Joyce Pring sa bagong property na nabili nila ni Juancho Travino: “This house will be dedicated to blessing our firstborn.”

Casa Eliam, ito ang ipinangalan ni Joyce at Juancho sa kanilang bagong bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May bagong property na binili ang mag-asawang sina Joyce Pring at Juancho Travino. Ang kanilang bagong investment na ito ay dinedicate umano ng mag-asawa sa panganay nilang si Eliam.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Bagong investment ng mag-asawang sina Joyce Pring at Juancho Travino.
  • Casa Eliam simula ng pag-iipon ng mag-asawa para sa future ng anak nila.

Bagong property investment ng mag-asawang sina Joyce Pring at Juancho Travino

Larawan mula sa Facebook account ni Joyce Pring

Sa Instagram ay ibinahagi ng host at celebrity mom na si Joyce Pring na may bagong property investment sila ng mister niyang si Juancho Travino. Ayon kay Joyce, ilang buwan rin silang naghanap ng perfect na property na maidagdag nila sa kanilang investment. Ito nga daw ay isang bahay na ayon kay Joyce ay natagpuan nila by coincidence. Pero alam nilang ang sagot na sa ipinagdadasal nila sa Diyos ng ilang buwan rin.

“This house basically found US. By “happenstance”, but in reality, we know it was the Lord answering every prayer we had, and giving us better than what we asked for!”

Ito ang bahagi ng post ni Joyce tungkol sa nabili nilang bahay ni Juancho.

Casa Eliam simula ng pag-iipon ng mag-asawa para sa future ng anak nila

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Joyce Pring

Mula sa mga larawang ibinahagi ni Joyce ay makikitang malaki ang naging pagbabago ng bahay mula noong ito ay kanilang binili at ng matapos na ang ginagawa nilang renovation.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang bagong investment property na ito nina Joyce at Juancho ay dedicated daw sa panganay nilang si Eliam. Si Eliam ay malapit ng magdiwang ng kaniyang pangalawang kaarawan ngayong Hulyo.

Pagpapatuloy pa ni Joyce ay bukas ang kanilang bahay para sa mga naghahanap ng interior designed house.  Bagamat hindi idinetalye ni Joyce na kung ito ay for rent o for sale ba. Dagdag pa niya, ito ay paraan nila ni Juancho ng pagsisimula ng pag-iipon para sa kinabukasan ng kanilang anak.

“We call it the Casa de Eliam because this house will be dedicated to blessing our firstborn. So, if you’re looking to live in the South in a newly renovated, interior designed house, inside a really nice village all while helping to start the fund for our son’s Oxford Uni education, please don’t be shy and send @juanchotrivino a DM.”

Ito ang sabi pa ng celebrity mom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Joyce Pring