Namamana ba ang katalinunahan? Ito ang sagot ng isang pag-aaral.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang natuklasan ng isang pag-aaral kung namamana ba ang katalinuhan.
- Ang kahalagagahan ng pagtuturo at pagiging isang mabuting halimbawa ng mga magulang para maging matalino at masipag sa pag-aaral ang anak.
Namamana ba ang katalinunahan?
Photo by Kindel Media from Pexels
Tayong mga magulang ay ninanais syempreng lumaking isang achiever ang ating anak. Pero mayroong ilan sa atin na sinasabing ang katalinuhan ay namamana umano.
Kaya kahit hindi turuan ang isang bata, kung matalino ang mga magulang nito ay lalaki rin itong matalino. Ganoon rin kung sinasabing mahina ang ulo ng mga magulang ng isang bata, wala na umanong pag-asa ang anak ng mga ito na maging matalino.
Ang paniniwalang ito, ayon sa isang pag-aaral ay hindi totoo. Bagama’t maaaring mamana ang katalinuhan, ito rin umano ay naituturo. Lalo na ng mga magulang na magsisilbing ehemplo ng pagiging masipag mag-aral at matiyaga sa pagkatuto.
Ito ang natuklasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa University College London o UCL.
Oo, namamana ang pagiging matalino pero ito rin ay naituturo
Ayon sa pag-aaral, totoong ang katalinuhan ay nasa genes na ng isang tao o nasa kaniyang nature. Ito ay nakakatulong para sila ay maging achiever o performer sa school.
Pero maliban dito, napakahalaga rin ng environment at lifestyle na kinalakihan ng isang bata para siya ay lumaking matalino o para ito ay ma-nurture.
Ito ay magagawa sa tulong ng mga nakikita niya sa kaniyang mga magulang at paano siya natuturuan ng mga ito para mahasa ang kaniyang isip at karunungan. Tulad na lang kung ang magulang ay mahilig magbasa, malaki ang tiyansa na maging ganito rin ang anak niya.
Natuklasan ito ng pag-aaral, matapos i-analyze ang 12 pag-aaral mula sa iba’t ibang bansa tungkol sa kung paano nakakaapekto ang genes ng isang tao sa magiging performance niya sa pag-aaral.
Sa pinagsama-samang pag-aaral ay tinatayang nasa 40,000 na pares ng magulang at anak ang naging bahagi ng ginawang analysis. Ang analysis ginawa sa tulong ng method na tinatawag na polygenic scoring.
Mga magulang dapat magsilbing magandang halimbawa sa anak pagdating sa pag-aaral at pagkatuto
Photo by ShotPot from Pexels
Sa ginawang pag-aaral ay natuklasan na tulad ng genes na namamana, ang impact ng environment at lifestyle na kinalakihan ng bata ay halos magkapareho ang impact sa magiging educational outcome niya.
Kaya naman napaka-halaga na kung gustong lumaking matalino ang isang bata ay dapat turuan siya ng mga magulang niya. At maging magandang halimbawa ang mga ito sa lahat ng oras para maging masipag sa pag-aaral nila.
Dagdag pa ng pag-aaral, ang ama at ina ay pareho lang ang impluwensiya sa magiging educational outcome ng kanilang anak. Kaya pagdating sa pagtuturo sa kanilang anak para maging matalino ay pantay lang dapat ang tungkulin nila.
“We discovered genetic nurture has a significant effect on a child’s educational achievement. The effects were mainly down to their parents’ education and how it influences the environment they provide.
We also found that fathers and mothers had similar genetic nurture effects, suggesting both parents are equally important in shaping and fostering an environment favourable for a child’s learning.”
Ito ang pahayag ni Dr. Jean-Baptiste Pingault, lead researcher ng ginawang pag-aaral at mula sa UCL Psychology & Language Sciences.
BASAHIN:
STUDY: Mahilig si baby sa magic? Clue daw ito kung magiging matalino siya paglaki
11 na dapat kinakain ng bata para lumaki siyang matalino
Gustong lumaking matalino ang bata? Importante ang mga itinuturo sa baby hanggang 5 years old, ayon sa study
Paano palakihing matalino ang iyong anak?
Kaugnay nito, ayon parin kay Dr. Pingault, base sa resulta ng kanilang pag-aaral, napatunayan kung gaano kahalaga ang educational attainment ng mga magulang sa magiging future ng anak nila.
Dahil kung nakatapos ng pag-aaral ang mga magulang ay mas may oportunidad silang mapag-aral ng maayos ang kanilang anak. Ito ang pinaniniwalaang paraan para mabigyang tuldok ang kahirapan.
Sapagkat sa tulong nito ay hindi lang mabibigyan ng magandang bukas ang kanilang anak, ito ay maipapasa rin nila sa mga magiging apo nila at sa mga susunod pang henerasyon.
Photo by Helena Lopes from Pexels
Paano mapapalaking matalino ang isang bata? Narito ang ilang tips na maaaring gawin para mas mahasa ang IQ ng iyong anak.
- Isailalim siya sa music lessons. Dahil sa ayon sa isang pag-aaral ang mga batang sumasailalim sa music lessons ay mas mataas ang score sa IQ subtest at naitalang mas nagkakamit ng academic achievement.
- I-encourage silang mag-exercise dahil ang pag-eexercise ay tumutulong para mas mapabilis ang ability ng isang batang matuto.
- Magbasa kasama ang iyong anak. Dahil ayon sa isang research ang pagbabasa kasama ang iyong anak ay mas nag-iimprove ng kaniyang reading skills at strategies.
- Siguraduhing nakakatulog ng maayos ang iyong anak. Dahil ang kakulangan ng isang oras na tulog ng isang bata ay katumbas ng dalawang taong pagkawala ng kaniyang cognitive maturation at development. Kasabay nito ay siguraduhing nakakakain siya ng masusustansiyang pagkain na nakakatulong sa brain development niya.
- Turuan ng self-discipline ang anak. Dahil ayon sa isang pag-aaral, ang willpower ay ang pinaka-importanteng habit para makamit ang individual success. Ito ay makikita sa epekto ng self-discipline sa academic performance at pagkakaroon ng high grades sa school ng isang bata kumpara sa nagagawa ng intellectual talent.
Source:
Science Daily, Time
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!