Judy Ann sa mister na si Ryan Agoncillo: “When Ryan came along I saw that this is the life that I'm missing. This is the life that I want.”

Pagdating sa usaping pera kaya less issue ang kanilang pagsasama, ito umano ang sinabi ni Judy Ann kay Ryan: “Ang pera ko, pera ko. Ang pera mo, pera ko.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang sikreto sa masayang relasyon ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo? Alamin ang sagot dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang sikreto sa matatag na relasyon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
  • Love story nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Sa ngayon, lalo na mundo ng showbizness ay hindi na nakakagulat ang mga magkaparehong artista na nagkatuluyan, nagpakasal at kinalaunan ay maghihiwalay.

Pero para sa mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay hindi ito ang eksena. Dahil matapos ang halos 13 taon bilang mag-asawa ay makikitang tila walang nagbago sa pagmamahalan ng dalawa sa isa’t isa. Sila ngayon ay may tatlong anak na mas nagpapasaya sa binuo nilang pamilya.

Image from Judy Ann Santos-Agoncillo's Instagram account

Love story nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Kuwento ni Judy Ann, malaki ang naging pagbabago sa buhay niya ng makilala niya si Ryan. Una silang nagkasama sa isang pelikula at naging magkaibigan. At simula palang, ay na-attract na ang aktres kay Ryan dahil sa kakaibang honesty nito na nagustuhan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Siya lagi yung may opinyon sakin na totoo pero hindi siya offensive. He knows how to deal with me that way."

Ito ang kuwento ni Judy Ann sa panayam sa kanilang dalawa ni Ryan ng TV host at kilalang news anchor na si Karen Davila.

Dagdag pa ni Judy Ann, sa padaan ng panahon ng nakakasama niya si Ryan ay naging komportable ang loob niya rito. Hanggang sa dumating sa buhay niya ang adopted child niyang si Yohan na kung saan si Ryan ay tumayong ninong nito noong una.

Hindi inakala ni Judy Ann ng mga panahong iyon na maliban sa ipinagdadasal niyang anak, nasa paligid narin pala niya ang lalaking hinihiling niya rin sa Diyos na makasama.

Ito pala ay si Ryan na kalaunan ay naging kasintahan niya at tinuring niyang pinaka-seryosong naka-relasyon niya sa buong buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When I prayed for a child, I prayed for a partner that would show me what life is really. Because I don’t know what life is because I am working since I was 8.”

“When Ryan came along I saw that this is the life that I'm missing. This is the life that I want.”

“Feeling ko, my relationship with Ryan is technically my first serious relationship ever in my whole life.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Judy Ann.

Taong 2009 ng maikasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ito ay sa pamamagitan ng isang private wedding ceremony sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas.

Image from Judy Ann Santos-Agoncillo's Instagram account

BASAHIN:

LOOK: Judy Ann Santos sinamahan ang mga anak na si Luna at Lucho na magpabakuna laban sa COVID

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Judy Ann Santos on Yohan: “Hindi ka basta saling kit-kit dito, you started this family”

Ryan Agoncillo on Yohan’s adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Ang sikreto sa matatag na relasyon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Sa ngayon bilang mag-asawa ay hindi umano naaalis na may mga hindi pagkakaintindihan sina Ryan at Judy Ann. Pero may isang sikreto sila kung bakit sa kabila ng mga misunderstandings na ito ay masaya at matatag parin ang pagsasama nila.

“It’s really the communication. You communicate whether you feel bad about your partner, you feel sad, at your happiness.

Importante kasi siya. Kasi you can’t keep everything and expect something good will come out from it. Mas lalong lumalaki, mas lalong magkaka-issue na dapat naman puwedeng wala if you only communicated properly. Kahit masakit 'yong sasabihin mo, communicate. Kahit gaano ka kasaya, communicate.”

Dagdag pa nga ni Judy Ann, sa tuwing sinusubok ng problema ang pagmamahal niya para sa mister na si Ryan ay ito lang ang lagi niyang itinatanong sa sarili niya.

“Whatever issues would come along the way, ang tinatanong ko lagi sa sarili ko, its I can live with Ryan but more I cannot live without him.

Nandoon ako 'di ba sabi nila huwag mong hanapin yung lalaki na kaya mong makasama. Hanapin mo 'yong lalaki hindi mo kayang hindi mo makasama.”

Ito ang sabi pa ni Judy Ann Santos sa sikreto ng masayang pagsasama nila ng mister na si Ryan Agoncillo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Judy Ann Santos-Agoncillo's Instagram account

Judy Ann at Ryan sa usaping pera: “Ang pera ko, pera ko. Ang pera mo, pera ko.”

Pagdating sa usaping pera, may napagkasunduan na raw sina Judy Ann Santos at Ryan noon pa man kahit mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila.

“Even before pa kahit noong bagong kasal kami, ang usapan namin "sa pagsasama natin ang pera ko, pera ko. Ang pera mo, pera ko," natatawang kuwento ni Judy Ann.

“We have a joint account for the expenses at home. Then 'yong gastos niya for his hobbies everything sa kaniya 'yon as long as he gives what you have to give for the tuition fees and everything else in between.”

Ito ang dagdag pa ni Judy Ann na sinabing sa arrangement na ito ay hindi minsang naging isyu ang pera sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement