Judy Ann Santos to son Lucho: “Wherever life brings you, whatever the future holds, always remember, you have us, your family.”

Si Lucho 13 years old na ngayon. Kay bilis ng panahon!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Judy Ann Santos one supportive momma sa only son niyang si Lucho. Narito rin ang mensahe ng aktres sa 13th birthday ng panganay niyang anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Judy Ann Santos birthday message sa panganay niyang si Lucho.
  • Aktres na si Juday as a mom.

Judy Ann Santos birthday message to son Lucho

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Nitong October 7 ay nagdiwang ng 13th birthday ang panganay at only son nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Lucho. Sa Instagram ay ipinasilip ng aktres ang kanilang naging simpleng pagdiriwang. Kalakip nito ang pagbati at sweet na mensahe ni Juday sa kaniyang only boy. Sabi nga ng aktres kahit unti-unti ng nagbibinata ang anak na si Lucho ay little boy parin niya ito. At ano man ang mangyari, saan man ay lagi lang siya kasama ang kanilang buong pamilya na nakasuporta sa lahat ng tatahakin nito sa buhay.

“My sweet, silly , loving, kind-hearted, boy… ❤️ another year older my love.. but you will always be our little boy. Wherever life brings you, whatever the future holds.. always remember, you have us .. your family , to guide and support you each and every step of the way.. we love you so , soo much. ❤️ happy 13th my boy. ? #lucho13th

Ito ang sweet na birthday message ni Judy Ann Santos sa only son niyang si Lucho.

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Juday as a mom

Samantala, bago pa man ang 13th birthday ni Lucho ay nagkaroon ng mother and son bonding ang dalawa sa Malaysia. Dahil si Juday sinamahan si Lucho sa naging football game nito na kung saan ito ang Captain ng kanilang team. Nabigo mang mauwi ng team nila Lucho ang trophy, si Juday proud na proud parin sa anak. Dahil ang mahalaga daw ay ang mga learnings na naituro sa kaniya ng karanasang ito.

“Mama’s with you my boy.. rain or shine. I got you. ?❤️?”

Ito ang ang caption ng isa sa mga IG post ni Juday na kung saan makikita ang pagsuporta niya sa kaniyang panganay na anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Happy birthday Lucho!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement