Joyce Pring inalala ang naging kasal nila ni Juancho Trivino. Ibinahagi niya rin ang mga natutunan niya as a bride sa kanilang naging wedding day.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Joyce Pring binalikan ang naging kasal nila ni Juancho Trivino.
- Natutunan ni Joyce bilang isang bride.
Joyce Pring binalikan ang naging kasal nila ni Juancho Trivino
Sa Instagram ay inalala ng host at celebrity mom na si Joyce Pring ang naging kasal nila ng mister na si Juancho Trivino noong February 11, 2020.
“Four years ago today I married my best friend in our dream wedding✨.”
Ito ang bahagi ng post ni Joyce Pring tungkol sa naging kasal nila at saka ibinahagi ang mga natutunan niya bilang isang bride.
Ayon kay Joyce, very relax siya sa araw ng kaniyang kasal. Ito ay dahil narin siguro sa maraming beses na siyang nakasaksi ng mga ikinakasal at iba pang big events bilang isang host. Kaya alam niya na kung ano ang mga dapat alalahanin sa hindi. At sa naging kasal nila, ipinaubaya niya ang lahat sa kanilang wedding organizer.
“I’ve been around enough big events to know that you have to be “major on the major, and minor on the minor”. As long as we got married and majority of the people were happy, I was fine. It was OUR day and NOTHING was gonna ruin it 😛.”
Ito ang pagbabahagi at pag-alala ni Joyce sa naging kasal nila ni Juancho.
View this post on Instagram
Natutunan ni Joyce bilang isang bride
Ngayon, matapos ang apat na taon ng maikasal, ito raw ang mga natutunan ni Joyce sa pagiging bride at buhay may asawa na.
“My biggest takeaway 4 years after: not everything will be perfect on your wedding day — so don’t sweat the small stuff! All the things that didn’t go as planned, I just laugh at now. Soak everything in and smile and have the best time. It passed by so quickly. I sometimes wish I could Black Mirror myself back to that day and just experience it all over again!!! 💍”
Larawan mula sa Facebook account Joyce Pring
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!