Trending na usapin ang sinabi ni Joyce Pring sa isang episode ng kaniyang “Adulting with Joyce Pring” podcast. Sa episode na iyon, ipinahayag ng celebrity mom ang kaniyang opinyon tungkol sa career at pagkakaroon ng mga anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Anak hindi hadlang sa pangarap para kay Joyce Pring
- Mga netizen may mixed reactions
Anak hindi hadlang sa pangarap para kay Joyce Pring
Sa isang episode ng kaniyang podcast ay nag-iwan ng mensahe si Joyce Pring sa kaniyang mga babaeng listener.
Aniya, wala umanong ibang nakapagbigay sa kaniya ng buhay kompara sa pagkakaroon ng pamilya at mga anak.
“I want to […] address this to all the women out there who, you know, have been lied to […] by society that the most important thing that you can ever amount to is the career that you put out there. […] There is nothing, absolutely nothing that has given me more life than my family and my children. It does not compare. It really does not compare,” aniya.
Larawan mula sa Instagram ni Joyce Pring
Kaya naman, kung ikaw umano ay babae at gustong magkaroon ng anak. Huwag umanong hayaan na mahadlangan ito ng ano man. Kahit pa ng career.
Saad ni Joyce Pring, “So if you have a desire to have children, to have a family, wag mong i-push down yan kasi sasabihin mo, ‘Hindi, meron pa ‘kong career, meron pa ‘kong kailangang gawin na ganito.
“I’ve met so many incredible women who got out of med school, got married, got pregnant immediately, and then started doing their residency, their whatever, nag-medical school sila, nag-law school sila, whatever, while they’re raising their family. If women have done it before, what is stopping us from doing it right now?”
Hindi naman daw kasi hadlang ang pagkakaroon ng anak para makamit ang iba pang pangarap. Sa katunayan aniya, inspirasyon pa nga raw ito para mas maging pursigido sa pag-abot ng pangarap.
“Children are not a hindrance to our dreams, if anything they will fuel you to drive better, to be more proactive about your dreams, [and] to have new dreams.”
Larawan mula sa Instagram ni Joyce Pring
Mga netizen may mixed reactions: “Depende sa pribilehiyo”
Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang pahayag na ito ni Joyce Pring.
May mga sumang-ayon naman sa kaniya tulad ng aktres na si Yasmien Kurdi.
Ani Yasmien Kurdi, “Totoo yan hindi sila hindrance! I think pag naging mommy, mas pag-iigihan mo pa nga at sisipagan mag excel sa work at sa ibang bagay kasi gusto mo maging mabuting ehemplo sa kids mo para ma inspire sila to also do their best at syempre para rin magkaroon sila ng magandang buhay.”
Sang-ayon din kay Joyce Pring ang netizen na si Nadine Gacula. Aniya, “Becoming a Mom made realize there’s so much more potential in me. It made me SELFLESS, GOAL-DRIVEN and MULTITASKER and that was all because of my child. I want to be build an empire not just for myself but for my daughter to be inspired and follow… Lalaban para sa pangarap para sa ANAK at PAMILYA.”
Mayroon din namang mga nagsasabi na ang ganitong mindset ay angkop lamang para sa mga babaeng may strong support system. Nanggaling daw ito sa pribilehiyo na mayroon si Joyce Pring. At hindi naman daw lahat ay may maayos na financial capability.
Saad ng netizen na may FB handle na Rain Rain, “It only applies to women who have strong support system, families who have financial capability to support your dreams while having both of the same time. Children and [career]. But for women who live with what they only earn, can’t have both. They need to set their priorities.”
Sabi naman ng isa pang netizen na si Jan Ariel Ungab, ang sagot umano sa tanong ni Joyce Pring na “what is stopping us from doing it right now,” ay ang hindi magkakapantay na pribilehiyo at magkakaibang sitwasyon.
Ang tingin naman ng netizen na si Gleng Gleng, madali lang sabihin na hindi hadlang ang pagkakaroon ng anak sa pag-abot ng mga pangarap kung maraming pera o may kaya sa buhay ang isang babae. Pero dito rin naman daw makikita kung gaano ka-determinado ang isang ina upang mapagtagumpayan niya ang minimithi sa buhay.
Larawan mula sa Instagram ni Joyce Pring
Maraming netizen din ang nagsabi na angkop lamang ito para sa mga financially stable na mommy. ‘Yong may kakayahang magbayad ng taga-alaga ng bata.
“You live a life of privilege and it has blinded you to the realities of the ordinary Filipino woman. I have 2 children of my own. And I agree that there has been no greater joy in my life than having them. But I won’t dare use my parenthood as a badge of superiority to make other women feel less for not being one,” Saad ng netizen na si Meghan Israel.
Paliwanag naman ng isa pang netizen na si Maolen Sy, may point daw talaga sa buhay ng mommy na kailangan nitong mamili. Pero kapag lumipas na ang stage kung saan sobrang dependent pa ang bata sa ina, maaari na nitong balikan ang naudlot na pangarap.
Aniya, “Paanong gagawin kung walang mag mag-aalaga ng anak, merong point in time that you really have to choose. Pero pag lumipas na ung stage na un, na sobrang need ng baby ung mommy, dun lang ulit magkaka chance na bumalik, maprioritize ng mommy ang career nya. (un ay kung swerte sya na available pa ung opportunities for her)”
Ikaw mommy, ano ang reaksyon mo sa pahayag na ito ni Joyce Pring? Sang-ayon ka rin ba sa kaniya? Maaaring ibahagi ang iyong reaksyon sa comment section!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!