Mga pagkaing pampatalino ba ang hanap mo para sa iyong anak? Narito ang mga pagkaing hindi dapat nawawala sa mga inihahandang pagkain para sa kaniya!
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang mga pagkaing hindi dapat nawawala sa mga inihahaing pagkain sa iyong anak.
- Mga pagkaing pampatalino para sa mga bata
Mga pagkaing pampatalino para sa mga bata
Ayon sa nutritionist na si Bethany Thayer, ang ating utak ang pinakaunang organ sa ating katawan na nag-a-absorb ng mga nutrients mula sa mga pagkaing ating kinakain.
Kaya naman para sa mga maliliit na bata, payo ng psychiatrist na si Drew Ramsey dapat ay puro mga masusustansiyang pagkain ang kinakain nila sa kanilang murang edad. Sapagkat ang mga ito ay mahalaga sa kanilang brain development.
Pahayag ni Ramsey,
“These years are critical for brain development, and what they eat affects focus and cognitive skills.”
Dagdag pa ni Ramsey may mga pagkaing pampatalino na maari at dapat ibigay sa iyong anak. Ang mga ito ay ang sumusunod na makakatulong para maging matalas ang pag-iisip niya.
11 na dapat kinakain ng bata para lumaki siyang matalino
1. Salmon
Food photo created by timolina – www.freepik.com
Ang unang pagkaing pampatalino na dapat ipakain sa iyong anak ay ang mga fatty fish tulad ng salmon. Dahil sa ito ay excellent source ng mga omega-3 fatty acids na DHA at EPA.
Ang mga ito mahalaga sa growth at function ng ating mga utak. Pinoprotektahan din ng mga nutrients na ito ang pag-decline ng mental skills at memory loss ng isang tao. Nakakatulong din ito para tayo ay maka-focus na mahalaga sa mga batang nag-aaral.
Para ma-enjoy ng anak mo ang pagkain ng salmon, puwede mo itong i-grill at lagyan ng dip na gusto niya. Puwede ring idagdag ito sa tacos o kaya naman ay gawing palaman sa tinapay o sandwich. Maaari rin itong idagdag sa creamy broccoli soup o gawing salmon patties.
2. Itlog
Ang mga itlog ay great source of protein. Ang dilaw nga nito o yolk ay puno rin ng choline na nakakatulong naman sa memory development. Ito rin ay malaking tulong rin sa mga bata para makapag-concentrate.
Sa paghahanda sa iyong anak ay puwede itong i-scramble o i-prituhin at itabi sa paborito niyang breakfast ulam.
3. Nuts at seeds
Ang mga nuts at seeds ay good source ng vitamin E. Ito ay isang potent oxidant na pumo-protekta sa ating nervous membranes. Mayroon rin itong thiamin na nakakatulong sa ating utak at nervous system na gamitin ang glucose bilang energizer.
Ang magandang halimbawa ng mga nuts ay ang mani. Ito ay mai-enjoy ng mga bata na palaman sa tinapay sa pamamagitan ng peanut butter.
O kaya naman ay gawing toppings ang ilang piraso ng mga mani sa paborito niyang salad. Puwede rin namang hayaan lang siyang pumapak ng sunflower seeds.
4. Whole Grains
Food photo created by freepik – www.freepik.com
Para mag-function ng maayos ang iyong utak ay kailangan mo ng constant supply ng glucose. Ang whole grains ay isa sa good source nito. Ito rin ay nagtataglay ng B-vitamins na nakakatulong para mas maging malusog pa ang ating nervous system.
Maraming pagkaing nagtataglay ng whole grain na maaaring i-serve sa iyong anak. Tulag ng whole-grain bread para sa sandwiches. O kaya naman ay whole-grain tortillas at chips sa quesadillas, wraps at snacks.
5. Oats/Oatmeal
Ang mga oats o oatmeal ay excellent energy o pampagana ng utak sa umaga. Ito ay rich in protein at fiber na tumutulong sa ating heart at brain na maging healthy.
Ayon sa isang pag-aaral, kumpara sa sugary cereal ay mas nakakatulong sa mga memory related task ng mga bata ang sweetened oatmeal.
Ito ay maaaring i-serve sa iyong anak ng mainit-init pa. Parisan lang ito ng applesauce at cinnamon o kaya naman fresh o dried fruit. Puwede ring idagdag ito sa iyong pancake, muffin, waffle o granola bar recipe.
BASAHIN:
8 brain exercises na pampatalino
STUDY: 10 paraan para matulungan ang bata na maging matalino
STUDY: Mas matalino ang mga bata kapag mayroong sapat na Vitamin D ang ina habang nagbubuntis
6. Berries
Ang mga berries tulad ng strawberries, cherries, blueberries at blackberries ay nagtataglay ng high levels of antioxidants. Partikular na ang vitamin C na nakakatulong para maiwasan ang cancer. Ito ay good source rin ng omega-3 fats na mahalaga sa growth at function ng ating utak.
Ang mga berries ay maaring ihain ng fresh sa iyong anak. O kaya naman ay idagdag sa mga gulay o green salad para sa dagdag na lasa at sustansya.
7. Beans
Ang mga beans ay puno ng maraming nutrients. Tulad na lamang ng protein, carbohydrates at iba pang minerals. Ito ay nagtataglay rin ng omega-3 fatty acids na mahalaga sa brain growth at function.
Ilan sa mga greens na maaaring ihanda sa iyong anak ay spinach na maaring ilagay sa omelet at lasagna. Puwede ring ihalo ito sa palaman sa tortilla o pita pocket with beans.
8. Colorful veggies
Food photo created by jcomp – www.freepik.com
Ang mga makukulay na gulay tulad ng patatas, kalabasa at carrots ay best source ng antioxidant na nagpapanatili sa ating utak na strong at healthy.
Ito ay maise-serve sa iyong anak sa pamamagitan ng pag-prito tulad ng sweet potato fries. O kaya naman ay gumawa ng muffins mula sa kalabasa. Puwede namang fresh na ipapapak sa iyong anak ang hiniwang carrots.
9. Milk at yogurt
Ang mga dairy foods tulad ng milk at yogurt ay puno ng protein at B-vitamins. Ang mga ito ay mahalaga sa growth ng tissue, neurotransmitters, at enzymes sa ating brain.
Rich in fat rin ang mga ito na makakatulong sa brain cells na manatili sa healthy form para sa pagse-send at receive ng mga impormasyon.
Ang milk ay maaaring ihalo sa mga cereal. Habang ang yogurt ay maaaring i-serve with berries o nuts tulad ng almonds o walnuts.
10. Lean beef
Ang lean beef ay good source of iron. Ito ay isang essential mineral na nakakatuong sa isang bata na maging energized at maka-concentrate sa school. Ang karne ng baka ay mayroon ring zinc na nakakatulong para mas patalasin ang ating memorya.
Mai-seserve ito sa iyong anak kapares ng mga gulay. O kaya naman ay hiwain ng maliliit na priaso at i-top sa vegetable salad.
11. Apples at plums
Ang pagdadagdag ng apples at plums sa lunchbox ng iyong anak ay makakatulong rin para mahasa pa ang mental skills niya. Dahil sa ang mga ito ay nagtataglay ng quercetin, isang antioxidant na nakakatulong rin para mapanatiling healthy ang utak. At makaiwas ito sa mga neurodegenerative diseases, tulad ng Alzheimer’s o Parkinson’s disease.
Source:
WebMD
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!