Juvenile delinquency in the Philippines, mababawasan nga ba kung ibaba ang edad ng criminal liability?
Ito ay isa sa mainit na isyu na pinag-uusapan ngayon sa bansa. Dahil mula sa kasalukuyang 15-anyos na age of criminal liability ay nilalayong ibaba ito sa 12-anyos. Sa ganitong paraan umano ay matatakot ang mga kabataan na gumawa ng labag sa batas at maging responsable sa kanilang mga kinikilos. Ngunit mababawasan nga ba ng panukalang ito ang juvenile delinquency in the Philippines? At ano ang magiging epekto nito sa mga kabataang Pilipino?
Juvenile Delinquency in The Philippines
Isa sa Jerry, 11-anyos sa mga itinuturing na juvenile delinquent sa Pilipinas o menor de edad na lumabag sa batas. Ang naging kaso ni Jerry? Paglabag sa curfew hours.
Mababaw na dahilan kung titingnan ang batas na inilabag ni Jerry, ngunit ang naging kapalit ay nagdulot ng malalim na sugat hindi lang sa kaniyang kinabukasan kung hindi pati narin sa kaniyang pagkatao.
Dahil sa nilabag na batas, si Jerry ay dinala sa isang youth detention center na kilala sa tawag na “Bahay Pag-asa”. Dito dinadala ang mga menor de edad na Pilipino na nasangkot sa mga krimen upang mabigyan ng pagkakataong makapagbago at ayusin ang kanilang buhay. Ngunit, ito nga ba ang nangyayari sa bawat batang pumapasok sa youth facility na ito?
Pang-aabuso sa loob ng youth facility
Ayon kay Jerry, ay lumayas siya sa kanilang bahay upang makaiwas sa pambubugbog ng kaniyang ama. Habang ang ina niya naman ay nasa ibang bansa at nagtratrabaho. Wala daw itong alam sa pinagdadaanan niya.
Nang lumayas, tiniis ni Jerry na mamalagi at matulog sa lansangan. Dito siya nahuli dahil umano sa paglabag sa curfew na naging daan para madala siya sa Bahay Pag-asa.
Una inakala ni Jerry na ito na nga ang “pag-asang” hinahanap niya ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng youth facility na ito, naranasan ni Jerry ang pinakamalupit na pang-aabuso. Ito ay ang sekswal na pang-aabuso mula sa mga nakakatandang lalaking nakakulong umano sa youth facility na ito.
“I felt so dirty. That was the first time it happened to me. I cannot forget the sexual abuse.”
Ito ang naging pahayag ni Jerry sa isang interview sa AFP na kung saan inalala niya ang gabi na siya ay inabuso. Pagkukwento ni Jerry, hinila siya sa hinihigaan niyang kama ng mga older boys na nakakulong sa facility. Saka pinapasok sa CR at sinimulang abusuhin.
Iba pang kaso ng pang-aabuso
Maliban kay Jerry ay nakakaranas rin ng pang-aabuso ang iba pang kabataan sa loob ng youth facility. Tulad ni Justin, 17-anyos na nakaranas daw ng pambubugbog ng minsang lumabag siya sa house rules ng pasilidad.
“They would punch us in the chest, stomach and sometimes the chin. It was so painful. I learned to be callous there because of what they did to me and I wanted revenge”, pagkukwento ni Justin.
Para naman sa 15-anyos na si Tristan, akala niya ang pagkakalipat niya mula sa kulungan kasama ang matatanda papunta sa Bahay Pag-asa ay magpapagaan ng buhay niya. Pero nagkamali siya, dahil imbis na maging tahanan sa tulad niya ay naging kulungan rin daw ito para sa kaniya.
“I thought it would be a lovely home. But it was also a prison, a prison for children”, pahayag ni Tristan.
Si Tristan ay nakulong dahil umano sa drug trafficking na ayon sa kaniya ay gawa-gawa lang ng mga pulis.
Ang kwento ni Jerry, Tristan at Justin ay tatlo lamang sa kaso ng pang-aabuso sa loob ng youth facilities para sa mga juvenile deliquents.
Kung maaaprubahan ang pagbaba ng age of criminal liability ay tinatayang madadagdagan pa ang kaso ng mga tulad nila.
Buhay sa loob ng Bahay Pag-asa
Kinukundena naman ng mga grupong pumoprotekta sa karapatan ng kabataan ang panukalang batas sa pagbaba ng age of criminal liability at ang pang-aabuso na nararanasan ng mga kabataan sa loob ng Bahay Pag-asa.
“Children are detained in these so-called House of Hope (Bahay Pag-asa) like animals in cages.”
Ito ang pahayag ni Father Shay Cullen, presidente ng PREDA Foundation na tumutulong sa kabataang tulad ni Jerry.
“They lack the minimum staff requirement; they even lack food for children. Some of the Bahay Pag-asa that we saw are worse than prisons. They don’t have programs, beds and cabinets.”
Ito naman ang pahayag ni Tricia Oco sa isang senate inquiry. Siya ang executive director ng Juvenile Justice and Welfare Council.
Habang ayon kay Jay Mark Chico, head ng Bahay Pag-asa center sa Bulacan ay hindi daw adequate ang kanilang resources.
Ang facility na pinamumunuan niya ay ginawa para lang sa 60 na bata. Ngunit ngayon ay nasa 144 na ang batang nasa loob ng pasilidad. Ang iba nga daw ay natutulog na sahig dahil wala ng sapat na espasyo.
Pagbababa ng age of criminal liability
Para naman kay Melanie Ramos-Llana ng Child Rights Network Philippines ang panukalang pagbababa ng age of criminal liability ay magdadagdag lang sa bilang ng kabataang nahihirapan at naabuso sa loob ng pasilidad.
“There is a higher potential for abuse because the government is not prepared.”
“You put more children into Houses of Hope (Bahay Pag-asa) which are not equipped, lack personnel and programs, you will have problems. Jails or detention centers are not places for children”, pahayag ni Llana.
Ayon naman sa youth advocate na si Louise Suamen, dahil sa panukalang batas ay maaring mas matuto pa ang mga menor de edad na gumawa ng krimen kapag naihalo sa mga ibang matatandang bilanggo.
“If you are a child subjected to this environment, you can learn violence or abusive behavior. If they want to change something… treat detention as the last resort”, paliwanag ni Suamen.
Sa ngayon ay may 55 na Bahay Pag-asa centers sa buong bansa. At ayon sa isang official data, tanging walo lang sa 55 centers na ito ang sumusunod sa social welfare rules.
Kabilang sa social welfare rules na tinutukoy ay ang pagkakaroon ng isang social worker sa kada 25 na kabataan. Isang kama para sa kada isang kabataan na may kasamang masustansiyang pagkain, maayos na pananamit, toiletries at kumprehensibong rehabilitation program.
May tunay na pag-asa para sa iba
Pero para kay Nathan Andres, 21-anyos, ang pamamalagi niya sa Bahay Pag-asa ay nakatulong sa kaniya. Dahil dito ay nabigyan daw siya ng pagkakataon na baguhin at ayusin ang buhay niya.
“I am so grateful because I never imagined I could still pursue my studies.”
Si Nathan ay na-detain sa Bahay Pag-asa facility sa Bulacan dahil sa kasong rape. At ayon sa kaniya ang pagbababa ng age of criminal liability ay hindi solusyon para mabawasan ang juvenile delinquency in the Philippines. Dahil ayon kay Nathan, nakagawa man sila ng mali, sila ay tao at may halaga parin.
“We are like the flowers we craft from old papers. People think we are garbage, useless. But actually we still have value”, sabi ni Nathan.
Source: The Philippine Star, Asia One
Basahin: Bata nahuling nagdadala ng shabu sa loob ng kulungan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!