Judy Ann Santos nagpayo sa mga kapwa mommy: "Just be yourself"

Simple ang naging advice ni Judy Ann Santos sa mga katulad niyang ina ngayong umuusbong ang social media

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May advice si Judy Ann Santos sa mga katulad niyang mommy ngayong panahon na laganap ang gumagamit ng social media.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Judy Ann Santos gives advice to fellow mothers
  • Anak ni Judy Ann balik face-to-face class na
  • Rule ni Judy Ann pagdating sa gadget

Judy Ann Santos gives advice to fellow mothers

Nakapanayam ni Meryll Soriano si Judy Ann Santos sa kanyang ‘Inspiring Mom Series’ sa YouTube channel niya.

Sa naturang panayam, naitanong kay Judy Ann kung anong gusto niyang mapulot ng mga mommy sa kanilang pag-uusap ni Meryll.

Tugon ng aktres, dapat daw ay hindi magpanggap ang ibang mommy. Huwag rin daw dapat maapektuhan ang mga ito sa mga nakikita sa social media.

“Just be inspiring by being you.”

“Hindi mo kailangang magpanggap dahil nape-pressure ka sa social media that you compare yourself to others. When you stop comparing yourself to everyone that you see on social media or to just anyone, the natural character yung lumalabas saka ‘yon ‘yong nararamdaman ng mga tao.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Sang-ayon naman si Meryll sa advice ni Juday at sinabing hindi dapat magpa-pressure ang mga mommy sa social media.

Lahad pa ni Meryll, “Never compare yourself with others kasi lahat tayo may sari-sariling journey at dapat, ‘yon ang sine-celebrate natin.”

Ayon pa kay Juday, hindi madi-dictate sa ibang tao ang kanilang tinatahak na journey sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Advice pa ni Judy Ann Santos, dapat ay lagi lang focused at inspired. Siguruhin din na matuto sa mga pagkakamali dahil ‘yon ang magiging tulay para maging responsible parent.

“Always learn from your mistakes because it’s part of life.”

Samantala, naitanong din ni Meryll kay Judy Ann kung sa paano niya paraan na gusto maalala ng ibang tao.

Tugon ni Juday sa tanong ni Meryll.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Babalik ako doon sa una kong sinagot na, ‘Just be yourself and value the people around you — big or small.’”

BASAHIN:

Judy Ann Santos sa mga bashers: “Kapag pamilya kasi ang tinira, kapag pamilya ang kinanti nakakalabas ng sungay talaga.”

Anne Curtis aminadong praning na mother: Taranta ako all the time!

Ryan Agoncillo binahagi ang laban sa alopecia: May mga pelikula dati na kaya mahaba yong buhok ko. Tinatakpan ko yong bald spot

Anak ni Judy Ann balik face-to-face class na

Sa Instagram story ni Judy Ann noong Lunes, binahagi niya ang panibagong journey ng kanyang anak na si Lucho.

Makikita na nakasuot ng unipormeng para sa boy scout si Lucho para sa pagbabalik nito sa face-to-face class.

Ayon kay Judy Ann, napaaga ang kanilang pagdating sa paaralan ni Lucho dahil daw sa excitement.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sa sobrang excited, we’re 45 minutes early. At least walang nerbyos ma-late.”

Samantala, mukhang kinabahan naman si Lucho sa muling pagpasok sa eskuwelahan makalipas ang dalawang taon.

“My stomach is in knots and my heart is beating so fast because I haven’t been to the school in two years.”

“But now I’m going to the school and learning there.”

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinakalma naman ni Judy Ann ang kanyang anak at kumpiyansang magiging maayos ang face-to-face class nito.

“Oh, my love, I feel you. You’ll do great,” mensahe ni Juday kay Lucho.

Ilang paaralan na ang pinayagan magkaroon ng limited face-to-face class dahil sa pinaluwag na alert level status. Sa Metro Manila, nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang rehiyon matapos bumaba ang kaso ng COVID-19.

Panatag naman sina Judy Ann at kanyang mister na si Ryan Agoncillo dahil noong Pebrero ay nabakunahan na ang kanilang mga anak na si Lucho at Luna.

Ayon sa nagdaang Instagram post ni Judy Ann, ang kanilang mga anak ay nabakunahan ng Pfizer vaccine.

Nagpasalamat din si Judy Ann sa mga frontliner na tumulong sa kanila sa vaccination site.

Lahad pa ng aktres, ang pagbabakuna sa kanilang mga tsikiting ay nakikita niyang unang hakbang para sa ‘little bit of normalcy’.

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Rule ni Juday pagdating sa gadget

Sa pareho ring interview ni Meryll kay Juday ay binahagi ni aktres ang kanyang rule sa mga anak pagdating sa gadget.

Lahad ni Judy Ann, sa ngayon ay tanging iPad at laptop lang ang kanilang pinapagamit kina Lucho, Luna at Yohan.

Napagkasunduan nila ni Ryan na hindi bigyan ng cellphone ang kanilang mga anak. Dahilan ng aktres, ito ay para maturuan ang mga ito na maging responsable.

Nais ni Juday na ang kanyang mga anak ang magsikap para makuha ang kanilang gusto.

Samantala, sa pagkakaroon din ng mga social media ay hindi pa rin pinapayagan sina Lucho, Luna at Yohan. Nakakagamit naman daw ng social media ang mga ito pero gamit ang kanilang account na mag-asawa.

“Siguro, being a mother, instinct mo lang talaga ‘yung to protect. Hindi mo naman din talaga siya mapoprotektahan sa pangkalahatan.”

‘Yan ang dahilan ni Juday sa paglilimita niya sa kanyang mga anak, particular kay Yohan, sa paggamit ng social media. Noong November 2021 ay ipinagdiwang ni Yohan ang kanyang 17th birthday.