Vloggers Junnie Boy and Vien nagdiwang ng first wedding anniversary sa Hong Kong

Nakakaaliw na trip to Hong Kong ang ibinahagi ng wife ni Junnie Boy na si Vien sa kaniyang vlog. Celebration ito ng kanilang anniversary.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasama ang kanilang mga anak, nagdiwang ng wedding anniversary sa Hong Kong ang vlogger na si Junnie Boy at ang wife nito na vlogger din na si Vien Iligan.

Wife ni Junnie Boy enjoy sa kanilang anniversary trip

Isang masayang vlog ang ibinahagi ng wife ni Junnie boy na si Vien Iligan sa kaniyang YouTube channel. Mapapanood sa naturang vlog ang pagbyahe nila patungong Hong Kong. Mula sa airport hanggang marating ang nasabing bansa.

Larawan mula sa Instagram ni Junnie Boy

Unang pinuntahan ng mga ito ang Lego Land Center. Kwento ni Vien, ang unang plano ay sa Disney Land pero dahil sa unpredictable weather nagdesisyon ang mga ito na sa Lego Land na lang muna pumunta.

Pagkatapos ay sinubukan naman nila ang sikat na Ngong Ping 360 cable cars. Kinakabahan man ay makikitang napakasaya ng pamilya sa kanilang pagsakay sa cable car.

Ani Junnie Boy, “Alam niyo takot na takot ako pero gusto ko lang sabihing ang ganda.”

Larawan mula sa Instagram ni Junnie Boy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang thrilling na pagsakay sa cable cars ay kumain naman ng Indian food sa isang restaurant ang pamilya.

Pagkatapos nito ay dumiretso na nga sa Disney Land ang pamilya ni Junnie Boy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saad ni Vien, katuparan umano ito ng kaniyang childhood dreams at mapupunan na ang isa sa kaniyang bucket list.

Tila batang tuwang-tuwa ang wife ni Junnie Boy sa mga nasaksihan sa Disney Land. Syempre hindi rin papahuli ang anak nilang si Mavi na talaga namang enjoy na enjoy ang Disney Land experience ng pamilya.

Larawan mula sa Instagram ni Junnie Boy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kahiwalay na vlog na ibinahagi ni Vien, mapapanood naman ang paggala nila sa Ocean Park Hong Kong.

Aliw na aliw naman ang mga fan ng celebrity couple dahil nakikita umano nilang na-enjoy ng kanilang mga idol ang wedding anniversary celebration ng mga ito kasama ang buong team Junnie Vien.

Saad ng isang netizen, “So nice to see Junnie and Vien having more fun than the kids! I’m sure they’re healing their inner child thru these moments. Mavi and Viela are so lucky to experience all these wonderful childhood memories with them thru this vlog!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang ikinasal noong March 28, 2022 sina Vien at Junnie Boy sa Silang Cavite.

Sinulat ni

Jobelle Macayan