Potty Training: Kailan ba dapat simulan?

Narito ang tamang panahon para simulan ang potty training pati na rin ang iba pang importanteng kaalaman tungkol sa mahalagang developmental milestone na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang potty training ay isang imporatanteng milestone para sa isang bata, at sa magulang na rin. Paano nga ba sisimulan ito? At paano malalaman kung handa na si baby?

Ang sikreto? Ayon kay Aurore Robinot, Early Childhood Educator at Center Director ng isang nursery, timing at mahabang pasensiya ang susi. Tandaan din na bawat bata ay iba, sila ay unique, at hindi dapat asahan na ang nangyari sa unang anak, ay kaya din ng pangalawa.

Oras na ba?

Ang pagiging epektibo ng potty training ay nakasalalay sa pisikal at emosyional na kahandaan ng isang bata, hindi sa edad nito. Maraming nagiging handa na sa gulang na 2 taon, ngunit ang iba ay pagdating pa ng 2 1/2 o 3 taon.

Ang mahalaga ay huwag madaliin. “Pakinggan at pakiramdaman ang inyong anak,” payo ni Robinot. Tanging siya ang makapagsasabi kung handa na siya o hindi pa. Kung magsisimula ng masyadong maaga, maaaring mapatagal pa lalo ang pagsasanay sa kaniya.

Tanungin ang mga sumusunod na tanong sa sarili

  • Interesado na ba ang bata sa potty chair, o sa banyo?
  • Nagtatanong na ba siya tungkol sa pagsusuot ng underwear, o pagtatanggal ng diaper?
  • Nakakaintindin na ba siya at sumusunod sa simpleng direksyon o utos?
  • Nagsasabi na ba siya kung naiihi siya, kahit nakasuot ng diaper?
  • Tuyo ba ang kaniyang diaper ng higit sa 2 oras, o mas matagal pa? At nababasa ng sobra sa isang pag-ihi lang?
  • Umaangal na ba siya kapag basa ang diaper, o kung may dumi ito?
  • Kaya na ba niyang ibaba ang shorts o pantalon, at hilahin ito pataas muli?
  • Nakakaupo at nakakatayo na ba siya ng mag-isa sa potty chair?

Kung ang sagot ay OO sa mga tanong, maaaring handa na nga ang anak para sa potty. Kung karamihan ay HINDI ang sagot, maghintay pa ng kaunting panahon.

Kailan dapat iwasan muna ang potty training

Iwasan din ang pagsisimula ng potty training kung mayroong malaking pagbabago na magaganap sa inyong bahay, katulad ng bagong kapatid, paglipat ng bahay o bansa, at pagbabakasyon sa ibang lugar ng matagal. Sa pagsisimula ng potty training, kailangang dito lang nakatuon ang pansin ng pamilya, upang hindi maguluhan si baby.

Huwag magdalawang isip na tumigil, kahit nasimulan na ang potty training, sa isang hudyat lang na hindi handa ang bata. Maaari pa rin naman simulan itong muli pagkatapos ng ilang linggo o isang buwan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento ni Robinot, nagsimula sila ng potty training sa anak na si Hannah, ngunit puro “aksidente” o basang panty ang kinalabasan. Itinigil nila muna ito, at sinubukan muli pagkatapos ng isang buwan, nang napansin nilang tuyo na ang nappy niya ng higit sa 2 oras. Doon pa lamang naging handa ang bata: masaya siyang umuupo sa potty chair at nagsasabi na ito.

Handa ka na ba?

Gawing masaya at walang pressure ang potty training. Maging positibo at huwag magalit kung hindi siya umabot sa potty chair, o kung maihi ito sa salawal. Sa simula ng potty training, huwag munang tuluyang tanggalin ang diaper ng bata. Hayaan siyang naka-diaper muna at huwag biglaing alisin ito habang hindi pa siya tuluyang nasasanay.

1. Ihanda ang mga kagamitan

Gumamit ng potty chair na nakalagay sa banyo, o potty cover na maaaring ipatong sa toilet seat cover ng toilet bowl ninyo. Gawing espesyal ang pagpapakita nito sa anak, at hikayatin ang lahat na tingnan ito, habang sinasabi sa bata kung para saan ito. Hikayatin ang bata na subukang umupo dito, para mag-praktis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Magtalaga ng schedule

Nakakatulong ang pagdadala sa bata sa banyo ng regular ang interval, tuwing 30 minuto halimbawa. Kung interesado ang bata, paupuin siya ng ilang minuto sa potty chair. Gawin ito ng ilang beses sa maghapon. Sa mga batang lalaki, payo ng karamihan na paupuin muna ito, saka sanaying nakatayo, kapag marunong na itong magsabi.

3. Bigyan siya ng mapaglilibangan

Maaaring basahan ang anak ng libro habang nakaupo siya sa potty chair, o bigyan siya libro (may mga waterproof na libro, o board books) para basahin. O ‘di kaya ay bigyan siya ng “potty toy” o laruan na lalaruin niya sa tuwing uupo sa potty chair. Samahan siya at huwag iiwanan sa una. Kahit na nakaupo lang siya, huwag siyang pagalitan o madaliin. Pagsasanay na ito, kahit ang pag-upo lang.

4. Pagmasdan ang mga hudyat ng anak

May mga hudyat na nagpapakita na naiihi ang bata: humahawak sa ari, binababa ang diaper, shorts o underwear, squatting, o parang nagpipigil at nakaekis ang mga binti. Hikayatin agad siyang magpunta sa banyo, at pangalanan ang nararamdaman: “Kailangan mo bang umihi? Dumumi?” Bigyan ng papuri kapag umabot siya sa potty.

Turuan ang mga batang babae na maghugas at magpunas ng ari gamit ang toilet paper, mula harap papuntang likod. Hayaan din ang mga batang mag-flush, at maghugas (magsabon) ng kamay pagkatapos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Hindi masamang magbigay ng reward

May mga batang hihikayat kung may stickers o stamp sa tuwing tagumpay ang pag-ihi o pagdumi sa potty. Hindi naman ito masama. Positibong bagay ito na makakatulong na maipakita sa anak na siya ay may ginagawang mabuti.

6. Alisin na ang diaper

Pagkalipas ng ilang linggo ng potty training, subukan nang tanggalin ang diaper. Maaaring gumamit ng training pants o underwear kapalit nito. Isama ang anak sa pamimili ng kaniyang bagong underwear. Suotan siya ng mga pambabang damit na madaling hilahin pababa o pataas, o tanggalin. Iwasan ang masisikip na pantalon at tights.

7. Asahang may aksidente

Huwag mag-init ang ulo kapag naiihi pa din ang bata sa kaniyang salawal. Hindi madali ang ginagawa niya, kaya’t pasensiya ang kailangan. Huwag itong pagalitan, pero ipaliwanag sa kaniya kung saan dapat iihi, at dapat na magsabi sa nakatatanda.

Kadalasan sa nursery kung saan ako nagtuturo, ang aksidente (tawag namin sa pag-ihi sa salawal) ay nangyayari kapag abala sa paglalaro o sa mga gawain ang isang bata. Paalalahanan palagi at tanungin kung kailangan umihi, halimbawa kung nasa party kayo o naglalaro ang anak. Pagmasdan kung may mga senyales na naiihi ang bata, at tanungin agad ito upang maagapan.

Kapag madalas ang pag-ihi ng bata, at paunti-unti lang, maaaring may kondisyon ito na kailangan ng atensiyong medikal. Kumunsulta sa doktor para siguradong ligtas ang bata, o para matugunan agad kung may kailangang gamutin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pag-kontrol sa pag-ihi habang tulog ang huli sa lahat. Kapag nasanay na ang bata ng lubusan sa potty training sa araw, ang pagtulog naman ang ikalawang yugto. Subukan ang paglalagay muna ng plastic mats at disposable training pants o mattress covers kapag natutulog ang bata, habang hindi pa ito tuluyang nakakapagpigil ng pag-ihi sa gabi.

Kung pumapasok ang anak sa nursery o day care, huwag iasa sa kanila ang potty training. Dapat magsimula sa bahay, bago ito asahang magagawa sa ibang lugar tulad ng eskwelahan.

May mga librong maaaring basahin na tumatalakay sa potty training. Subukang basahin ang Everyone Poops ni Taro Gomi, Uh, Oh! Gotta Go! at Once Upon a Potty, na may kasama pang manyika at laruang potty. Kung makakahanap, may mga manika din na napapainom o napapadede, pagkatapos ay naiihi. Nakakatuwa ito, at naituturo pa sa bata tungkol sa pag-ihi.

BASAHIN: 6 Importanteng tanong para sa magiging doktor ng iyong anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement