Judy Ann Santos ito ang dahilan kung bakit tinuruang mag-commute ang anak na si Yohan.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Bakit tinuruan ni Judy Ann Santos ang anak na si Yohan na mag-commute.
- Mensahe ni Judy Ann sa anak na si Yohan.
Bakit tinuruan ni Judy Ann Santos ang anak na si Yohan na mag-commute
Mag-aaral na sa kolehiyo ang panganay ni Judy Ann Santos na si Yohan. Isa sa paghahanda nga na ginagawa ng aktres para sa pagharap niya sa real world ay ang pagtuturo sa anak ng pag-cocommute.
Sa isa sa mga Instagram stories ni Judy Ann ay ibinahagi niyang tinuturuan niyang sumakay ng public vehicle si Yohan, Sa isang panayam ay ipinaliwanag ni Judy Ann ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa.
“Importante ‘yun e kasi hindi naman sa lahat ng bagay may driver or may sasakyan na available. Or anything can happen lalo na college na kasi siya.”
“So kailangan alam niya ang lahat ng paraan para makauwi or at least, kahit saan man siya papunta, hindi siya ‘yung mangmang.”
Ito ang sabi ni Juday.
“Kailangan, importante alam niya ‘yun para hindi siya bago. Nasa tunay na mundo na siya e. Eto na. Lalabas na siya sa real world kasi college na siya kaya kailangan niyang malaman ‘yung responsibilities niya.”
Ito ang sabi pa ng aktres.
Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos-Agoncillo
Hunyo nitong taon ng makatapos sa high school si Yohan. Sa pagtatapos ng anak si Judy Ann very proud at may ibinigay na mensahe para dito.
“My dearest buding, We are so so proud of you.. your hard work and perseverance all throughout your HS life paid off and more. ❤️ as you enter another chapter in your life as a college student, a lot will change.. there will be a lot of ups and downs.. but all these will make you a better and responsible person.. mom and dad will always be here to support and cheer you on in every step of the way.. we love you so much and we appreciate all that you do. #maygraduatenakami”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!