Kakaibang pangalan ba ang naiisip mo para sa iyong anak? Bago magdesisyon, ay mabuting basahin mo muna ito.
Kakaibang pangalan ng baby maaaring makaapekto sa future niya
Tayong mga magulang, nais nating mag-standout sa lahat ng bagay ang ating mga anak. Kaya naman ang iba sa atin sa pagpapangalan pa lamang ng ating baby ay ginagawa na ito. Pumipili tayo ng mga unique o kakaibang pangalan sa pag-aakalang mas matatandaan at mangingibabaw ang ating anak. Pero ayon sa mga pag-aaral, ang paniniwala nating ito ay mali. Dahil imbes na magkaroon ng magandang epekto sa kanyang kinabukasan ang pagbibigay ng kakaibang pangalan sa baby ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kanyang paglaki.
Ang konklusyon na ito’y una nang nagmula sa isang 1949 Harvard University study. Ayon sa pag-aaral ang mga batang may kakaibang pangalan ay mataas ang tiyansang mag-failed sa school at makaranas ng negative psychological experiences.
Epekto nang pagkakaroon ng pangalang katunog ng opposite sex
Tulad ng mga batang lalaki na may pangalan na tunog na babae. Ito’y maaaring maging sanhi nang panunukso habang siya ay lumalaki. Maaaring dahil sa kanyang pangalan ay ma-kuwestiyon ang kanyang gender identity. At ito ay labis na makakaapekto sa kanyang self-consciousness na magre-reflect naman sa kanyang behavior.
Ayon naman sa American economist at professor na si David Figlio mula sa Northwestern University, bagama’t positibong epekto rin sa mga batang babae ang pagkakaroon ng pangalang tunog na lalaki.
Dahil ayon sa isang 2005 study, natuklasan na ang mga high school girls na may pangalang pambabae ay mas pinipinili ang kursong humanities. Habang ang mga babaeng may tunog na lalaki na pangalan ay pinipiling mag-excel sa field ng math at science na madalas na kinahihiligan ng mga lalaki.
Epekto nang pagkakaroon ng pangalan na mahirap i-spell o i-pronounce
May negatibong epekto nga rin umano ang mga pangalang mahirap i-spell o i-pronounce sa future ng isang bata. Dahil base sa isang analysis, ang pangalang binubuo ng mga kumbinasyon ng mga letra na may kakaibang spelling at tunog ay naiuugnay sa mga magulang na may low socioeconomic status o poor educational background. Ito’y maaaring makaapekto rin sa kung paano itratrato ng ibang tao ang isang bata habang siya ay lumalaki.
“Kids who have names [that] from a linguistic perspective are likely to be given by poorly educated parents, those kids ended up being treated differently. They do worse in school and are less likely to be recommended for gifted [classes] and more likely to be classified as learning disabled.”
Ito ang pahayag ni Figlio.
Pangalan na madaling i-spell at i-pronounce mas nakakakuha ng magandang trabaho
Ang pahayag na ito ni Figlio ay maiiugnay sa natuklasan ng isang pag-aaral na ginawa ng New York University. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong may pangalang madaling i-spell at i-pronounce ay madalas na mas may magagandang trabaho. Kumpara ito sa mga pangalang may unique o unusual na spelling.
Ganito rin ang natuklasan ng pag-aaral na ginawa ng Marquette University sa Milwaukee, Wisconsin. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong may common names ay mas mataas ang tiyansang ma-hire sa mga job vacancy scenarios.
“The name an individual carries have a significant impact on how he or she is viewed and conceivably whether or not the individual is hired for a job.”
Ito ang pahayag mula sa ginawang pag-aaral.
Paliwanag ng isang psychologist, ito’y dahil pagdating sa pag-proprocess ng impormasyon, kapag mas madaling intindihin ay mas nagugustuhan natin.
“When we can process information more easily, when it’s easier to comprehend, we come to like it more.”
Ito ang paliwanag ng psychologist na si Adam Alter.
Mas mataas ang tiyansa na ma-engage sa criminal behavior ang batang may kakaibang pangalan
Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ng Shippensburg University may correlation din ang pagkakaroon ng least common name ng isang bata sa lower rate ng juvenile criminal behavior.
Ayon kasi sa natuklasan ng pag-aaral, mas mataas ang tiyansa na ma-engage sa criminal behavior ang isang batang may unusual, uncommon o unpopular na pangalan.
Panatilihing simple lang ang pangalan ng iyong baby
Kaya naman payo ng mga author ng ginawang mga pag-aaral, panatilihing simple ang pagpapangalan sa iyong anak.
“Our findings also suggest that when selecting, parents may want to reconsider choosing (a name that is) distinctive.”
Ito ang payo ng mga researcher mula sa Marquette University.
Payo naman ng parenting educator na si Michael Grose pag-isipang mabuti ang pagpapangalan sa iyong anak. Bago mag-desisyon ay isipin ang magiging long-term implications nito sa kanya. Gawin ito sa pamamagitan ng tinatawag niyang bedroom test.
“I call it the boardroom test. Imagine your kid walking into an important meeting and introducing themselves, then picture the reaction of others.”
Ito ang pahayag ni Grose.
Dagdag pa niya mahalaga na sa pagpapangalan ng iyong anak dapat ay isipin umano ang magiging reaksyon ng ibang tao na kaniyang makakasalimuha. Sapagat mahalagang sa pangalan pa lang niya’y magkakaroon na siya ng good first impression sa iba.
“Pick a name that will last the test of time and that won’t go out of fashion. Think long term. You get one chance to make a good first impression and a name has a lot to do with that.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Grose.
Source:
ProQuest, LiveScience, New York Post
BASAHIN:
400 beautiful baby names for 2020 na puwede mong pagpilian
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!