Sa isang interview, nagsorry si Judy Ann Santos sa kanyang mama.
Judy Ann Santos as a daugther: Nag-sorry at nagpasalamat sa Ina.
Hindi napigilan ni Juday ang maging emosyonal nang napag-usapan ang kanyang mother. Naiyak na ito dahil napunta ang kanilang usapan sa ina.
Naitanong ni Tito Boy kung paano at kanino siya magpapasalamat at kanino hihingi ng sorry. Ang sinagot ng Soap Opera Queen ay ang kanyang pinakamamahal na ina.
Nais daw niya magpasalamat ang kanyang Mommy Carol dahil sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanilang pamilya. Gusto rin niya ito pasalamatan ulit sa sakripisyo na ginawa nito para sa kanila.
Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos
Naalala pa ng aktres ang isang moment ng kanilang buhay kung saaa, sinabi niya na hindi ito magka-college. Naintindihan daw ng kanyang Mommy ang situation niya noong time na ito.
“Ma hindi na ako magka-college. Gusto ko na ‘tong idiretso, magtatrabaho ako.” pagkwenkwento ni Juday.
Sinuportahan naman siya ng ina sa kanyang desisyon at nirespeto ito. Kahit pangarap ng magulang na makapagtapos siya ng college ay nirespeto parin ang desisyon niya.
Humingi rin siya ng sorry sa ina dahil hindi siya naging best daugther.
“Magso-sorry ako kay mom kasi I know I was not the best daughter. I think wala naman, ‘di ba, wala namang anak na perfect at the best.” pagpapatuloy pa ni Juday.
Nabanggit rin niya na hindi man niya madalas sabihin pero sobrang grateful niya sa ina. Mahal na mahal niya daw ito at sana ay makasama niya pa ng mas matagal ito.
Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos
Nakwento rin niya na ang lahat ng natutunan niya sa Mommy Carol ay ginagawa rin niya sa kanyang parenting style. Naitanong rin ni Tito Boy kung nagrebelde nga ba ang Soap Opera Queen sa kanyang kabataan.
Sinagot naman ito ng diretso ng aktres, noong teenage years niya nagsimula anag rebellious stage na kung saan umiinom ito, lumalabas at nagpapakalasing.
Pero kwento rin niya na hindi naapektuhan ang kanyang trabaho sa personal niyang problema.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!