X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Mga babae, mas masunurin kaysa sa mga lalaki

3 min read
STUDY: Mga babae, mas masunurin kaysa sa mga lalaki

Isang bagong pag-aaral ang isinagawa sa University of New Brunswick ang sumuri sa mga grado ng mga estudyante. Napag-alaman dito na masmaganda ang performance ng mga babae kumpara sa mga lalaki. Alamin natin ang kanilang mga natuklasan sa kaibahan sa ugali ng babae at lalaki.

Bagong pag-aaral tungkol sa kaibahan sa ugali ng babae at lalaki

Ang bagong pag-aaral ay pinangunahan ng mga propesor na sila Daniel at Susan Voyer. Kanilang sinuri ang nasa 369 na pag-aaral mula sa 1 milyon na mga estudyante sa 30 iba’t ibang bansa.

Kanilang napag-alaman na ang mga kababaihan ay masmataas ang mga grado sa paaralan. Ito ay akma sa datos ng Pew Research Center. Sinasabi nito na nuong 1994, 63% ng mga babae na nagtapos ng high school ay pumapasok ng kolehiyo. Nasa 61% naman ng mga lalaki ang nagtutuloy sa kolehiyo. Nuong 2012 naman, 71% na sa mga babae ang nagkolehiyo habang 61% parin ang sa mga lalaki.

Kahit kindergarten pa lamang

Ayon kay Claire Cameron ng Center for the Advanced Study of Teaching and Learning sa University of Virginia, kapag maganda ang naging performance sa kindergarten, mas sumusunod ang bata sa paaralan. Makikita na ang mga ito ay nagtataas ng kamay, nagbibigay ng buong atensyon, at mas nakakasunod sa mga alituntunin. Ang mga kakayahang ito pagdating sa pagkontrol sa sarili ay mahalaga sa pagiging successful sa buhay.

Kasama ang ilan pang katao, pinaglahok nila Cameron ang ilang daang mga 5 at 6 na taong gulang na bata sa isang pagsusuri. Ang mga bata ay pinaglaro ng pinagsamang bersyon ng Simon Says at Head, Shoulders, Knees & Toes. Sila ay sinuri sa kanilang kakayahang tumuon, sumunod sa directions, gawain sa paaralan at pagiging organisado.

Nakumpirma nila Cameron na ang mga kababaihan ay mas lamang kumpara sa mga lalake. Kanilang natutunan na nasa halos isang taon ang pagitan ng kakayahan ng mga bata. Ang mga babae ay mas may kakayahan na sa self regulation habang ang mga lalaki ay natututo pa lamang.

Nagtutuloy sa grade school

Pagdating sa gradeschool, pangkabuohan na self-discipline ang kailangan ng mga bata. Sa pag-aaral nila Martin Seligman at Angela Lee Duckworth ng University of Pennsylvania, lamang ang mga babae sa lalaki pagdating sa self-discipline. Mas binabasa muna ng mga babae ang instructions bago magsimula sa isang test. Sila rin ay mas nakikinig sa mga guro imbes na mag-daydream. Mas pinipili rin nilang gumawa ng assignments bago manood ng TV kahit pa sila ay naiinip dito. Kanila ring sinisimulan nang masmaaga at masmatagal na paggawa ng assignments kumpara sa mga lalaki.

Advertisement

Assignments vs exams

Subalit, napag-alaman din ng mga pag-aaral na ang mga lalaki ay mas maganda ang mga performance pagdating sa exams. Kanila kasing nakikita na ang mga lalaki ay mas na-eexcite pagdating sa exams. Dahil dito, mas ginaganahan silang maghanda para dito kumpara sa assignments kung saan sila ay naiinip at humahanap ng maaaring gamitin na distraction.

Source: The Atlantic

Basahin: 7 na pagbabago na nangyayari kay mister kapag siya’y nagkapamilya na

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • STUDY: Mga babae, mas masunurin kaysa sa mga lalaki
Share:
  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

    Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

  • Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

    Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko