Trending ngayon ang bagong kanta ni Jon Gutierrez o mas kilala sa pangalang Kind Badger na pinamagatang “SRRY” tila kanta niya umano sa kaniyang asawa na si Jelai Andres. Alamin ang kanilang istorya at ano ang mga puwedeng matutunang aral sa kanilang relasyon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Relasyon Jon Gutierrez at Jelai Andres
- Alleged cheating ni Jon kay Jelai matapos nilang ikasal
- Mga aral na natutunan natin sa relasyon nina Jon Gutierrez at Jelai Andres
Relasyon Jon Gutierrez at Jelai Andres
Parehas na social media personality sina Jon Gutierrez at Jelai Andres. Taong 2015 nang isapubliko nila ang relasyon nila, mula nga roon nabuo ang Jolai loveteam.
Maraming mga netizen ang kinilig sa kanilang relasyon. Subalit katulad ng iba pang relasyon hindi lang puro kilig at pagsasama nang dalawa. Taong 2016 nga nang unang mapabalita ang kanilang paghihiwalayan.
Larawan mula sa Instagram account ni Jon Gutierrez
Mag-nobyo at nobya pa lamang sila noon. Ang rason umano sa paghihiwalay ng dalawa ay pag-cheat ni Jon Gutierrez kay Jelai. Ibinahagi ni Jelai ang pangyayaring ito sa isang Facebook post noon.
Subalit taong 2017 nga ay nagkabalikan muli ang dalawa, nag-post pa nga si Jelai sa Facebook na may caption na,
“He’s not perfect, but neither am I. He makes me laugh, he makes me cry. I love him with all my heart. I have the perfect imperfect man.”
Mula noon ay naging maayos naman ang relasyon ng dalawa. Nagkarooon na rin sila ng mga TV projects. Taong 2018 nang ikinasal ang dalawa.
Alleged cheating ni Jon kay Jelai matapos nilang ikasal
Larawan mula sa Instagram nina Jon Gutierrez
Pebrero taong 2019 nang magsimula ang mga espekulasyon ng mga netizen na tila may problema ang kanilang pagsasama.
Dahil umano ito sa isang cryptic post ni Jelai Andres patungkol sa pambabae. Sabi sa post noon ni Jelai,
“Gusto ko sa relasyon ‘yong ina-update ako kahit ‘di ko tinatanong. ‘Yong tipong “Bebe mambabae ako ngayon” ganon.”
Pagkatapos nga nito buwan ng Abril nang sabihin ni Jelai ang kanilang paghihiwalay,
“It’s hard but I am going to make a very happy beautiful life for myself and be strong. No matter what it takes.”
Ang comeback nina Jon at Jelai
Larawan mula sa screenshot mula sa YouTube
Sa kabila nang pangyayari ay naayos ng dalawa ang kanilang relasyon at nagkabalikan nga umano ang dalawa. Nagko-collab muli sila sa paggawa ng mga video sa kanilang channel sa YouTube.
Maraming fans ang natuwa dahil nga nag-effort umano si Jon para mapatawad muli ng kaniyang asawa na si Jelai Andres.
Inamin ni Jelai ang pagkakaayos at pagkakabalikan nila ni Jon sa lock-in taping ng kanilang palabas.
Alleged break-up muli ng dalawa
Nito lamang mga nakaraang Marso ay tila nagkaroon muli ng problema sa relasyon nina Jon Gutierrez at Jelai Andres.
Nagsimula ito sa cryptic tweets ni Jelai na,
“If you’re having sex w/ a guy who’s married or who’s in a relationship, or trying to break a guy & his girl up regardless of how long you’ve known him, you’re the scummiest most ignorant worthless bitch on planet earth and you’re a hoe! Be careful girls coz you represent your mom.”
Kaya naman maraming netizen ang nagre-react at nagkaroon ng espekulasyon na muli na namang nambabae si Jon. Wala pang pahayag ang dalawa o kumpirmasyon patungkol sa kanilang paghihiwalay.
Ngayon nga’y trending ang panibagong kanta ni Jon Guiterrez o King Badger na “SRRY” na sinasabi ng marami na kanta niya para kay Jelai.
BASAHIN:
8 bagay na puwedeng gawin para maayos ang pagsasama na nasira dahil sa cheating
Kailan nagiging cheating ang chatting? Narito ang sagot ng mga eksperto
ALAMIN: Ang iba pang uri ng cheating maliban sa sex
Mga aral na natutunan natin sa relasyon nina Jon Gutierrez at Jelai Andres
Dahil nga public figure ang dalawa at ang kanilang relasyon, maraming mga netizen ang nagpahayag ng kanilang mga na-realize at natutunan sa relasyong Jon Gutierrez at Jelai Andres.
Ilan sa mga natutunan ng mga netizen ay ang mga sumusunod:
- “You can test a woman’s loyalty if her man doesn’t have anything. And you can test a man’s personality if he has everything.”
- “Standing alone is better than standing with people who hurt you.”
- “It only takes few seconds to hurt someone but it takes years to repair the damage.”
- “The saddest part of life is when the person who gave you the best memories, becomes a memory.”
- “Ang sorry ay para sa mga bagay na hindi mo sinasadya. Hindi sa mga bagay na ginusto mo at paulit ulit mong ginagawa.”
- “As the saying goes, “You can’t make a mistake twice. The second time you make it, it’s not a mistake, it’s a choice”
- “Ang sakit sa feeling iyong binigyan mo ng chance, sinuyo ka whether privately or publicly, sobrang effort na pakita na mahal na mahal ka sa lahat ng vlogs at pinakita pa sa lahat na “nagbago” na siya.. 2nd chance na ika nga. Tapos malalaman mo lang na may side chick pa rin.”
- “Iyong sorry po ginagamit kapag isang beses mo lang nagawa. Kapag hindi mo intensyon makasakit. Pero kung paulit ulit na. Abusado ka po . Ganorn. Sabihin mo “abusado ako” ganoon!”
Ilan lamang ito sa mga na-realize at natutunan ng marami sa relasyong Jon at Jelai.
Bakit nga ba may mga taong nangangaliwa?
Sa paunang ulat ni Camille Eusebio narito ang mga maaaring dahilan kung bakit nangangaliwa ang isang tao.
Mga posibleng dahilan ng pangangaliwa
Paalala: bagama’t nililista namin ang mga dahilan ng panloloko, hindi namin sinasabing tama at may basehan ang pangangaliwa. Walang excuse ang pangloloko sa kapwa, lalo na sa iyong asawa. Kahit kailan ay hindi tama na magtaksil ang isang tao sa isang relasyon, kahit ano pa ang kaniyang dahilan.
Larawan mula sa iStock
Bakit may mga taong cheater? Narito ang mga posibleng nagtulak sa kaniya para gawin ito:
-
Bilang pagganti sa partner
Maaaring mayroon kang nagawa sa iyong asawa na hindi niya nagustuhan o nakasakit sa damdamin niya. Kaya naman gusto ka niyang saktan pabalik, o ipadama sa’yo ang naramdaman niya.
Madalas, gumaganti ang isang tao kapag nakakaramdam siya ng selos. Halimbawa, nakita ng iyong partner na kinausap mo ang iyong ex sa social media at nagselos siya. Kaya gagawa siya ng bagay na ikakagalit o ikakaselos mo.
Isa rin itong paraan para makuha ang iyong atensyon, kung sa palagay ng iyong asawa na wala ka nang oras para sa kaniya.
-
Nawawala ang kilig sa pagsasama
Maraming nagsasabi na kaya nila nagawang mangaliwa o pumasok sa isang panibagong relasyon ay dahil na-“fall out of love” na sila sa kanilang asawa.
Kapag nawala na ang kilig sa isang relasyon, maaaring hanapin ng iyong partner ang pakiramdam na ito sa ibang tao.
-
Pagiging malayo sa isa’t isa
Bahagi ng benepisyo ng pag-aasawa o pagiging parte ng isang relasyon ay mayroon kang taong maaasahan at masasandalan kapag kailangan mo. Pero paano kung malayo ang taong ito sa’yo?
Maraming mga pagsasama ang nasisira kapag nangungulila ang taong nasa malayo. Halimbawa, ang mga OFW, naghahanap siya ng makakaramay at makakasama na malapit sa kaniya.
-
Walang kakayahang manatili sa isang eksklusibong relasyon
Madali at masaya ma-in love. Pero ang mahirap na bahagi ay ang pagiging tapat sa isang tao lang habang kayo ay nasa isang relasyon, o kung kayo ay kasal, habang-buhay. Kapag pumasok ka sa isang relasyon, inaasahang magiging tapat o committed ka sa taong iyon.
Basahin ang buong artikulo niya RITO! Ikaw mommy ano ang natutunan mo at na-realize mo sa relasyong Jon Gutierrez at Jelai Andres?
Source:
GMA News, YouTube, Twitter
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!