Napakaraming pwedeng gawin ngayong bakasyon—lalo na para sa mga batang walang pasok sa eskwela. Kesa naman manuod lang ng TV o maglaro ng video games maghapon at magdamag, bigyan ang mga bata ng maraming summer activities na sunod sa hilig o interes nila.
Ang lahat ng bata ay may angking hilig sa pagdiskubre, sa paggalaw, paglikha at pagkatuto. Ito ang dapat nating pagtuunan ng pansin para maging mas makabuluhan ang bakasyon nila—ang matuto sila sa labas ng classroom. Hindi naman kailangang maging istrikto at walang laro. Ang sikreto ay ang pagbibigay ng mga gawain na nakakatuwa at laro pa rin, pero may matututunan pa rin sila, at kikilitiin pa rin ang pag-iisip at talino ng bawat bata.
Paano magiging masaya pero productive ang bakasyong ito? Subukan ang mga summer activities na ito:
Turuan silang magluto o maghanda ng meryenda nila.
Mula sa simpleng pritong itlog, pancake, toasted bread, hanggang sa halohalo, fruit salad, fruit skewers, at bonggang pizza, brownies, banana bread, pies at cake. Kung di ka marunong, ito na rin ang pagkakataon na matuto kayo nang sabay. Madami ng DIY videos online na nagtuturo ng madaling paggawa ng iba’t ibang recipe, na kid-friendly pa.
Magtanim ng gulay at ibang halaman.
Kung kayo ay may bakuran, magandang turuan ang mga batang mag-alaga ng iba’t ibang halaman, herbs, at gulay. Kung wala naman, magtalaga lang ng isang lugar na malapit sa bintana sa loob ng bahay at maghanay ng mga maliliit na paso. Magsaliksik ng mga paraan para mapayabong ang maliit na hardin nang magkasama. Turuan silang magdilig araw-araw at pagmasdan ang pag-usbong at paglaki ng mga halaman.
Turuan silang mag-aral o maglaro ng outdoor activities.
Ito ang tamang panahon para mag-aral magmaneho ng bisikleta o scooter, lumangoy sa pool, o di kaya’y mag-backyard camping. Bakit hindi maglaro ng mga larong Filipino tulad ng tumbang preso, patintero, o di kaya naman ay mag-jogging o brisk-walking sa hapon o umaga. Ang paglalaro sa labas ay makakapagbigay ng napakaraming benepisyo sa iba’t ibang areas ng development ng mga bata, lalo sa pisikal at socio-emotional.
Mag-aral at maglaro ng sports.
May mga libreng sports program sa mga barangay minsan, o di kaya ay mga murang sports program sa eskwelahan nila o mga sports center tulad ng Milo Best. Alamin sa inyong community kung ano ang mga programang pwedeng kunin ng mga bata na angkop sa edad nila.
Mag-aral at maglaro ng instrumento.
Ito rin ang magandang panahon na turuan silang kumilala ng iba’t ibang musical instruments, at mag-aral din na maglaro ng kahit isang instrumento. Kakailanganin ng isang propesyonal na magtuturo, pero may mga natututo rin ng sa sarili nila, tulad ng pagtugtog ng gitara, kahit sa simula pa lang. Mayroon din namang mga YouTube video tutorials kung paano mag-play ng instruments.
Bumisita sa mga museum at zoo.
Pumasyal sa mga ito kahit isa o dalawang beses sa isang buwan. Magtanong din kung may mga summer program sila para sa mga bata.
Tulungan silang mag-volunteer.
Sa bawat community, may mga organisasyon na naghahanap ng mga volunteer. Magtanong sa simbahan o sa eskwelahan ng inyong mga anak kung mayron silang Social Action activities na pwedeng salihan ng mga bata. Hindi naman ito araw-araw o buong summer. Pero mabuting makatulong sila kahit ilang araw o ilang linggo para maranasan nila ang makapag-volunteer at tumulong sa kapwa nang walang kapalit na pera.
Magtalaga ng iba’t ibang gawain para sa mga bata sa araw-araw.
Para sa mga araw na nasa bahay sila, gumawa ng schedule ng iba’t ibang gawain para sa buong pamilya, o para gawin ng kaniya-kaniya, sakaling gusto din nilang mapag-isa minsan.
Pwede ring maglaro ng board games. Sa gabi o hapon naman, magkaroon ng Movie Date at manood ng isang lumang pelikula na di pa nila napapanood. Gumawa ng meryenda tulad ng popcorn para masaya habang nanunuod. Maghanda rin ng mga coloring book, crayons, paint at hayaan silang lumikha ng kani-kaniyang art. Gumawa ng homemade play dough para may malalaro sila anumang oras na mabagot sila. Maghanda rin ng mga libro, puzzles, at ibang laruan na makakatulong sa skills nila tulad ng blocks at card games. Kung sinisipag pa, mag-treasure hunt at maghanda ng premyo para sa kanila.
Mag-imbita ng ibang bata at magkaron ng play dates.
Kailangan ng mga batang makakita at makapaglaro kasama ang ibang batang ka-edad nila, kundi ay magsasawa sila sa mga magulang nila, o mga kapatid. Mag-imbita ng mga pinsan, kapitbahay, o dating kaklase na kaibigan ng mga bata at maghanda ng mga activity na nabanggit na rin sa listahang ito. Magluto ng meryenda kasama ang mga bata at bisita, maglaro sa labas, o magsimula ng art session. Isaalang-alang ang interes ng mga bata at dito malalaman kung ano ang pwedeng gawin.
Ano pa ang pwedeng gawin ng mga bata?
May mga gawain din sa labas ng bahay na maaaring pagdalhan sa mga bata, na makapagtuturo sa kanila ng iba’t ibang bagay para sa kanilang pisikal, intelektuwal, at socio-emotional na pag-unlad. Maraming summer camps para sa mga bata na may iba’t ibang gawain na nagtuturo ng life skills at values sa mga bata.
Narito ang iba pang summer activities na pwedeng salihan ng inyong mga anak:
Summer activities for kids: Repertory Philippines Workshops
Kung interesado sa musical theater ang inyong anak, pwede niyo siyang i-enroll sa workshop ng Repertory Philippines.
Pangungunahan ang performing arts workshop na ito ng mga industry professional na siguradong bubuhay sa passion ng inyong anak sa performance.
Magaganap ito mula June 17 hanggang August 3.
Larawan mula sa Facebook Page ng Repertory Philippines
Narito ang age bracket at schedule para sa Musical Theater Workshop:
Mondays to Fridays
Kiddies (4-8yrs) – 9:00AM 11:00PM
Pre teens (9 – 12yrs) – 11:15AM – 1:15PM
Teens (13-17yrs) – 1:30PM – 3:30PM
Adults (18 & up) – 6:30PM – 8:30PM
DANCE
Mondays, Wednesdays & Fridays
Pre Teens: 10AM to 11AM
Teens & Adults: 1PM to 2:30PM
Kung nais magprehistro, maaaring bisitahin ng link na ito:
https://bit.ly/2024REPWorkshopEnrollmentForm
CIIT Summer Workshops for Kids
Mayroon ding ini-offer na summer workshops para sa mga bata ang College of Arts and Technology.
Kung ang interes ng iyong anak ay related sa technology, tiyak na magugustuhan niya ng workshop na ito.
Mayroong iba’t ibang summer workshops ang CIIT kung saan ay maaaring matuto ang inyong anak ng character creation, sketching, at game design.
Ilan sa mga ino-offer na programs ng CIIT ngayong summer para sa mga bata ay ang 3D Character Modelling, 2D Game Design, Cartoon Illustration, at Video Editing.
Magaganap ang workshops mula May 13 hanggang May 29, 2024.
Para sa iba pang detalye, maaaating bisitahin ng link na ito: https://www.ciit.edu.ph/summer-workshops/
PETA summer theater workshops
Beginner-friendly ang theater workshops ng Philippine Educational Theater Association (PETA). Kaya naman Kahit na wala pang theater experience ang iyong anak pero interesado siyang atuto, tiyak na angkop sa kaniya ang summer activity na ito.
Narito ang mga course na available sa PETA summer workshop:
- Children’s Theater 1 (para sa mga batang edad 6-8)
- Children’s Theater 1 (para sa mga edad 9-12)
- Teen Theater (para sa mga edad 13-17)
- Musical Theater for Teens (para sa mga edad 13-17)
Bawat courses ng mga bata ay mayroong total 10 sessions, apat na oras per session. Samantala, ang mga course naman para sa teens ay tumatakbo ng 5 hours per session at mayroon itong 12 sessions.
Magsisimula ang workshops mula June 20 hanggang July 8.
Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang link na ito: PETA Summer Workshop
Larawan mula sa Facebook Page ng PETA
Summer activities for kids: Swim Central Swimming Lessons
Kung activities na tamang-tama ngayong summer din ang hanap mo para sa iyong anak, pwede siyang i-enroll sa swimming lessons sa Swim Central.
Bukod sa ma-eenjoy niya ang swimming pool ngayong tag-init, matututo pa siyang lumangoy at mag-dive. Na alam naman natin na mahalagang skills din na importanteng matutunan ng bata.
Sa Swim Central mayroon silang basic swimming, survival swimming, at free diving classes. Nagkakahalaga lamang ng mula P1,299 ay pwede nang i-enroll ang iyong anak sa swimming lessons na ito. At kung ikaw ay hindi pa rin marunong lumangoy o gusto mong matuto ng free diving, pwede ka rin mag-enroll mommy o daddy! Pwede niyong gawing family bonding ang learning opportunity na ito. Kasi naman, suitable for all ages ang swimming lessons sa Swim Central.
Bukod pa rito, pwede ka rin mag-arrange ng private classes para sa pamilya o barkada sa pool na mapipili niyo at sa schedule na angkop sa availability niyo.
Para sa list of branches ng Swim Central, maaaring bisitahin ang link na ito: Swim Central List of Branches
Kung mayroon namang iba pang katanungan, pwedeng tumawag sa 0917 500 7288 o bumisita sa kanilang website.
Updates mula kay Jobelle Macayan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!