Judy Ann Santos on Yohan: "Hindi ka basta saling kit-kit dito, you started this family"

Narito kung paano sinabi ni Juday kay Yohan na siya ay adopted.

Judy Ann Santos kids on spotlight: Yohan asking about her biological parents.

Image screenshot from Judy Ann Santos Instagram account

Judy Ann Santos kids

Sa isang panayam sa programang Tonight with Boy Abunda ay ibinahagi ni Judy Ann Santos kung paano niya hinaharap ang mga tanong ng kaniyang panganay na anak na si Yohan tungkol sa kaniyang mga tunay na magulang.

Ayon sa aktres, apat na taon palang si Yohan ay sinabi na nito sa anak na siya ay adopted. Ito ay upang hindi na itago pa sa kaniya ang katotohanan. At para kalakihan niya ito bilang isang positibong bagay na hindi dapat ikahiya.

Mga tanong ng adopted child niyang anak na si Yohan

Pero pagbabahagi ng aktres, sa ngayon na lumalaki na si Yohan ay mas dumarami ang mga tanong nito. At sa kabila ng mga lumipas na taon ay hindi niya parin ito ganap na napaghandaan. Minsan nga raw out of the blue ay bigla nalang ito magtatanong tungkol sa kaniyang tunay na mga magulang,

“Napapansin ko out of the blue, yung nagmamaneho ako bigla nalang yang magtatanong. Do you know where they live?”

“No.”

“Are you friends with my dad?”

“No, sweetheart.”

“But, sweetheart, if at some point you want to meet them, you want to talk to them, if you feel that there are questions already in your heart that’s piling up, and feeling mo sila lang ang makakasagot, we can look for them because that’s your right.”

Alam daw ng aktres na parang nahihiya si Yohan sa tuwing nagtatanong ito tungkol sa tunay niyang mga magulang. Lalo na kung ito ay tungkol sa tunay niyang ina. Pero iniipon niya ang lahat ng kaniyang lakas ng loob upang sagutin ang bawat tanong ng panganay niyang anak.

Paano ito sinasagot ng aktres

“Parang nahihiya rin siya magsabi na ‘my real mom,’ natatakot siya baka ma-offend ako or something. Kaya sabi ko, ‘Your biological mom, no, sweetheart, I don’t know.”

“Sabi ko, ‘Why?’ Sabi niya, ‘Would it be okay if, at some point, I’ll ask if I could meet them?’ ‘Of course, of course, anak.”

“Tapos huminga lang ako nang malalim.”

Dagdag pa niya, alam niyang maraming pang tanong si Yohan na hinahanapan niya ng sagot. Ngunit sa tulong ng mister niyang si Ryan Agoncillo ay ipinapaintindi nila rito na sa kanilang pamilya ay hindi siya naiiba. Siya ay parte nito at siya ang nagsimula.

“Nung una parang… hindi siya in denial, e, pero parang baka feeling niya siguro baka binobola ko siya or something.And we made her realize na Ryan and me started a family because of you.”

“Basically, ikaw yung mitsa ng kandila ng pamilya natin.

“Her name is Johanna Louise, Lucho’s name is Juan Luis, Luna’s name is Juana Luisa, all named after you.”

“You came first, so always remember, hindi ka basta saling-kitkit dito. You started this family.”

Ito daw ang pagpapaliwanag ng aktres sa anak sa tuwing mabubuksan ang usaping adopted ito.

Adoption bilang isang napakagandang bagay

Noong una ay mahirap rin sa aktres na harapin ang usapin tungkol dito. Pero na-realize niya na ito daw ay napakagandang bagay at hindi dapat itago at ikahiya.

“At some point, hate na hate ko yung word na adopted. Dumating ako sa point, Tito Boy, na pag may mga nag-i-interview sa akin, I’d always tell them, ‘Can you please not put the word “adopted” because she’s our daughter and she’ll see this and I don’t want her to feel bad?”

“Then eventually, I realized everybody out there who’s adopted, should realize that it’s such a beautiful word.”

“Ako, ang realization ko, napakaganda ng salitang adopted o adoption because somebody wanted you in their lives. They chose you.”

Dagdag pa ng aktres, ipinagdadasal niya daw na sa oras na dumating ang panahon na talagang gusto ng makilala ni Yohan ang kaniyang mga magulang ay handa na siya pati na ang kaniyang pamilya.

“Hindi mo naman siya pinagdadamot, pero from that time she asked me that question, I was preparing myself every day, “Lord, dumating man yung time na maging seryoso na ‘tong batang ‘to, prepare mo kami kasi hindi ko siya ipagkakait sa ganoon.”

Pagdating ni Yohan sa kaniyang buhay

Si Yohan ay ang adopted child ng aktres na ayon sa kaniyang kwento ay isang blessing na ipinagdasal niya sa Diyos.

“When I was younger 20, 21 sadsad ako sa trabaho nyan. All of a sudden I had this hope na at 26 I hope I’ll have a baby. 26 because probably I wanted my child to grow-up with me. Every birthday yun yung wish ko, Lord prepare me when I am 26. Regardless kung mabuntis ako or maanakan ako. Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng tao.”

Matapos nga daw ng kaniyang 26th birthday ay dumating sa buhay niya si Yohan na sobra niyang ikinatuwa.

“After my birthday, 26, I was taping for Krystala, pilot episode. I fully remember. My mom called, “Anak, may manganganak, ino-offer sa ‘yo, gusto mo?” Nung nag-okay ako, na-realize ko na hindi ako nag-isip, hindi ako kinabahan, pero excited ako. So sabi ko “Sige, Ma.”

“That same day may baklas ako ng location sa department store sa baby section. So parang ito na ba talaga ‘to Lord? Pag-uwi ko nanay na ako.”

“That’s why I always tell Yohan, hindi mo alam kung paano nakikinig ang Diyos. Kapag alam niyang ready ka na, ibibigay niya.”

Ngunit paano ba dapat sabihin sa iyong anak na siya ay adopted? At kailan ba ang tamang panahon na sabihin ito sa kaniya?

Paano sasabihin sa iyong anak na siya ay adopted

Ayon sa adoptive parent at therapist na si Barbara Freedgood, ang pagsasabi daw sa isang bata na siya ay adopted ay dapat nagsisimula sa kaniyang murang edad. Ito ay para makalakihan niya na ito at hind imaging sorpresa sa kaniya.

Gawin daw ito bago mag-limang taon ang bata at sabihin sa simpleng paraan.

“Keep it very simple, and keep it appropriate to the child’s age. For instance, before the age of 5, all kids need to know is that they are adopted, and it’s a way to form a family.”

Ito ang pagpapaliwanag ni Freedgood.

Paglagpas nga daw ng limang taong gulang ay mas dadami ang tanong ng bata. Ipaliwanag naman sa kaniya kung saan siya nagsimula. Ipaliwanag sa kaniya na ay nagmula sa kaniyang mga magulang. At siya ay inadopt para buuin ang inyong pamilya.

“A different man and woman made you. You grew in that woman’s belly. And then I came and adopted you. That’s how we became a family.”

Ito ang dagdag pang pagpapaliwanag ni Freedgood.

Dapat daw ay maging parte rin ng usapin sa inyong pamilya ang tungkol sa tunay niyang mga magulang. Upang hindi siya mahiyang magtanong tungkol dito. Makakatulong kung ikaw mismo ang magbubukas ng usapin tungkol dito kaysa hintayin pa ang kaniyang pagtatanong.

Pinakamahalaga higit sa lahat na huwag maglilihim sa kaniya. Dahil mas magiging mahirap ipaliwanag ito sa kaniya kapag siya ay lumaki na. Ugaliin lang na iparamdam na sa kabila ng katotohanan ay masaya kayo at nagpapasalamat sa pagdating niya. Ito ay upang hindi niya ito dibdibin at ikahiya.

Judy Ann Santos kids on spotlight: Juday talks about her eldest daughter Yohan

Source: ABS-CBN News, Psyc Central

Basahin: Proseso ng pag-aampon sa Pilipinas: Mga hakbang at kwalipikasyon