Pabalik-balik na sinat: Sanhi, sintomas at lunas

lead image

Maraming puwedeng dahilan nang pagkakaroon ng sinat. Alamin ang mga dahilan na ito at ang mga maaaring lunas upang maagapan ang sakit na sinat.

Masasabi na may lagnat ang isang tao kung ang temperatura ng kanyang katawan ay umaabot ng 38.3 grado ng celsius na tumatagal ng mahigit 24 oras mula sa karaniwang init ng katawan ng tao na 37.5 grado ng celsius. Kung ang temperatura ng nasabing tao ay nasa pagitan ng 37.5ºC hanggang 38.3ºC, siya ay mayroong sinat. Masasabi na pabalik-balik ang sinat na ito kapag tumagal nang 10 hanggang 14 araw.

Maraming kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng sinat ang isang tao, ngunit karamihan ay hindi dapat ikabahala. Kadalasan, ang pagtaas ng temperatura ng katawan ay bilang paglaban nito sa ibang impeksiyon tulad ng sipon at trangkaso. Ngunit kailangan alalahanin na may mga di pangkaraniwang dahilan ng pagkakaroon ng sinat na dapat suriin ng mga duktor.

Dahilan ng pagkakaroon ng sinat

Mga pangkaraniwang impeksiyon, tulad ng sipon, ang kadalasang dahilan ng sinat ng isang tao. Ngunit may iba rin na maaaring magdulot nito.

  • Impeksiyon sa paghinga
  • Urinary Tract Infections (UTI)
  • Gamot
  • Pagtubo ng ngipin
  • Stress
  • Tuberculosis
  • Autoimmune diseases
  • Prublema sa Thyroid
  • Cancer

Kailan ipapasuri sa duktor

Ang pagkakaroon ng lagnat ay may iba't ibang epekto sa mga bagong silang, bata at matatanda. Ito ay ilang mga sitwasyon kung kailan dapat nang magpasuri.

Bagong silang na sanggol

Para sa mga sanggol na wala pang 3 buwan, ang kaunting pagtaas ng temperatura ay maaaring pahiwatig ng pagkakaroon ng malalang impeksiyon.

Lumapit agad sa mga ispesiyalista kung ang sanggol na may sinat ay nagiging iritable, matamlay, o hindi mapakali o kaya naman ay nagtatae, sinisipon o inuubo. Kung wala ang mga sintomas na ito, dalhin ang sanggol sa duktor kung ang tuloy-tuloy na sinat ay lumagpas na ng 3 araw.

Bata

Kung ang bata ay nakakatingin sa mga mata, nakaka-inom at nakakapaglaro pa, walang dapat ikabahala sa pagkakaroon nito ng sinat. Dalhin sa duktor kapag ang sinat ay lumagpas na ng 3 araw.

Kumunsulta rin sa duktor kung ang bata ay:

  • iritable o hindi mapakali
  • hirap tumingin sa mga mata
  • sumusuka
  • may malalang pagtatae
  • mainit ang katawan pagkagaling sa mainit na lugar

Matatanda

Sa matatanda, dapat kumunsulta sa duktor kapag ang temperatura ay lumagpas na ng 39.4 grado ng celsius. Kapag masmababa dito ngunit tumagal na ng mahigit 3 araw, kailangan narin ipatingin ito.

Lumapit narin sa duktor kung ang lagnat ay may kasamang:

  • kakaibang pantal na lumalala
  • pagkalito
  • pagsuka
  • seizures
  • sakit sa pag-ihi
  • matinding sakit ng ulo
  • pananakit ng lalamunan
  • panghihina
  • hirap sa paghinga
  • guni-guni

Paggamot sa pabalik-balik na sinat

Kusang nawawala ang sinat. Makakatulong sa pagtanggal nito ang mga pangkaraniwang gamot na mabibili sa mga drug stores, ngunit mas mainam parin na idaan sa pag-inom ng tubig at pagpapahinga.

Kung iinom ng gamot, may iba't ibang gamot na tulad ng ibuprofen at aspirin. Ngunit dapat tandaan na huwag magbibigay ng aspirin sa mga batang wala pang 12 na taon ang edad upang maiwasan ang ibang malalang karamdaman.

Para sa mga sanggol na wala pang 3 buwan, kumunsulta sa ispesiyalista bago painumin ng gamot.

 

Source: Healthline

Basahin: Lagnat ng baby: Sanhi, sintomas, at lunas

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner