Aktres na si Judy Ann Santos sinuportahan ang pilot rollout ng COVID pediatric vaccination. Mga anak niyang sina Lucho at Luna bakunado na.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagsuporta ni Judy Ann Santos sa COVID pediatric vaccination.
- Bakit dapat pabakunahan ang iyong anak ng COVID 19 vaccine.
Judy Ann Santos sinuportahan ang pilot rollout ng COVID pediatric vaccination
Image from Instagram
Masaya ang aktres na si Judy Ann Santos na ibahagi kahapon na nabakunahan na ng COVID vaccine ang mga anak niyang si Lucho at Luna. Si Lucho ay 11-anyos na habang si Luna ay 6 na taong gulang.
Bungad ng aktres sa kaniyang post sa Instagram, sa wakas ay nabakunahan narin ang mga anak niya ng Pfizer vaccine laban sa COVID.
Ang naging pagbabakuna sa kanila ay naging fun at hassle-free. Higit sa lahat ay hindi na-expose ang mga ito sa maraming tao. Kaya naman sigurado siya na safe at protected ang mga anak mula sa kumakalat na sakit.
“Finally!! Our little ones got their first dose of Pfizer vaccine today! The waiting time is very forgivable bilang drive thru vaccine, the kids are not exposed to a lot of people..”
Ito ang pagkuwento ni Judy Ann Santos tungkol sa pagbabakuna ng mga anak niya.
View this post on Instagram
Ang magandang experience ni Judy Ann at mga anak niya sa pagbabakuna ay sinabi ng aktres na naging possible dahil sa pagtutulungan ng doctors at nurses na naroon.
Dagdag pa ang mga kiddie treats na mayroon sila kaya naman mas naging relax ang mga bata habang nagpapabakuna. Kahit nga daw siya ay na-enganyo at nagpa-booster shot narin.
“Plus the effort that DOH put and the team of doctors headed by dr. @ayenuguid and dr. @ romeonuguidmd , with them are more than 50 nurses and doctors facilitating the vaccination. There are cocomelon mascots, anna and elsa, cheering the kids during the jab. Kaya nagpa booster shot na rin ako! May libre pang balloons! Hats off to all the frontliners for doing this.#resbakuna #letsDOHit #pediatrico #getvaccinatedbeprotected”
Ito ang sabi pa ni Judy Ann sa kaniyang post.
Image from Instagram
BASAHIN:
Parents, here’s what you need to know about COVID-19 Pfizer vaccine for kids under 12
REAL STORIES: “I never stopped breastfeeding—kahit na nag-positive ako sa COVID”
Pagbabakuna ng COVID vaccine sa mga batang edad 5-11 anyos sisimulan na!
COVID vaccine rollout sa mga batang edad 5-11 anyos
Ang mga unak ni Judy Ann ay dalawa lamang sa mga batang edad 5 hanggang 11 anyos na unang nakatanggap ng COVID vaccine kahapon.
Kahapon, February 7 ang pilot roll-out ng COVID-19 vaccination para sa mga bata ng nasabing edad. Ito ay ginanap sa 6 na vaccination sites sa Maynila.
Base sa pahayag ng National Vaccination Operations Center, tinatayang ngayong darating na February 14, Valentine’s day ang national rollout ng pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos.
Ayon sa tala ng DOH, may 7 milyong Pilipino ang kabilang sa 5-7 years old age group at target ng gobyerno na mabakunahan ang 1.7 milyon sa mga ito.
Pero ang pagbabakuna na ito ay tinututulan ng ilang mga magulang. Sa katunayan, may mga nagpetisyon sa korte na maipatigil ang ginagawang vacciniation para sa mga bata.
Dahilan ng mga magulang ay natatakot sila sa maaaring maging epekto nito sa kanilang mga anak. Lalo pa’t nasa experimental stage pa lang umano ang ginagawang pagbabakuna sa mga bata.
Image from Instagram
Ayon sa mga eksperto, ligtas ang COVID vaccine sa mga bata
Pero paliwanag ng mga eksperto, ligtas ang COVID vaccine. Ito ay dumaan sa masusing pag-aaral at mga test. Kinakailangang mabigyan nito ang mga bata para sa kanilang dagdag na proteksyon mula sa kumakalat na sakit.
“Safe po, ligtas po ang bakuna ng 5 to 11 years old. Kailangan po nila ito dahil wala silang bakuna. At kung patuloy tataas ang mga kaso sa ibang lugar, kailangan po protektado din po sila.”
Ito ang sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang panayam.
Dagdag pa ng mga eksperto walang severe adverse effects ang COVID vaccine sa mga bata. Napatunayan na nito ng mga bansang nauna na sa pagbabakuna sa mga bata na kabilang sa nasabing age group.
“Sa mga adverse reactions naman, halos wala ngang nangyayari. Mga adverse reactions o kamatayan, siyempre, ‘yan ang hinihintay nating tignan kung meron bang mga ganong mga detalye. Pero so far, wala pa naman.”
Ito ang pahayag ni Dr. Carmela Kasal tungkol sa mga adverse reactions ng COVID vaccine sa mga bata. Si Dr. Kasal ay ang spokesperson ng Philippine Pediatric Society (PPS).
Ayon naman kay Dr. Mary Ann Bunyi, presidente ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines minor lang ang adverse reactions na maaaring maranasan ng mga bata matapos mabakunahan.
Tulad na lang ng pagkahilo, pananakit ng injection site, sakit ng ulo at bahagyang pagtaas ng kanilang blood pressure. Pero tulad ng mga matatanda ay imo-monitor naman ang mga bata matapos mabakunahan. Ito ay para masiguradong ligtas at maayos ang kondisyon nila.
May panawagan naman si Health Secretary Francisco Duque III sa mga magulang na napabilang ang anak sa pilot rollout ng COVID vaccine kahapon. Ito ay ang huwag kalimutang ibalik ang kanilang anak para sa kanilang second dose.
“Nananawagan ako sa mga magulang na pagka-natapos nang mabakunahan ang inyong mga anak, ‘wag kakalimutan na after three weeks or 21 days, balik na for the second jab.”
Ito ang sabi pa ni Duque.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!