Mom confession: "I never say no to my husband—pagdating sa sex"

Alamin ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pagtatalik sa relasyon ng mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang kahalagahan ng sex sa buhay mag-asawa.

Misis, hindi tumatangging makipagtalik sa mister niya

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

“My husband and I enjoy sex. Ever since we became a couple, we do it once or twice a week. Hindi naman sobrang dalas pero hindi lumilipas ang isang linggo na wala. Minsan ako nagyayaya, but madalas yung asawa ko. and I rarely say no to him. Mga 90% of the time, parating yes.

Kahit wala ako sa mood, kahit pagod ako, kahit may period ako, kahit ano pang dahilan ang puwede sana na mag-No na lang, I still say yes. ‘Yong times na nag-No ako dahil lang hindi okay ang pakiramdam ko. Hindi dahil malibog ako—although I still find my husband very handsome and yummy. Hehehehe

But early on in our relationship, naisip ko na rin kasi na biologically speaking, kailangan niya kasi ‘yon. Napapansin ko rin na kapag wala kaming contact, mas iritable siya at mas stressed sa trabaho. Para sa akin, kung isa ‘yon sa needs ng asawa ko, ba’t ko naman ipagdadamot sa kaniya.

When we make love, hindi din naman ako parang nakahilata lang. I make sure na ako rin natutuwa sa mga nangyayari. At hindi rin selfish ang asawa ko. He always makes sure na natatapos din ako, para fair!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas din nilalandi ko ang asawa ko. Hinihipuan ko siya nang pabiro. Gusto ko rin kasi na maramdaman niya na I still find him attractive.’Tsaka ‘di ba, mas mabuti nang kami ‘yong maglandian kaysa sa iba siya lumandi.”

Kahalagahan ng sex sa buhay mag-asawa

Ito ang pagbabahagi ng isang TAP mom tungkol sa kung gaano kadalas ang pagtatalik nilang mag-asawa. At kung bakit hindi siya tumatangging makipagtalik sa kaniyang mister.

Dahil paniniwala ng misis na piniling hindi magpakilala, ang pagtatalik ay napakahalaga sa pagsasama ng mag-asawa. Ito ay hindi lang umano nagiging paraan para makapag-bonding o maging close sila. May benepisyo rin itong naibibigay sa physical at emotional health nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang paniniwalang ito ng naturang misis ay may katotohanan, Ito ay napatunayan ng marami ng pag-aaral. Base sa pag-aaral, ito ang benepisyong naibibigay ng sex sa mag-asawa at sa kanilang pagsasama.

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Psychological benefits ng pakikipagtalik

Pagdating sa psychological at emotional na aspeto, maraming benepisyong naibibigay ang sex sa mag-asawa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Ang madalas na pakikipagtalik sa iyong asawa ay nakakapag-boost ng kaniyang self-image at self-esteem. Dahil sa hindi mo pagtanggi sa pakikipagtalik sa kaniya ay nababawasan ang insecurity na kaniyang nadarama at nagiging positive ang tingin niya sa sarili niya.
  • Ito ay nagdudulot ng pleasure o happiness sa inyong katawan.
  • Binabawasan nito ang feeling of irritability at depression sa inyong dalawa. Ito ay dahil sa pakikipagtalik ay nagre-release ng chemicals at hormones ang utak na nakakatulong para pakalmahin ang iyong katawan.
  • Ayon pa rin sa mga pag-aaral, ang pakikipagtalik ay mahusay na stress management technique. Dahil iniibsan nito ang mga stress hormones sa katawan.
  • Nakakatulong din ang sex para magkaroon ng maayos na tulog. Dahil ito sa hormone na prolactin na inire-release ng katawan tuwing nakikipagtalik na nakakatulong sa pagkakaroon ng mahimbing na tulog.

People photo created by lookstudio – www.freepik.com 

Physical benefits ng pakikipagtalik

Ang pakikipagtalik ay may naibibigay rin na benepisyo sa ating katawan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Dahil sa ito ay isang form of exercise ito ay nakakatulong na maging fit ang katawan.
  • Ayon sa pag-aaral ay nakakatulong din ito para magkaroon ng better memory performance ang isang tao lalo na ang mga 50-anyos pataas.
  • Pinapalakas din nito ang immune system at nakakatulong para makaiwas sa sipon o trangkaso ang isang tao.
  • Ang hormone na endorphins na inire-release ng katawan tuwing nakikiapagtalik ay nakakatulong para maibsan ang migraine at pananakit ng likod.
  • Nakakapagpayat din ang pakikipagtalik dahil sa kaya nitong mag-burn ng 200 calories sa katawan. Ang brain chemical na inire-release nito ay nakakatulong din para maibsan ang food cravings na sumusuporta sa pagbabawas ng timbang.
  • Nakakababa rin ng blood pressure ang pakikipagtalik. Kaya naman malaking tulong ito para makaiwas sa heart disease at stroke ang isang tao.
  • Sa mga kababaihan ang pakikipagtalik ay nakakatulong para magkaroon ng mas mahinang regla. Pinapaganda rin nito ang balat at ini-improve ang digestion.

Tandaan

Sa kabuuan ang pakikipagtalik ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa mag-asawa. Pero ang pinaka-mahalaga rito ay ang mas pinagtitibay nito ang pagsasama. Ito ay isang paraan para magpakita ng pagmamahal at affection ang mag-asawa sa isa’t-isa. At mas nagbibigay ng security at satisfaction sa relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement