Ano nga ba ang gamot sa lagnat ng bata? Paano masasabi sa pamamagitan ng temperature na may lagnat ang bata? Alamin dito.
Mahirap para sa ina ang makita ang kanyang anak na may sakit at nahihirapan. Hangga’t maaari ay gusto natin na mayroon silang masiglang katawan at aktibo sa mga pisikal na gawain. Masakit sa damdamin ang pag-aalaga ng batang may sakit, lalo na kung gising pa sila ng madaling araw dahil sa lagnat.
Isang bagay na labis na nagdudulot ng kaba at pag-aalala sa ating mga magulang ay ang mataas na lagnat ng bata. Hindi tayo mapakali kapag nararamdaman natin na mainit ang kanilang pakiramdam at matamlay ang kanilang pangangatawan. Lalo tayong nababalisa kapag “inaapoy ng lagnat” ang bata.
Natural lang sa atin ang mag-alala, subalit sa halip na mabalisa, dapat ay maging handa tayo sa mga ganitong sitwasyon at alamin kung ano ang mga dapat gawin para bumaba ang lagnat ng bata. Mahalagang malaman ang tamang gamot sa lagnat ng bata 4 years old pababa upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kalusugan. Narito ang ilang mga hakbang na makatutulong upang mabawasan ang kanilang lagnat at maibalik ang kanilang sigla. Magsimula tayo sa mga simpleng bagay na maaaring gawin para bumaba ang lagnat at mas mapadali ang kanilang paggaling.
Ano ang lagnat?
Ang lagnat ay nangyayari sa oras na tumaas ang temperatura ng katawan. Paliwanag ng siyensiya, ang lagnat ay dumedepende sa thermostat ng katawan na idinidikta ng isang bahagi ng ating utak na tinatawag na hypothalamus. Kabisado ng hypothalamus ang normal na temperatura ng katawan na dapat ay nasa 98.6°F o 37°C.
Maliban sa pagkakasakit, may mga activities tayong ginagawa sa araw-araw na maaaring makaapekto sa normal na temperatura ng ating katawan. Katulad ng paglalaro sa mga bata o pag-eexercise na nagbe-burn ng calories at fats sa katawan, na maaaring magdulot ng bahagyang pag-init nito. Maari ring magbago ang temperatura ng katawan depende sa klima o araw.
May ibang mas mataas ang temperatura sa gabi at mas mababa naman sa umaga. Pero paliwanag ng mga eksperto, ang pagtaas ng temperatura ng katawan mula sa normal na tinatawag na lagnat ay palatandaan ng pagkakaroon ng sakit.
Sapagkat ang lagnat ay ang response ng katawan sa impeksyon o karamdaman na nilalabanan nito. Dagdag na paliwanag pa ng siyensya, ang pagkakaroon ng lagnat umano ay ang paraan ng ating katawan para mas mahirapan ang mga germs na nagdudulot ng sakit na manatili at magdulot pa sa atin ng sakit. Kaya mahalagang malaman ang mga dapat gawin para bumaba ang lagnat upang mapanatili ang kalusugan ng ating mga anak. Ang mga hakbang na ito ay makatutulong sa pag-regulate ng kanilang temperatura at maibalik ang kanilang sigla. Isang mahalagang bahagi ng pag-aalaga ay ang pag-alam kung ano ang mga dapat gawin para bumaba ang lagnat, lalo na sa mga pagkakataong kinakailangan ng agarang atensyon.
Ano ang sanhi ng lagnat ng bata?
Pag-aalaga sa batang may lagnat | Image source: iStock
Para sa ating matatanda, ang lagnat madalas ay nalalampasan ng ating katawan ng hindi na kailangan pang uminom ng gamot. Pero para sa mga bata lalo na sa mga baby, ang lagnat ay nagdudulot ng discomfort.
Ang lagnat ng bata o sanggol, kung mapabayaan o hindi agad na malunasan ay mAaaring mauwi sa dehydration na lubhang delikado sa maliit pa nilang katawan.
Ayon kay Dr. Nicole Perreras, isang pedia sa Makati Medical Center, may iba’t ibang sanhi ng lagnat ng bata. Ito ay naka-depende sa edad.
“Kailangan ‘pag three months and below na biglang nilagnat especially kapag nasa first 30 days or 29 days, kailangan talaga ma-assess ‘yon.
But kung mas matanda na ang baby, for example three months hanggang three years old, usually ang pinaka common na sanhi ng fever o lagnat ay viral infection. ‘Yan ang mga sinasabing tigdas hangin, pagtatae, ubo at sipon.
For older children, depende na rin yon sa iba’t ibang signs and symptoms. ‘yong iba tatanungin mo, ‘kakabakuna lang ba sa baby?’.
Baka naman kasi in the past 48 hours nakatanggap pala si baby ng bakuna. So there are many things that could cause fever so depende talaga yon.
In general, ‘yan ‘yong mga causes for age group na kailangang tutukan ng mga magulang.”
Pero paano ba nating masasabi na may lagnat na ang ating anak?
Paano masasabing may lagnat ang bata?
Ang paglalagay ng kamay sa noo at leeg ay isa sa mga paraan na nakasanayan natin para masabing may lagnat ang bata o isang tao. Pero para mas maging accurate, may tatlong paraan gamit ang thermometer ang inirerekumenda ng mga doktor.
Ang mga paraan na ito ay naiiba base sa kung saang parte ng katawan kinunan ng temperature ang bata. At sa bawat parte ng katawan na ito ay maaaring maiba-iba ang makuhang temperatura.
Kung gagamit ng oral thermometer o sa pamamagitan ng bibig kinuha ang temperatura ng isang bata, masasabing siya ay may lagnat sa oras na lumagpas sa 100°F o 37.8°C ang nakuhang temperatura sa kaniya.
Kung ang temperatura naman ay kinuha gamit ang rectal thermometer o sa puwit, masasabing may lagnat ang bata sa oras na higit sa 100.4°F o 38°C ang temperaturang nakuha.
Habang kung sa kili-kili naman kinuha ang temperatura o axillary kung tawagin, ang bata ay masasabing may lagnat na sa oras na higit sa 99°F o 37.2°C. Masasabi namang mataas ang lagnat ng bata sa oras na ito ay umabot na sa 102°–104°F o 38.9°–40°C. Kapag mataas ang lagnat ng iyong anak, importante ring alamin ang tamang gamot sa lagnat ng bata 4 years old pababa upang masiguro ang kanilang mabilis na paggaling.
Mataas na lagnat ng bata
Bagamat nakakatakot makita ang mataas na lagnat ng bata, hindi naman sukatan ito sa kung gaano kalala ang sakit niya. Dahil ang lagnat ay maaaring magbago-bago sa oras na pagpawisan ang isang tao.
Pero para sa mga maliliit na bata, nagiging dahilan ng pag-aalala ang mataas na lagnat, lalo na kung ito ay sasabayan ng mabilis o hirap sa paghinga. Isa ito sa mga palatandaan na dapat nang dalhin sa doktor ang iyong anak.
Kung ang bata naman ay sanggol pa o 3 months pababa at nagkaroon ng lagnat, dapat na rin itong agad na ikonsulta sa doktor. Wala namang dapat ipag-alala o masasabing hindi seryoso ang lagnat kung ang maliit na bata na may lagnat ay nakakagawa pa ng mga sumusunod:
Mahalagang malaman ng mga magulang kung ano ang mga dapat gawin para bumaba ang lagnat, upang matiyak na ang bata ay komportable at hindi nagkakaroon ng komplikasyon. Ang tamang pag-aalaga at kaalaman sa mga hakbang na ito ay makatutulong upang mapanatili ang kalusugan ng kanilang anak.
- Interesado pang maglaro.
- Nakakain at nakakainom ng tubig ng maayos.
- Alerto at nakakangiti pa sayo.
- May normal na skin color o kulay ng balat.
- Maayos ang itsura sa oras na bumaba ang temperatura ng katawan o ang lagnat niya.
Pag-aalaga sa batang may lagnat | Image from Unsplash
Ang pabalik balik na lagnat ng bata ay isang lagnat na nangyayari nang maraming beses sa isang panahon. Minsang inilarawan bilang episodic, ibig sabihin ay dumarating at umalis ang lagnat na ito.
Ang ganitong uri ng lagnat ay karaniwang nakikita sa maliliit na bata, karaniwan ay wala pang 5 taong gulang (lalo na sa mga sanggol at maliliit na bata). Ang tumaas na temperatura ay tumatagal ng ilang araw at pagkatapos ay mawawala sa loob ng ilang oras.
Isa sa mga pangunahing sintomas ang pabalik balik na lagnat ng bata sa mga kondisyon na tinatawag na periodic fever syndromes.
Ang lagnat ay maaaring mangyari sa maraming iba’t ibang dahilan. Maaaring kabilang sa mga sanhi na ito ang:
- Virus
- Bacterial infection
- Pagbabakuna
Gayunpaman, ang paulit-ulit na lagnat ay hindi sanhi ng virus o bacterial infection.
Ang pabalik balik na lagnat ng bata ay isa sa pangunahing sintomas ng periodic fever syndrome. Mayroong ilang mga uri ng periodic fever syndromes, kabilang ang:
- Familial Mediterranean fever (FMF)
- Muckle-Wells syndrome and familial cold auto inflammatory syndrome
- Periodic fever, Aphthous-stomatitis, Pharyngitis, Adenitis (PFAPA) syndrome
- Tumor necrosis factor receptor associated periodic syndrome (TRAPS)
- Hyperimmunoglobulin D syndrome (HIDA)
- Neonatal onset multisystem inflammatory disease (NOMID)
Lagnat ng bata sa gabi: Dapat bang gisingin?
Kung ang iyong anak ay nakatulog, huwag gisingin ang iyong anak para lamang kunin ang kanyang temperatura o bigyan siya ng gamot sa lagnat. Ang pagtulog ng mahimbing sa gabi ay mas mahalaga sa proseso ng pagpapagaling kaysa sa pagsubaybay sa kanilang temperatura.
Ngunit kung ang iyong anak ay natutulog nang hindi mapakali, o humihinga nang mas mabilis kaysa sa karaniwan o hindi regular, maaari mong suriin ang kanilang temperatura upang magpasya kung kailangan nang dalhin ito sa doktor o bigyan ng gamot.
Bilang magulang, marami tayong isinasaalang-alang bago painumin ang anak ng gamot sa lagnat ng bata para bumaba ang temperature ng kanyang katawan, lalo na kung hindi nirekomenda ng doktor. Isa ka ba sa mga magulang na hindi gustong gumamit ng gamot lalo na sa kanilang toddlers? Kung oo, may mga paraan ka namang maaaring gawin para bumaba ang lagnat ng bata o paano mawala ang lagnat ng bata ng hindi siya binibigyan ng gamot.
Bagamat, paalala para mas makasigurado, mainam na ipatingin sa doktor ang iyong anak at sundin ang mga ipe-prescribe nila para sa iyong anak. Ang mga hakbang na gagawin para bumaba ang lagnat nang hindi gumagamit ng gamot ay makatutulong din sa kanilang pag-galing.
Gamot sa lagnat ng bata
Hindi bumababa ang lagnat ng bata? Lagnat na mainit ang paa at kamay ng bata? 37.7 may lagnat ba sa bata?
Buti na lamang ay may ilang maaaring gagawin para bumaba ang lagnat ng bata. Narito ang ilang gamot sa lagnat ng bata home remedy:
Subalit bago ang lahat, naniniwala kami na kapag may lagnat ang bata, dapat ay makipag-ugnayan muna at humingi ng payo sa kaniyang pediatrician para malaman kung anong dapat gawin at ang tamang gamot sa lagnat ng bata.
Paano mawala ang lagnat ng bata?
1. Ano ang gagawin para bumaba ang lagnat ng bata? Siguruhing presko ang kaniyang suot
Kung hindi naman siya nilalamig, hindi tama na kumutan ang bata na nilalagnat. Kapag ginagawa ito, mas lalong tumataas ang temperatura at mas lalong iinit ang katawan. Kailangang malamigan ang kanyang katawan kaya bawasan ang layer ng kaniyang suot para bumaba ang temperatura.
2. Mabisang gamot sa lagnat ng bata: Hikayatin siyang uminom ng inumin
Siguraduhing nakaka-inom ng walong basong tubig ang batang may lagnat. Makakatulong ito para mailabas ang init ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.
3. Paano pababain ang lagnat ng bata? Pakainin siya ng marami
Mas mabilis gumaling ang bata kung siya ay kumakain ng sapat. Mas mapalalakas nito ang kanyang katawan para mas mabilis siyang gumaling. Kaya naman mas mainam kung mainit na sabaw ang pakakainin.
4. Gamot sa lagnat ng bata home remedy: Maligamgam na panligo.
Iwasang paliguan ng malamig na tubig ang iyong toddler. Paliguan ang bata ng ilang minuto gamit ang maligamgam na panligo.
5. Sponge bath
Kung ayaw syang paliguan, subukan ang maligamgam na sponge bath para mapababa ang kanyang lagnat. Pagkatapos ay bihisan agad ang bata para hindi na siya lamigin.
6. Cold Compresses: Nilalagay sa noo ng bata pag may lagnat
Ang paglalagay ng malamig na washcloth sa kanyang noo, pulso, at mga bahagi ng katawan kung saan malapit ang mga ugat sa balat. Ang nilalagay sa noo ng bata pag may lagnat ay makakatulong para maging presko ang kaniyang pakiramdam.
7. Paano pababain ang lagnat ng bata: Alukin siya ng ice cubes
Kung ayaw niya uminom, bigyan siya ng ice cubes o ice chips na maaaring sipsipin. Makakatulong ito na ma-hydrate siya at mapalamig din.
Dapat tandaan sa pagpapa-inom ng pampababa ng lagnat ng bata na gamot
Kung paiinumin ng mabisang gamot sa lagnat ng bata, siguraduhing sundin ang payo ng doktor. Isa sa mga bagay na dapat alamin ay ang klase ng gamot na mayroon kayo, o kung ano ang dapat bilhin. Ani Dr. Perreras,
“Before you give the medication, dapat you have to check the preparation. minsan sinasabi ng parents, ‘syrup po ‘yong meron ako’ but actually if you look at the box ay drops ‘yon.
So ‘pag drop hanggang 2 years old very concentrated ‘yong forrmulation ng gamot. So 1 ml of a drop will have 100 mg versus versus mga mas dilute ang syrup.
‘Yong iba 120 per 5 ml. ‘yong iba 250mg per 5 ml. So number 1, be very careful. Be very careful of what you actually have or what you actually bought.”
Dagdag pa ng doktora, dapat ding tignan ang tamang dosage para sa anak. Kadalasan umano itong nakabase sa bigat ng bata. Payo niya,
“But best if you really ask your pediatrician what’s the safe range because if you overdose on paracetamol, depending on the those, pwedeng magkaroon ng liver failure young bata.
That’s one cause din for bringing a child to go to the emergency room if masyadong madami ‘yong nainom ng bata kasi that could have long-term effects.
One thing I can really recommend to parents is to before you give any medication, you should check the preparation and check the dose. Because it is not a drug that has no side effects if you overdose it.
If you’re giving the proper dose, the proper time but still the temperature is not going down, baka kailangan talaga mas ma-assess yung bata. Baka may iba palang infection kaya hindi nawawala and lagnat.”
Pampababa ng lagnat ng bata: Dapat bang pagsabay-sabayin ang gamot?
May mga pagkakataon na ang lagnat ng bata ay may kasamang ubo at sipon. Kung minsan ay marami tayong pinaiinom sa ating mga anak bukod sa gamot sa lagnat. Narito ang payo ni Dr. Perreras upang hindi ma-overdose ang bata sa gamot:
“Best is to consult your pediatrician kasi kung minsan ita-take into consideration nya kung yong colds medicines ay may halo ng paracetamol.
Don’t give any medications that you haven’t heard from your pediatrician. Kasi minsan, parang na-max out mo na pala ‘yong dose ng paracetamol.”
Pagkain para sa may lagnat na bata
Narito ang ilang mga pagkain para sa may lagnat na bata:
Kung ang iyong anak ay kasalukuyan pa ring nagbe-breastfeed, makakabuti ito sa lagnat ng iyong anak. Ang iyong breastmilk ay makakapagbigay ng sapat na nutrisyon para sa iyong anak at sa paglaban nito sa lagnat.
Sa katunayan, malalaman ng iyong mga suso kung ang iyong anak ay lumalaban sa isang infection. Magiiba ang composition ng iyong breastmilk para magkaroon ng mas maraming antibodies laban sa lagnat ng iyong anak.
Mayroon itong balanseng bitamina, mineral at protein na kailangan laban sa lagnat. Ang chicken ay laman ding amino acid na tinatawag na cysteine. Ito ay may anti-viral at anti-oxidant properties.
Ang pure organic honey ay may anitmicrobial compounds. Pinapalakas din nito ang immune system. Mabisa rin ito sa paggamot ng ubo sa mga bata at matatanda.
Tignan ang ilan pang pagkain para sa may lagnat dito.
Kailan dapat ikonsulta kapag may lagnat ang iyong anak?
Pag-aalaga sa batang may lagnat | Image from Unsplash
Kadalasan, kung ang lagnat sa bata temperature ng iyong anak ay mas mababa kaysa sa 38°C, maaari mong gamitin ang anim na gabay na nasa itaas upang maibsan ang masamang pakiramdam ng iyong anak.
Kaya naman, importanteng magkaroon ng body thermometer lagi sa bahay para sa mga panahong ganito para ma monitor mo ang lagnat sa bata temperature.
Lagnat na mainit ang paa at kamay ng bata? 37.3 may lagnat ba sa bata? Depende sa edad ng bata, maaari mong malaman kung kailan ka dapat maalarma pagdating sa kaniyang temperatura. Kapag dumating sa puntong ito, mas mabuti kung kumausap na ng pediatrician upang mabigyan na siya ng tamang prescription.
- Mula pagkapanganak hanggang edad na tatlong buwan – kung ang kanyang temperatura ay umabot na sa 38°C (100.4°F) or mas mataas pa dito.
- Edad mula tatlong buwan hanggang anim na buwan – kung ang kanyang temperatura ay umabot na sa 39°C (102°F). Pansinin rin kung siya ay iritable or palaging inaantok.
- Mula anim na buwan hanggang dalawang taong gulang – kapag ang temperatura niya na 39°C ay hindi naiibsan sa loob ng isang araw, kailangan mo na siyang madala sa doktor. Obserbahan rin kung mayroon siyang pinapakitang ibang sintomas kagaya na lamang ng rash, ubo, o diarrhea. Kapag mayroon siya sa kahit alin sa mga nabanggit na sintomas, siguraduhing makausap agad ang kanyang pedia o dalhin sa pinaka malapit na ospital.
Para sa mga batang edad dalawang taon pataas, obserbahan ang kanyang temperatura. Kapag ito ay pabalik balik sa 40°C, tumawag agad sa kanyang pediatrician o pumunta sa pinaka malapit na ospital upang siya ay mapa-examine.
Kung ang lagnat ng iyong anak ay tumagal ng tatlong araw o higit pa, o kaya naman ay hindi bumababa sa tulong ng home remedies at gamot sa lagnat na nireseta ng doktor, pumunta na sa pinaka malapit na ospital upang siya ay mabigyan ng tamang diagnosis at prescription.
Dalhin din ang bata sa ospital agad-agad kapag ang kaniyang lagnat ay sinasamahan ng mga sumusunod na sintomas:
- pamumutla o kulay blue na labi, dila o mga kuko
- pagiging balisa at patuloy na pag-iyak
- ayaw uminom ng tubig
- kinokombulsyon (seizures)
- may senyales ng dehydration (kaunting ihi, walang luha kapag umiiyak)
- pananakit ng tiyan
- nahihirapang lumakad
- stiff neck
- nahihirapang huminga o hinihingal
- rashes na kulay purple na parang pasa
Kung mayroon kang katanungan tungkol sa pagkakaroon ng lagnat ng iyong anak huwag mahiyang kumonsulta sa pediatrician ng iyong anak.
Ang article na ito ay unang na-publish sa CafeMom at isinalin ng may pahintulot mula sa theAsianparent Singapore .
Dagdag ulat mula kay Kyla Zarate, Margaux Dolores at Irish Manlapaz
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!