Buntis nanganak sa kotse, pulis nagsilbing kumadrona

Dalawang pulis ang nagdiwang sa pagsilang ng isang sanggol na babae matapos manganak ang ina nito sa sasakyan na nasa may kasagsagan ng highway

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kakaibang panganganak! Isinalang ang isang sanggol na babae sa sasakyan habang nasa kasagsagan ng highway ang kanyang ina.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Dalawang Babaeng Pulis ang tumulong sa panganganak ng ina sa sasakyan

Isa lamang ito sa mga kuwento ng mga Ina na may kakaibang panganganak. Hindi inaasahan na sinalubong ng dalawang pulis ang isang baby girl na nasa duty ng araw na iyon.

Dalawang Babaeng Pulis ang tumulong sa panganganak ng ina sa sasakyan

Nangyari ang insidente sa Kuching, Sarawak sa Malaysia habang nasa trabaho ang dalawang babaeng pulis sa Road Block SJR sa may Jalan Kuching Samarahan Expressway. Humingi umano ng tulong ang babae at ang kasintahan nito sakanila upang  matulungan siya sa panganganak

Ayon kay Sudirman Kram na isang District Police Chief sa Kota Samarahan, nangyari ang insidente nang nasa bandang 11:50 pm ng gabi.

Tinawag umano ng magkasintahan na nakasakay sa sasakyan ang isang pulis na naka duty sa  SJR. Ayon pa sakanya ay ang magkasintahan ay galing sa Kampung Semera Ulu.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakapalupot ang umbilical cord sa leeg ng bata

Huli na nang malaman ng pulis na si Lance Corporal Fatihah na nanganak na ang babae sasakyan binati niya pa umano ang sanggol dahil hindi niya alam na nakapulupot sa leeg nito ang umbilical cord.

Wika ni Lance Corporal Fatihah ay tumulong si Corporal Perakson na iabot ang bagong silang na sanggol na nakabalot ng  tuwalya sa ina nito.

Ipinagbigay alam ng mga pulis ang insidente sa Ministry of Health Malaysia (MOH). Naisugod sa ospital ang ina at ang sanggol para magamot at malaman kung may naging problema ba ito sa panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakas sa mga magulang ng bata ang kaba, pagkatakot at pangamba

Wika ng  ina ng bata na si Nurul Shafina Siang, ito ay isa sa mga hindi niya makakalimutan na karanasan habang buhay. Wika naman ni Berita Harian pagkatapos makontak si Nurul Shafina ay magkahalong takot at pangamba at kaba ang kanyang naramdaman.

Subalit nagpapasalamat siya na ipinanganak ng malusog at normal ang baby sa timbang nito na 3.6 kilograms. Nagpasalamat din siya sa mga pulis na tumulong sa panganganak. 

Ayon naman sa kanyang asawa na si Nelson Minan, kahit nababalot na rin siya ng kaba, pinilit niyang panatilihin ang pagiging  kalmado at magsabi ng mga salitang ikagagaan ng loob ng kaniyang asawa.

Aniya, hindi na sila nakasugod pa ng ospital dahil manganganak na ang kaniyang asawa. Maswerte raw sila at may dalawang babaeng pulis ang naka duty ng gabing iyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

#AskDok: 12 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng normal delivery

Mister pinili na mag-attend sa “business trip” kaysa samahan ang misis sa panganganak

#AskDok: 13 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng cesarean delivery

Simpleng paraan ng paghinga kung kinakailangan mong manganak ng wala ang doktor: Relaxation techniques

Photo: Istock

Ang wastong paraan ng paghinga ay makakatulong saiyong panganganak.

Isipin ang salitang “relax”. Huminga ng malalim at isipin ang “re” ibuga ang hininga at isipin ang “lax” . Huwag mag-isip ng ibang bagay. Isipin at paulit-ulit na banggitin sayong isipan ang salitang “relax”. Isabay ito saiyong paghinga at huwag mag-panic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bigyang pansin ang iyong mga kasu kasuan na namamanhid sa tuwing ikaw ay stress o takot. Magpokus sa paulit-ulit na pagbanggit ng salitang “relax” saiyong isipan.

Sa tuwing hihinga ng malalim, magbilang ng isa hanggang tatlo. At kung hihinga ng mababaw ay magbilang ng higit sa tatlo. Mapapansin mong mas komportable kung mas marami ang segundo ng paghinga ng mababaw kaysa sa paghinga ng malalim.

Huminga ng malalim gamit ang iyong ilong at huminga ng mababaw gamit ang iyong bibig. Ang paggawa ng mga tunog na “Ooooooh” at “Ahhhhhhh” ay normal at pwede ring gawin kung iyong nanaisin.

Sa pagitan ng ilang minuto ng paghinga, maaaring uminom ng tubig upang maibsan ang kaba at pagkahingal.

Paghinga at Pag-ire

Sa pangalawang yugto ng iyong labor ay itutulak mo ang iyong supling palabas. Karamihan sa mga kababaihan ay pinipigilan ang paghinga at umiire hanggang sa kanilang makakaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit ang paraan na ito ay hindi inirerekumenda sapagkat walang sapat na ebidensya na ang hindi paghinga at labis na pag-ire ay makakatulong na mailuwal ang bata.

Ayon sa birth instructor na Jennifer Hor ay makakatulong ang susunod na mga paraan habang nanganganak:

  • Huminga ng malalim
  • Huminga ng mabagal habang umiire
  • Ang mga paraan na ito ay makakaiwas sa pagtuyo ng iyong lalamunan habang nanganganak

Isinalin sa Wikang Filipino ni Alyssa Wijangco

Translated with permission from theAsianparent Malaysia

Sinulat ni

The Asian Parent