LOOK! Joyce Pring pregnant sa baby no. 2 nila ni Juancho Triviño

Ayon kay Joyce, naging mahirap ang first trimester ng kaniyang pagbubuntis dahil madalas na wala sa kaniyang tabi ang mister na si Juancho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Joyce Pring pregnant sa baby number 2 nila ng mister na aktor na si Juancho Triviño.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Joyce Pring pregnant sa baby number 2 nila Juancho Triviño.
  • Pagbubuntis ni Joyce sa kaniyang 2nd
  • Pamilya at pagsasama nila Juancho at Joyce.

Joyce Pring pregnant sa baby number 2 nila Juancho Triviño

Larawan mula sa Instagram account ni Joyce Pring

TV host na si Joyce Pring ibinahaging pregnant siya sa baby number 2 nila ng aktor na si Juancho Triviño. Ang revelation ginawa ng mag-asawa sa nakakatuwang paraan sa TikTok.

Gamit ang video na tampok ang kantang S.I.M.P (Squirrels In My Pants) ng Just Kids ay ibinida ni Joyce ang kaniyang baby bump kasama ang kaniyang mag-ama na sina Juancho at Alonso Eliam.

Sa post na ito ni Joyce na makikita rin sa IG account ni Juancho ay nakasaad rin kung kailan siya ineexpect na manganak. Ito ay sa Abril sa susunod na taon. Ayon pa kay Joyce, naisipan niya na daw na i-reveal na ang pagbubuntis dahil hindi niya na kaya pang itago ang kaniyang baby bump.

“THERE’S A BABY IN MAH BELLY ”

“Baby number TWO coming in hot this April 2023!!! Surprise!!! It’s been getting harder and harder to hide my big bump so here we go.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

#TheTrivinos #TeamTrivino #bundleofjoyth

Ito ang caption ng post ni Joyce tungkol sa kaniyang pangalawang pagbubuntis.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 

Agad namang bumati ang mga celebrity friends nina Joyce at Juancho sa bagong blessing na dumating sa kanilang pamilya.


iyavillania
Congratulations you guyssss!!! ❤❤❤❤

rodjuncruz Congratulations sa inyo @juanchotrivino & @joycepring  God bless

danibarretto Love this fam!!! Congratulations again!!! ❤❤❤

mars_suzi Yaaaazzzz!! Ganyan sunod sunod para masaya!!! But do rest as much as you possibly can ha.

Ito ang ilan sa reaksyon ng mga celebrity friends nina Joyce at Juancho sa pregnancy reveal nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbubuntis ni Joyce sa kaniyang 2nd baby

Samantala, sa Instagram pa rin ay ibinahagi ni Joyce ang naging journey niya sa unang quarter ng kaniyang pagbubuntis. Tampok ang larawan ng kaniyang baby bump ay sinabi ni Joyce na naging mahirap ang mga unang buwan ng kaniyang pagdadalang-tao. Nakaranas umano siya ng pagdurugo habang nagbubuntis at nahihirapan ring makakain.

“The first 3 months was ROUGH. Had some bleeding, I was nauseous ALL THE TIME, I did NOT want to eat anything, and it was just a hard time overall.”

Ito ang pagbabahagi ni Joyce tungkol sa first semester ng kaniyang second pregnancy.

Kuwento pa ni Joyce, bagamat naging mahirap ang pagbubuntis niya ay patuloy pa rin siya sa pagtratrabaho. Kung may naging pinakamahirap nga raw nga na parte ng kaniyang pagdadalang-tao, ito ay ang mawala sa tabi niya ang mister niyang si Juancho.

Dahil sa ito ay kinailangang magtrabaho at ma-lockin sa kaniyang taping. Pero magkaganoon man, sabi ni Joyce super thankful sila sa new blessing na natanggap ng kaniyang pamilya. At nai-excite sila na sa ilang buwan nalang ay makilala na nila ito.

Larawan mula sa Instagram account ni Joyce Pring

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I was still working, doing all the events, juggling eveything and it honestly wouldnt have been possible without my amazing husband, our family and my incredible team and management.”

“I went through some of the toughest experiences during the first few months of this pregnancy; most of them without my husband by my side because of lock in taping - but by the grace of God, here we are. Happy, healthy and expecting our little baby in a few months. What an incredible blessing. Thank You Jesus.”

Ito ang sabi pa ni Joyce.

Pamilya at pagsasama nila Juancho at Joyce

Nitong Setyembre ay ibinahagi ni Joyce na dumaan sa pagsubok ang kanilang pamilya at pagsasama ni Juancho. Maliban sa sila ay nagkasakit ay may emotional packing at processing din silang pinagdaanan. Pero ayon kay Joyce napagsalamat siya na ito ay kanilang napagdaan at naglapasan. Ang ikinagandahan pa nga daw sa nangyari ay mas tumibay ang pagsasama nila.

"In these tough times our marriage is TESTED, but through that testing also comes STRENGTH. So in seasons of challenges and difficulties... we count it ALL joy, for our joy is no longer hinged in circumstances, but in our never-changing, always beautiful, eternal source of hope and joy -- Jesus Christ."

Ito ang sabi pa ni Joyce.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang Pebrero ng 2020 na maikasal sina Joyce at Juancho. Sa sumunod na taon, Hulyo 2021 ay saka naman isinilang ni Joyce ang panganay na anak nila ni Juancho na si Alonso.

Minsan naring ibinahagi ni Joyce ang struggle niya sa pagiging mommy sa anak niyang si Eliam na isang taong gulang na ngayon. Pero paalala ni Joyce sa mga mommies na tulad niya, huwag sisihin ang mga anak kung nahihirapan sila sa pag-aalaga.

Dahil sa kanilang edad ay mas nahihirapan sila at ang pagabay nating mga magulang ang nagbibigay sa kanila ng comfort at ginhawa.

“Always remember, 'Your baby is not giving you a hard time. They are having a hard time.' Love you even on hard days, Eliam.”

Ito ang sabi pa ni Joyce na nagbahagi rin ng kaniyang pagmamahal sa panganay na anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Joyce Pring