Jolina Magdangal: “Minsan pakiramdam ko, balewala lahat ng efforts ko para magawa lahat ng dapat gawin ng isang nanay."

Ayon kay Jolina Magdangal minsan umano'y naiisip niya na balewala ang kaniyang efforst sa pagiging nanay. Alamin ang buong kwento dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jolina Magdangal, ibinahagi sa mga netizen kung ano ang kaniyang kasalukuyang kalagayan dahil sa pagkakaroon ng anxiety.

Mababasa sa arikulong ito:

  • Jolina Magdangal dumaranas ng anxiety
  • Ano ang anxiety?

Jolina Magdangal dumaranas ng anxiety

Singer/host/actress na si Jolina Magdangal, ibinahagi ang malaking epekto ng pagkakaroon niya ng anxiety hindi lamang sa kaniyang sarili kung maging sa kaniyang pamilya.

Sa isa sa kaniyang mga Instagram posts ay inamin niya ang kasalukuyang kalagayan ng kaniyang mental health dahil sa pagkakaroon ng anxiety.

Ayon sa kaniya,

"For the past weeks, on and off ang worries and anxiety na nararamdaman ko."

Ang palagiang pagbabago sa kaniyang nararamdaman ay hindi niya agad inamin at ibinahagi sa kaniyang partner. Ito raw ay dahil iniisip niyang pansamantala lamang ang nangyayaring ito sa kaniya, at lilipas din kalaunan.

Larawan mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Minsan pinagdadasal ko na 'wag na ako makaramdam ng negative at 'wag ko na intindihin ang ibang tao na wala naman din pakielam sa feelings ko," dagdag pa ni Jolina.

Dahil sa kaniyang worries o labis na pag-aalala, nagkakaroon na rin ito ng epekto sa kung paano siya makitungo sa mga taong madalas niyang kasama, partikular na ang kaniyang pamilya.

"Dahil sa mga worries na 'yon may mga times na nasusungitan ko ang mga bata at si Mark," pagsasaad ni Jolina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Minsan pakiramdam ko, balewala lahat ng efforts ko para magawa lahat ng dapat gawin ng isang nanay sa isang buong araw." dagdag pa niya.

Hindi naging madali para sa Kapamilya host-actress na si Jolina ang pinagdadaanang ito. Madalas ay tila binabagabag ang kaniyang isipan ng mga bagay na nagiging dahilan upang lalo siyang mag-isip.

Ayon sa kaniya, may ilang mga pagkakataon kung saan kinakausap niya ang sarili sa harap ng salamin. Pinipilit imulat ang sarili dahil hindi siya pwedeng manatili sa kasulukuyang kalagayan.

Larawan mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag may pagkakataong dumaranas siya ng anxiety, ito ang mga katagang sinasabi ni Jolina sa sarili habang nakaharap sa salamin:

“huy! Ano ka ba! Umayos ka! Marami ka pang gagawin today at kailangan mo pa asikasuhin pamilya mo.”

Samantala, dahil sa nagdaang pagdiriwang ng araw ng mga puso, tila napawi ang kaniyang nararamdaman at hindi magandang iniisip sa sarili.

Sinorpresa siya ng asawang si Mark Escueta, kasama ang kanilang mga anak na sina Pele at Vika, noong Valentine's day. Pakiramdam ni Jolina, hindi lamang Valentine's day ang okasyon kundi  kaniya mismong birthday at Mother's day dahil sa labis na galak.

Larawan mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi niya,

"NAPAHAGULGOL TALAGA AKO MGA MOMSH!!!"

Hindi naman niya nakalimutang magpasalamat sa Diyos dahil ayon sa kaniya, ito ang ang nagbibigay ng kasagutan sa malalim na nararamdaman ng tao. Pinaalala rin daw sa kaniya ng Maylikha na mas marami siyang dapat ipagpasalamat kumpara sa mga worries niya sa buhay.

Sa post ay ibinahagi rin ni Jolina ang kaniyang paghingi ng pasensya sa kaniyang asawa at mga anak dahil sa kaniyang pinagdaanan. Sambit ni Jolina,

"I LOVE YOU SO MUCH MAHAL, PELE and VIKA. Pasensya na kayo kay Mama minsan. Basta lagi niyo tatandaan na gagawin ko lahat para sa inyo."

Isang paalala at pagbati naman ang iniwan ni Jolina sa mga taong may kaparehong pinagdadaanan ng sa kaniya. Ayon sa Kapamilya actress,

"To Everyone na may pinagdadaanan or may mabigat na nararamdaman, nawa’y hindi lang ang araw na ito ang puno ng pagmamahal… dapat araw araw.

Happy Valentine’s Day!"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

BASAHIN:

Maxene Magalona sa kaniyang anxiety: "The more we let go, the more we become free."

May depression o anxiety? Ito ang maaaring risk sa iyong pagbubuntis, ayon sa study

Mom Confession: "My anxiety came back when I became a stay-at-home mom."

Ano ang Anxiety?

Ang anxiety ay normal at minsa'y healthy emotion. Ito ang paraan ng ating utak na mag-react sa stress at sa potential danger na maaari mong maranasan.

Subalit, maaari itong humantong sa pagiging medical disorder kapag ang tao ay nakakaranas ng disproportionate levels of anxiety.

Ang anxiety disorder ay mula sa category ng mental health diagnoses na maaaring humantong labis na pagka-nerbiyos, takot, pangamba at pag-aalala.

Ayon sa American Pyschological Association (APA), tinukoy nila ang anxiety bilang “an emotion characterized by feelings of tension, worried thoughts and physical changes like increased blood pressure.”

Upang malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng normal feelings ng anxiety at anxiety disorder, ito ay nangangailangan ng medical attention. Sa pamamagitan nito, malalaman ang kasalukuyang kondisyon ng isang tao at sa kung paano ito gagamutin.

Sintomas ng generalized anxiety disorder (GAD)

  • Restlessness o pagkabalisa
  • Hindi mapigilan ang labis na pag-aalala
  • Laging iritable
  • Hirap mag-concentrate
  • Hirap matulog o mayroong problema sa pagtulog

Ang mga sintomas na nabanggit ay normal lamang na maranasan sa araw-araw. Subalit para sa mga taong may generalized anxiety disorder, ang ganitong mga sintomas ay lumalala at madalas nilang maranasan.

Maaari kang komunsulta sa doktor kuung ang iyong labis na pag-aalala ay nakakaapekto na sa iyong trabaho, relasyon, at iba pang bahagi ng iyong buhay. Gayon din kapag ikaw ay nahihirapan nang kontrolin o pigilan ito.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kusang nawawala ang iyong mga worries. May ilang pagkakataon kung saan lalo itong lumalala kapag hindi naagapan at sa hindi paghingi ng tulong.