Matapos ang lagpas dalawang dekada ng pagseserbisyo sa mga estudyante, inanunsyo ng Kalayaan College na sila ay permanenteng magsasara na.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Kalayaan College closes it doors after 22 years
- Tips on how to prepare your kids for a university
Kalayaan College closes it doors after 22 years
Isang malungkot na balita ang inanunsyo ng paaralan ng Kalayaan College sa kanilang opisyal na Facebook account. Ibinalita kasi nilang magsasara na sila matapos ang halos 22 taong paninilbihan sa mga estudyante. Kasabay ito ng letter mula sa kanilang presidente na si Maria Olivia C. Domingo.
Sa kanilang post mababasa ang letter ng kanilang president, sa sulat ibinahagi nilang dahil daw ito sa financial losses na kanilang nararanasan. Ang cause daw ng kanilang pagkalugi ay magmula ng magkaroon ng pandemic at maraming estudyante ang hindi na nag-enroll.
“With heartfelt feelings and faced with no other options, the Board of Directors of Kalayaan College, Inc. has decided to end the operations of Kalayaan College due to continuing financial losses brought about by declining student population and exacerbated by challenges caused by the ongoing pandemic.”
Ipinaalam na rin daw nila ang desisyong ito sa Commission on Higher Education (CHED) upang mag-comply sa kung ano may requirements ang kanilang kinakailangang ibigay,
“This decision will become final after ratification by the majority of the stockholders. KC has informed the Commission on Higher Education (CHED) of this decision and will abide by whatever requirements the regulatory body shall advise KC to comply with.”
Dahil dito, isinama nila sa letter ang mga gagawin upang ang mga kasalukuyang estudyante ay makapagtapos pa rin. Mayroon din silang guidelines para sa transition na mangyayari.
Nanghingi naman sila ng patawad sa mga estudyante at mga magulang para sa short notice na ito. Pinasalamatan din nila lahat ng kanilang mga nakatrabaho kasama ang faculty at staff.
“Board apologizes for this short notice and extends its gratitude to all students and parents who put their trust in Kalayaan College. We take this opportunity to thank our faculty and staff for their dedicated service. With deepest regrets, KC shall be signing off after 22 years of providing quality education to the public.”
“Dr. Jose V. Abueva, former U.P. President together with senior U.P. Professors believe in nurturing more student with UP-quality education and developing them into future intellectual icons and leaders of the country.
Parents who dream of sending their children to the University of the Philippines for tertiary education can now expand their vision and send their children to Kalayaan College. “
Tips on how to prepare your kids for a university
Halos katumbas na ng real world ang mae-experience ng anak mo once na pumasok na siya sa university. Naririto na ang ibang challenges na katulad ng mga nararanasan ng adult. Preparation kasi ito para sa kanila the moment na pumili na sila ng career after graduation.
Para mapadali ang buhay niya sa kolehiyo, narito ang helpful tips para sa inyo:
- For parents, ngayon pa lang ay magsimula nang mag-ipon ng pera para sa college. Mas marami na kasi ang gastusin dito, including tuition fees na need talagang paghandaan.
- Mag-explore ng mga opportunities for a scholarship. Dahil nga malaki ang gastusin sa university, isa sa makakatulong nang lubos ay scholarship grants. Maraming nag-ooffer nito sa foundations, government agency, at local government unit.
- Turuan siyang maging independent. Paghahanda ito sa real world, which means kailangan maaaral niya rin kung paano nga ba dapat matutong tumayo sa sariling paa.
- Tanungin siya sa kanyang mga gusto. Apat na taon o higit pa ang gugugulin ng anak mo sa kolehiyo kaya dapat lang na masaya siya sa kanyang tatahaking landas. Magandang tanungin siya kung anong kursong gusto at kung saan nais mag-aral.
- Suportahan siya kanyang desisyon. Mas mararamdaman ng anak mo ang comfort at saya kung ang mismong parents ay suportado sa kanyang life decisions. Habang sinusuportahan, mahalaga ring gabayan ang anak sa bawat desisyon na gagawin niya na tingin niya’y makabubuti sa kanya.