#AskDok: Bakit nagkakaroon ng pabalik-balik na sinat ang baby?

Maraming puwedeng dahilan nang pagkakaroon ng sinat. Alamin ang mga dahilan na ito at ang mga maaaring lunas upang maagapan ang sakit na sinat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pabalik-balik na sinat sa bata o sanggol, alamin ang mga posibleng dahilan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga posibleng dahilan kung bakit nakakaranas ng sinat o lagnat ang isang sanggol o bata.
  • Kailan dapat dalhin sa doktor ang isang sanggol o batang nilalagnat.

Kailan masasabing may lagnat o sinat ang isang bata o sanggol?

Tayong mga magulang, ang madalas na paraang ginagamit natin upang malaman kung may lagnat o sinat ang ating anak ay sa pamamagitan ng paglalagay sa ating palad sa kanilang noo o leeg.

Pero ayon sa pediatrician na si Dr. Nicole Perreras mula sa Makati Medical Center, hindi ito ang pinakamaasahang paraan para matukoy kung may lagnat ang isang tao. Mainam pa rin na gumamit ng thermometer na siyang makakapagsabi ng aktwal na temperatura ng ating katawan.

“Iyong tactile kasi, it’s not reliable because it depends on the skin of the person touching the child. Kung feeling mo mainit siya, that’s the time to really check it with a thermometer.”

Ito ang pahayag ni Dr. Perreras.

Woman photo created by freepik – www.freepik.com

Pagkuha ng tamang temperatura ng katawan

Pero paliwanag pa ni Dr. Perreras, ang pagsasabing may lagnat ang bata ay depende sa kung paano kinuha ang body temperature niya. Dahil ang mga bahagi ng katawan na madalas na kinukunan nito’y maaaring magkaroon ng iba’t ibang init o temperatura.

Pagpapaliwanag ni Dr. Perreras,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang rule kapag bagong silang lang ang baby rectal temperature iyon. Kasi iyon ang pinaka-accurate in a sense na pinakamalapit siya sa core temperature ng baby.

Any temperature reading that’s higher than 38 kapag rectal that’s alarming. And you should contact your pediatrician kapag less than 3 months of age.”

“Pero kapag kunwari oral temperature naman, usually mga 4 years and above ay kaya ng ilagay ng bata ang thermometer sa mouth.

And anything higher than 37.8 is considered fever. Ngayon iyong sa kilikili kinukuha iyong temperature o axillary usually anything higher than 37.5 kailangan ng i-monitor ang temperature.

Kasi malalaki iyong variations ng normal temperature per area na kinukuhanan ng reading ang baby. But usually ang common na sinasabi namin any axillary reading higher than 37.8 ng puwede ng magbigay ng first aid then contact your doctor.”

Ano ang pinagkaiba ng sinat o lagnat?

Paliwanag niya pagdating naman sa sinat, ito ay maaaring paunang palatandaan palang ng pagkakaroon ng lagnat ng isang bata. O kaya naman ay baka resulta lang ng maling reading ng thermometer.

Sa ganitong sitwasyon, paalala ni Dr. Perreras, tingnang maigi kung ayos o gumagana ba ang thermometer na ginagamit sa pagkuha ng temperature ng bata.

Dagdag pa niya, para makasiguro kung mayroong lagnat ang iyong anak, dalawang beses kunin ang kaniyang temperature mula sa magkaibang bahagi ng katawan. “If in doubt, you can check the temperature in two different areas,” sabi pa ni Dr. Perreras.

Kapag walang lagnat ang bata subalit mainit pa rin ang kaniyang balat at tila matamlay, maaari mo na ring simulang i-monitor ang kaniyang temperature sa pagitan ng 4 na oras.Ito ay para makumpirma kung mayroon nga siyang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahilan ng pagkakaroon ng sinat o lagnat

Ayon parin kay Dr. Perreras, ang lagnat ay ang natural response ng katawan laban sa impeksyon, bacteria o virus. Pero kung ang batang may lagnat ay isang sanggol na edad 3 months old pababa, ito ay hindi dapat isawalang bahala.

“Kung baby na baby pa like 3 months and below, any fever ay kailangang ma-assess ng pediatrician. Kasi ang usually kailangan nating i-rule out hanggang 3 months of age ay iyong malulubhang infection like sepsis, bacterial infections.

Kasi siyempre kapag 3 months palang iyong baby iyong immune system niya we are still waiting for it to be at its best.

So kailangan kapag 3 months and below at biglang nilagnat especially kapag nasa first 30 days o 29 days so kailangan talagang ma-assess iyon.”

“Pero kapag mas matanda na iyong baby for example 3 months hanggang 3 years old usually ang pinaka-sanhi ng fever o lagnat ay viral infection.

So ayan iyong sinasabing tigdas hangin, pagtatae, mga ubo at sipon. And for older children depende narin iyon sa mga signs and symptoms. Siyempre iyong iba ring causes kung kunyare ay kung bagong bakuna lang ba si baby.”

Ito ang paliwanag ni Dr. Perreras.

BASAHIN:

10 pagkain na pampalakas ng resistensya kapag may lagnat

6 Natural na paggamot sa lagnat ng bata

Mainit si baby? Narito ang 5 home remedies sa sinat na pwedeng subukan

Kailan masasabing pabalik-balik ang sinat o lagnat ni baby?

Baby photo created by valuavitaly – www.freepik.com 

Ayon sa Cleveland Clinic, ang pabalik-balik na lagnat o recurring fever ay ang pagkakaroon ng multiple o paulit-ulit na lagnat na tinatawag ring episodic fever.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang ibig sabihin, ang sinat ay maaaring mawala at bumalik na namang muli. Halimbawa nito, ang pagkakaroon ng sinat o lagnat kada buwan o kaya naman ay kada linggo.

Ang uri ng lagnat na ito ay madalas na nararanasan ng mga maliliit na bata. Madalas sa mga batang edad 5 pababa. Ang lagnat ay maaaring tumagal ng ilang araw saka mawawala habang nanatiling malusog at normal ang pakiramdam ng isang bata.

Ayon pa rin kay Dr. Perreras, masasabi namang persistent ang lagnat ng isang bata kung ito ay tumatagal ng 5 araw o higit pa. Maaaring dahil sa mga bacterial infections o kaya naman dengue kung ang lagnat ay umabot na ng isang linggo.

Pagpapaliwanag niya,

“In general,  after 48 hours and you notice that the fever is not being controlled or pataas ng pataas iyong spikes or maybe iyong baby kahit nagbibigay ka ng anti-pyretic hindi bumaba iyong fever niya, bring her to the doctor na.

Kasi habang tumatagal ng tumatagal iyong fever mas dumadami iyong possible cause o iyong infectious causes. If you have a child naman na weeks ng nilalagnat you have to rule baka it’s a severe condition na.”

Sintomas ng pabalik-balik na lagnat

Tulad ng typical na lagnat, ang pabalik-balik na lagnat ay nagpapakita rin ng parehong sintomas. Tulad ng mataas na temperatura na higit sa 37° Celsius, panginginig ng katawan at mainit na balat. Sasabayan rin ito ng pananakit o pagkapagod ng katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga bata, maliban sa mga nabanggit na sintomas, ang iba pang mapapansing pagbabago sa kanila dulot ng lagnat ay ang sumusunod:

  • Pagiging iritable o bugnutin.
  • Ayaw kumain o uminom ng tubig hindi tulad ng normal o usual niyang ginagawa.
  • Umiiyak ng may mataas na tunog.
  • Pagkamot o paghila sa kaniyang tenga.
  • Matamlay o less responsive.

Iba pang maaaring sanhi ng pabalik-balik na lagnat

Photo by RODNAE Productions from Pexels 

Maliban sa mga pangkaraniwang kondisyon na nagdudulot ng lagnat, ang pabalik-balik na lagnat ay maaring sintomas rin ng grupo ng mga sakit na tinatawag na periodic fever syndrome. Ang kondisyon na ito ay madalas na dulot ng genetic defect.

Maraming klase o uri ang periodic fever syndromes, kabilang rito ang mga sumusunod:

  • Familial Mediterranean fever (FMF).
  • Tumor necrosis factor receptor-associated periodic syndrome (TRAPS).
  • Hyper immunoglobulin D syndrome (HIDA), o tinatawag ring mevalonate kinase-associated periodic fever syndrome.
  • Neonatal onset multisystem inflammatory disease (NOMID).
  • Muckle-Wells syndrome and familial cold autoinflammatory syndrome.
  • Periodic fever, Aphthous-stomatitis, Pharyngitis, Adenitis (PFAPA) syndrome.

Kailan dapat ipasuri sa duktor ang batang may sinat o lagnat

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagkakaroon ng lagnat ay may iba’t ibang epekto sa mga bagong silang na sanggol, bata at matatanda. Ito ay ilang mga sitwasyon kung kailan dapat nang magpasuri.

Bagong silang na sanggol

Para sa mga sanggol na wala pang 3 buwan, ang kaunting pagtaas ng temperatura ay maaaring pahiwatig ng pagkakaroon ng malalang impeksiyon.

Lumapit agad sa mga espesiyalista kung ang sanggol na may sinat ay nagiging iritable, matamlay, o hindi mapakali o kaya naman ay nagtatae, sinisipon o inuubo. Kung wala ang mga sintomas na ito, dalhin ang sanggol sa duktor kung ang tuloy-tuloy na sinat ay lumagpas na ng 3 araw.

Bata

Kung ang bata ay nakakatingin sa mga mata, nakaka-inom at nakakapaglaro pa, walang dapat ikabahala sa pagkakaroon nito ng sinat. Dalhin sa duktor kapag ang sinat ay lumagpas na ng 3 araw.

Kumunsulta rin sa duktor kung tang bata ay:

  • iritable o hindi mapakali
  • hirap tumingin sa mga mata
  • sumusuka
  • may malalang pagtatae
  • mainit ang katawan pagkagaling sa mainit na lugar

Matatanda

Sa matatanda, dapat kumunsulta sa duktor kapag ang temperatura ay lumagpas na ng 39.4 grado ng celsius. Kapag masmababa dito ngunit tumagal na ng mahigit 3 araw, kailangan narin ipatingin ito.

Lumapit narin sa duktor kung ang lagnat ay may kasamang:

  • kakaibang pantal na lumalala
  • pagkalito
  • pagsuka
  • seizures
  • sakit sa pag-ihi
  • matinding sakit ng ulo
  • pananakit ng lalamunan
  • panghihina
  • hirap sa paghinga
  • guni-guni

Paggamot sa pabalik-balik na sinat o lagnat

Kusang nawawala ang sinat. Makakatulong sa pagtanggal nito ang mga pangkaraniwang gamot na mabibili sa mga drug stores, ngunit mas mainam parin na idaan sa pag-inom ng tubig at pagpapahinga.

Kung iinom ng gamot, may iba’t ibang gamot na tulad ng ibuprofen at aspirin. Ngunit dapat tandaan na huwag magbibigay ng aspirin sa mga batang wala pang 12 na taon ang edad upang maiwasan ang ibang malalang karamdaman.

Para sa mga sanggol na wala pang 3 buwan, kumunsulta sa ispesiyalista bago painumin ng gamot.

 

Source:

Healthline, Cleveland Clinic, Mayo Clinic