Excited at proud ang aktres na si Judy Ann Santos sa first face-to-face classes ng bunso na anak niyang si Luna. Sila ng kaniyang mister na si Ryan Agoncillo full support sa unang beses na pagpasok ng anak sa eskwelahan.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Judy Ann Santos proud sa anak na si Luna sa first day nito na pumasok sa eskwelahan.
- Paghahanda na ginawa ni Judy Ann para masigurong ligtas ang anak sa muling pagbubukas ng klase.
Judy Ann Santos excited at proud sa first time na pagpasok ni Luna sa eskwelahan
Sa kaniyang Instagram post ay hindi napigilan ng aktres na si Judy Ann Santos na i-share ang first day of school experience ng bunso niyang anak na si Luna.
Dahil hindi lang daw ito basta first time para sa anak niyang si Luna. First din daw ito para sa kanilang pamilya na matapos ang 2 and half years ay saglit silang mahihiwalay sa isa’t isa. Masaya rin siya na matapos ang pandemic ay unti-unti ng bumabalik sa normal ang lahat.
“First day of school for our little bunny.. first day for all of us after 2 1/2 years of online schooling … nakaka-sepanx ng sobra!! But.. I’m happy and excited for all the kids to be able to attend classes with a bit of normalcy.”
Ito ang caption ng post ni Judy Ann sa Instagram kung saan nag-share rin siya ng pictures ni Luna sa first day of school nito.
View this post on Instagram
Sa naturang post ay makikitang inihatid nina Judy Ann at Ryan si Luna sa school. Kasama rin nila ang anak nilang si Lucho na siyang umaalalay sa kaniyang kapatid.
Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos
Sa IG stories ay nag-share rin si Judy Ann ng mga moments sa first day of school ni Luna. Matapos ihatid ito sa school, sila ng anak niyang si Lucho ay nagkaroon naman ng quality time sa pamamagitan ng paglalakad at pag-iexercise.
Ibinahagi rin ni Judy Ann kung paano siya nagmu-multitask sa paghahanda sa pagkain ni Luna. Habang isinasabay dito ang pagkain niya ng breakfast. Sabi pa niya, ang pagiging misis at ina ang best role ever para sa kaniya.
“Multi-tasking. Preparing Luna’s lunch while having breakfast. To be mom, a wife and to to just be yourself is the best role ever.”
Ito ang sabi ni Judy Ann sa isa sa kaniyang IG stories.
Habang hinihintay ang pagtatapos ng klase ng anak na si Luna, si Judy Ann kasama ang anak na si Lucho ay sinabing iniisip nila kung paano ang naging takbo ng unang klase sa school si Luna. Si Judy Ann napabuntong-hininga ng malalim sabay sabi ng.. “Hays! Sepanx is real!”
Pagdating ng 3:30 ng hapon, sama-sama ring sinundo nila Judy Ann ang anak na si Luna sa school. Sa kaniya pa ring IG stories ay ipinakita niya kung paano lumiwanag ang mukha ni Luna nang makita siyang sinusundo niya na ang anak.
“That look!! Parang ako yung talagang nag-aabang ng dismissal time e. So proud of you bunny love! So brave and very independent.”
Ito ang sabi pa ni Judy Ann sa kaniyang IG stories.
Si Ryan Agoncillo naman sa kaniyang Instagram account ay nag-share rin ng snippets sa naging first day of school ni Luna. Pinakita niya ang naging baon ni Luna na inihanda ng misis niyang si Judy Ann. Ito ay may kalakip na sulat para sa anak.
“Happy 1st Day of school my love. So proud and excited for you. We love you!”
Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos
Si Judy Ann, hindi rin syempre kinalimutan na pasalamatan ang ang mga teachers na naging dahilan daw para maging successful ang first day of school ng anak niyang si Luna. Ito ang mensahe niya.
“Thank you to all our hardworking teachers , for doing everything to make this happen. Dear God, please bless, guide, protect and look over our children and teachers as we all move forward from this pandemic.”
Ito ang sabi pa ni Judy Ann.
Paghahanda na ginawa ni Judy Ann para masigurong ligtas ang anak sa muling pagbubukas ng klase
Nitong Pebrero ay sinamahan ni Judy Ann Santos at mister na si Ryan ang mga anak na sina Lucho at Luna sa pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine.
Ang mga anak ni Judy Ann ay dalawa lamang sa mga batang edad 5 hanggang 11 anyos na unang nakatanggap ng COVID vaccine. Ngayon, ay ito p arin ang itinuturing na numerong unong proteksyon ng mga bata laban sa kumakalat na sakit.
Kaya naman patuloy na pinapaalalahanan ang mga magulang lalo na sa pagbubukas ng face-to-face classes na pabakunahan ang anak laban sa COVID-19.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!