng lupang titirikan ng bahay nilang pinapangarap. Si John makikitang napakasaya sa bagong achievement na ito ng kanilang pamilya. Ganoon rin ang misis niyang si Isabel Oli at mga anak na excited sa bagong bahay na kanilang ipapagawa.

Si John Prats may mensahe sa kaniyang misis tungkol sa nalalapit na katuparan ng kanilang dream house. Pinasalamatan niya rin ang mga magulang niya na mangunguna sa construction ng bahay nila.

“P.S. Wifey! Eto na ang pangarap natin!! I love you and the kids soooo much!Mom @almaqprats And Dad @dondieprats super thank you in advance and praying maging smooth and exciting and journey na to:) To God Be the Glory🙏🏽 #wearethepratties.”

Ito ang caption sa Instagram post ni John Prats tungkol sa bagong bahay na kanilang ipapagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni John Prats

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsasama ni John Prats at Isabel Oli

Samantala, nitong nakaraang buwan ay nagdiwang ng kanilang 9th wedding anniversary sina John Prats at Isabel Oli. Si John may sweet na mensahe sa kaniyang misis.

“Wow! Ang bilis ng panahon Cuff. 9 years wedding anniversary na natin:) Salamat at lagi kang andyan para sa amin ng mga little Pratties. I love you so much. Gagawin ko po ang lahat para maging mabuting asawa. Cheers to forever:) 🤗.”

Ito sabi ni John kay Isabel.

Larawan mula sa Facebook account ni John Prats

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Isabel may sweet na mensahe rin kay John Prats. Ito naman ang sabi niya sa kaniyang mister sa Instagram.

“9 years 💍👰🏼🤵‍♂️

I give God praise for bringing us together and seeing us through the years. We are growing closer to Him and one another because of His direction, your patience, and your commitment. I loved you yesterday, I love you now, I always have, and I always will Cuff @johnprats. ❤️”