Hindi nga naman biro kapag ang mga magulang ay parehong artista. Nariyang inaasahan ng publiko na maging bukas din sa kanilang buhay ang mga anak ng mga ito. Paano nga ba pinoprotektahan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang kanilang mga anak mula sa public attention?
Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo sa mga anak: “It’s okay to say no!”
Sa isang interview ng Pep.ph ibinahagi nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kung paano ba nila protektahan ang kanilang mga anak mula sa mata ng publiko.
Ayon kay Ryan, ang una nilang ginagawa ay ipakilala ang mga anak sa mga batang tulad ng mga ito’y may mga magulang na celebrity.
Larawan mula sa Instagram ni Judy Ann Santos
“The best we could do was to introduce her to children who experience the same. And then to who are a little older, who are a little wiser. Hindi kami nahihiya rin na humingi ng tulong sa mga bagay na hindi pa namin alam.”
Saad naman ni Judy Ann Santos, masuwerte naman daw sila na marespeto ang mga taong nakakasalamuha nila maging ang mga nakakasalubong nila.
“We’re very fortunate enough na people na nakakasama namin, or people na nakakasalubong namin, they respect the space. Marespeto ‘yong mga lumalapit.”
Ibinahagi rin ni Juday na ibinibigay nila sa kanilang mga anak ang desisyon kung halimbawa na mayroong gustong magpa-picture sa mga ito.
Larawan mula sa Instagram ni Judy Ann Santos
“Binibigyan naming sila ng halaga. Halimbawa may gustong magpa-picture, sasabihin naming, “Tanungin niyo po sila.” Hindi namin sila pinipilit.”
Mahalaga raw ito upang hindi maramdaman ng mga bata na hindi sila puwedeng lumabas nang walang magpapapicture. Itinuro rin daw ng mag-asawa sa kanilang mga anak na maging honest sa kanilang nararamdaman.
Ani pa ni Juday, maiintindihan naman daw ng mga tao kung hindi komportable ang mga bata. Sabihin lamang daw ito nang maayos ng kanilang mga anak.
“Alam nila na may boundaries when it comes to them being private citizen. ‘Pag magkakasama kami, we also give them that opportunity to say yes and to say no. Ayun ‘yong hindi namin tinanggal sa kanila.”
Dagdag naman ni Ryan Agoncillo,
“The best way we can. In any manner we can. Whatever is available to us na hindi kami nakakasakit ng kapwa. But should there come a time na kailangan to cross that line, I think hindi ako manghihinayang to protect the children.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!