16 na bagay na dapat malaman ng mga bagong panganak na nanay

Tulad ng pagbubuntis, kinakailangan parin ng ibayong pag-iingat at tamang pag-aalaga sa kalusugan ng bagong panganak na babae. Dahil kung mapabayaan, ito ay maaring magdulot ng iba’t-ibang problemang pangkalusugan na maaring maging banta sa kapakanan ng isang ina at ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nga ba ang tamang pag-aalaga sa kalusugan ng bagong panganak na babae? Alamin dito.

Kalusugan ng bagong panganak

Maliban sa siyam na buwan na pagdadala ng isang sanggol sa kaniyang sinapupunan, kinakailangan pa ring magpatuloy ang maayos na pangangalaga sa kalusugan ng isang babae kahit siya ay makapanganak na.

Sapagkat dahil ito sa bagong responsibilidad na kailangan niyang gampanan at sa pagbabago sa kaniyang katawan na kailangan niya ring paghandaan.

Ayon kay Dr. Maureen Laranang, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, mahalaga na magkaroon ng sapat na pahinga ang babae matapos ang isang linggo ng siya ay makapanganak. Dahil sa ito ay ang period of recovery ng buo niyang katawan.

Pahayag ni Dr. Laranang,

“Generally, kasi within the first week matapos manganak ay ang period of recovery. So ito nagrerecover ng physically, emotionally at mentally ang isang bagong panganak. Also in this period kailangan talaga na magkaroon ng sapat na pahinga si Mommy.”

Maliban nga sa mahalagang paalala niya na ito ay narito pa ang mga dapat tandaan at malaman tungkol sa kalusugan ng bagong panganak. Ito rin ang mga dapat niyang asahang pagbabago sa kaniyang katawan.

1. Labis na pagkapagod

Isa sa pangkaraniwan nararamdaman ng isang bagong panganak na babae ilang araw o linggo pagkatapos manganak ay ang labis na pagkapagod. Dahil ito sa nawala niyang lakas sa panganganak at sa pagbibigay aruga ng bagong silang niyang sanggol kada tatlong oras.

Kaya naman ipinapayong matulog o magpahinga ang bagong panganak na babae kapag natutulog din ang kaniyang sanggol o bago pa man unahin ang iba pang gawain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong paraan, mas nabibigyan ng pagkakataon ang kaniyang katawan na maka-recover mula sa panganganak at mas mabigyan pa ng sapat na lakas para maalagaan ang kaniyang sanggol.

Ilang araw dinudugo ang bagong panganak? | Image from Pixabay

2. Pananakit sa tiyan

Normal sa isang babae ang makaranas ng pananakit ng tiyan pagkatapos manganak. Isa itong palatandaan na bumabalik na sa dati ang kaniyang tiyan matapos mabanat at magbigay ng sapat na espasyo para sa kaniyang baby. Mas mapapansin na sumusumpong ang pananakit na ito madalas kapag nagpapasuso.

Isang paraan para maibsan ang sakit ay ang paglalagay ng mainit na towel o boteng may mainit na tubig sa tiyan. Ang tagal naman ng pananakit ng tiyan ay nakadepende sa tagal ng recovery ng isang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit mas tumatagal ito sa mga babaeng hindi dumaan sa normal delivery o nanganak sa pamamagitan ng Caesarian section.

3. Pananakit sa pagitan ng puwet at vagina

Maliban sa pananakit ng tiyan makakaranas din ng pananakit sa pagitan ng vagina at butas ng puwet o perineum ang isang bagong panganak na babae.

Sanhi ito nang pagkakabanat at pressure habang palabas ang sanggol sa puwerta ng kaniyang ina. Nakakaragdag din ng pananakit ang pagkakaroon ng episiotomy o ang hiwa sa vaginal opening ng babae na ginawa upang tulangan siya sa panganganak.

Bagama’t hindi lahat ng nanganak ng normal ay nahiwaan o nagkaroon ayon kay Dr. Laranang. Pero paalala ni Dr. Laranang, may hiwa man o wala sa puwerta dapat ay panatilihing malinis ang area na ito palagi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paliwanag niya,

“Hindi lahat mayroong stitching. Iyong iba indicated lang kung pagkakaroon ng episiotomy o may part ng vagina ang ginugupitan para magkasya iyong ulo ni baby.

So whether na-stitch siya o hindi, importante parin ang hygiene sa area na iyon. So kailangan hugasan ang puwerta 2 times a day, morning and night with mild soap and lukewarm water.”

Para maibasan naman ang pananakit at mapabilis ang paggaling ng hiwa, ang pag-upo sa unan o sa batyang may maligamgam na tubig ay makakatulong.

4. Ilang buwan bago reglahin pagkatapos manganak?

Ilang araw dinudugo ang bagong panganak?/ Woman photo created by freepik – www.freepik.com

Ilang buwan bago reglahin pagkatapos manganak? Ito ang kadalasang tanong ng karamihan. Ang buwanang dalaw o regla ng isang babae ay bumabalik ilang linggo o buwan matapos manganak. Tinatayang mas matagal ang muling pagkakaroon nito sa babaeng nagpapasuso.

Pahayag ni Dr. Laranang,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kung hindi siya nagbrebreastfeed, bottle-feed lang o minsan breastfeed tapos bottle feed usually after 8 weeks or more doon lang talaga lumalabas iyong period.

Halimbawa kung 6 months siya tuloy-tuloy na nagbe-breastfeed, hindi talaga agad magre-return iyong period niya. Ito iyong tinatawag nating lactation amenorrhea o kung saan exclusively breastfed si baby.”

Mapapansin din na mas magiging malakas kumpara sa dati ang regla ng isang bagong panganak na babae at mas makakapagdulot ng pananakit sa puson o cramps.

Subalit kahit pa man hindi pa bumabalik ang buwanang dalaw ng isang babae, hindi nangangahulugan ito na hindi pa siya maaaring mabuntis ulit.

Kaya ipinapayo ng mga doktor na maging maingat sa pakikipagtalik para sa maayos na pagplaplano ng pamilya kahit na ilang buwan pa bago reglahin si mommy pagkatapos manganak.

5. Kailangang gumamit ng birth control method

Upang maiwasan ang maagang pagkabuntis ulit agad, kinakailangang gumamit ang isang babae ng birth control method. Ito ay nagsisilbing proteksyon niya lalo pa’t inirerekomenda ng mga doktor ang 12 hanggang 18 buwan na gap para mabuntis ulit.

Ayon kay Dr. Henry Chapa ng Texas College of Medicine, ang pagbubuntis ng mababa sa nirekomendang gap ay maaaring maging dahilan ng preterm labor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ganoon din ang posibilidad na makaranas ng gestational diabetes at hypertension sa susunod na pagbubuntis. Ang mga ito ay maaari ring mag-develop sa isang sakit at maging banta sa kalusugan ng bagong panganak na babae.

Habang ayon naman sa Association of Reproductive Health Professionals, ang pagpapasuso ay isang natural na paraan ng birth control method.

Dahil ito statistika na isa lamang sa 100 na babaeng exclusibong nagpapasuso ang nabubuntis taon-taon. Ito ay dahil sa pagde-delay ng breastfeeding sa ovalulation ng isang babae na hindi pa rin naman nagbibigay ng matibay na kasiguraduhan na hindi na ito mabubuntis.

Payo naman ni Dr. Laranang, ang isang babaeng hindi nagpapasuso ay kailangan ng gumamit ng birth control method matapos ang 6 na linggo ng makapanganak.

“Kung ang choice ni mommy iyong nagko-contain ng progestin like progestin-only pills and nagbe-breastfeed sila, puwedeng immediately after giving birth and pwede rin any time after birth. Kapag naman combined oral contraceptive o combination siya ng estrogen at progesterone, kung hindi nagbrebreastfeed pwede ito ibigay at least 3 to 4 weeks after giving birth. Kung nagbe-breastfeed naman siya pwedeng after 6 months ibigay kung saan ang main food niya ay hindi na milk. Kapag partially nagbe-breastfeed like alternate iyong breastfeed at bottlefeed, pwede ng ibigay 6 weeks after birth.”

6. Magkakaroon ng pagdurugo o pagkakaroon ng mapulang discharge

Ang pagdurugo o paglabas ng lochia pagtapos manganak ay normal sa isang babae. Isa itong paraan upang tuluyang malinis ang uterus o kaniyang sinapunanan matapos manganak na tumatagal ng ilang linggo.

Pinapayuhang gumamit ng sanitary pads at hindi tampons ang mga babaeng nagdurugo pagkatapos manganak upang makaiwas sa impeksyon.

Samantalang ang pagdurugo nang malakas o pagkapuno ng isang pad sa loob lamang ng isang oras ay maaaring palantandaan na ng postpartum hemorrhage na kinakailangan ng maagap na atensiyong medikal ng isang doktor.

Ang pagkakaroon naman ng kulay dilaw o berdeng discharge na may mabahong amoy ay senyales ng pagkakaroon ng bacterial infection na kailangan ding ipagbigay alam agad sa isang doktor.

7. Pagkaramdam ng kalungkutan o pagka-depress

Ang pagkaramdam ng kalungkutan o pagka-depress isang linggo o dalawa pagkatapos manganak ay normal lamang. Dahil ito sa hormonal changes na nangyayari sa katawan ng isang babae na nakakaapekto sa chemical balance ng kaniyang utak.

Dala na rin ito ng pagkapagod sa pagganap sa bagong niyang tungkulin at obligasyon na tinatawag ring “baby blues.”

Ngunit kung ang isang babaeng bagong panganak ay nakakaranas ng kalungkutan at pagka-depress na mas matagal sa apat na linggo o lagpas pa.

Maaaring nakakaranas na siya na mas seryosong postpartum depression. Mas mabuting tumawag agad ng isang doktor upang mapayuhan ng kung anong dapat gawin bago pa tuluyang lumala ang sitwasyon.

Ilang buwan bago reglahin pagkatapos manganak? | Image from Unsplash

8. Hirap sa pagdumi

Ang hirap sa pagdumi o constipation ay isa rin sa mga nararanasan ng mga babaeng bagong panganak. Dala ito ng pag-inom ng mga painkillers o pagturok ng anesthesia habang nanganganak.

Ito rin ay dahil sa takot ng ibang babae sa sakit o sa pag-aakalang baka mapunit ang tahi o episiotomy na ginawa sa kaniya.

Para matulungan ang bagong panganak na babae, may tips at payo si Dr. Laranang.

“Actually may nag-preprescribed ng stool softeners bago sila ma-discharged ng hospital. And also sinasabi rin namin na kailangan iincrease nila iyong pag-inom ng tubig and high-fiber diet para hindi sila masyadong ma-strain habang nagdudumi.”

9. Pagkakaroon ng almoranas o hemorrhoids

Kaugnay sa hirap sa pagdumi, makakaranas rin ng hemorrhoids o almoranas ang isang bagong panganak. Ito ay ang pamamaga ng mga blood vessels o daluyan ng dugo sa rectum ng isang babae dala ng pag-ire habang nanganganak. Ito ay masakit, nagdurugo at minsan ay makati.

Ang pag-upo sa unan at sa batyang may maligamgam na tubig ay makakatulong upang maibsan ang pananakit ng hemorrhoids. Ang pagkain din ng mga pagkaing mayaman sa fiber at pag-inom ng maraming tubig ay makakatulong upang hindi mahirapang dumumi at maiwasan ang sakit.

10. Pagkakaroon ng leaks sa pag-ihi

Ang pagkakaroon ng leak o ang tila paglabas ng ihi habang tumatawa o umuubo ay normal lamang sa isang babaeng bagong panganak.

Kilala ito sa tawag na urinary incontinence na nawawala rin sa paglipas ng panahon tulad ng hemorrhoids at constipation. Sanhi ito ng paghina ng pelvic muscles matapos manganak na maaaring palakasing muli sa pamamagitan ng kegel exercises.

11. Pagkaranas ng hot flash o biglaang init ng katawan

Ang hot flash o ang pagdaloy ng init sa katawan ay normal lang din na maranasan ng isang bagong panganak na babae. Ito ay kadalasang senyales ng menopausal stage.

Subalit isa rin itong palatandaan ng pagbalik sa normal ng estrogen level ng isang babaeng bagong panaganak. Kadalasan itong nasusundan ng pagpapawis ngunit kung nakakaranas ng pag-init ng katawan na tila isang lagnat na dapat na agad itong ipaalam sa doktor upang maaksyonan.

12. Pananakit ng suso at utong

Ilang buwan bago reglahin pagkatapos manganak?/ Food photo created by bearfotos – www.freepik.com

Ang pananakit ng suso o utong ay normal lang din lalo na sa mga babaeng nagpapasuso. Dahil kasabay ng mga nutransya na ibinibigay ng gatas ng ina sa kaniyang sanggol ay ang sakripsiyo at sakit na dala ng pagpapasuso.

Subalit kung ang pagpapasuso ay nagdudulot ng sobrang pananakit o pagsusugat sa utong, mabuting humingi ng payo sa isang lactation specialist para sa maganda at komportableng posisyon ng iyong baby habang pinapasuso.

13. Kawalan ng gana sa pakikipag-sex

Dahil sa pagod at pagbabago sa level ng estrogen sa katawan, ang babaeng bagong panganak ay karaniwan ding nawawalan ng gana sa pakikipag-sex.

Upang mapagbigyan ang partner, maaring gumamit ng water-based lubricant o mag-experiment ng ibang posisyon na komportable sa inyong dalawa.

Ngunit mahigpit na inirerekomenda ng mga doktor ang pakikipagtalik apat o anim na linggo pagkatapos manganak upang mapabilis ang paghilom ng sugat sa vagina at makaiwas sa impeksyon.

14. Mas matagal ang pag-recover mula sa C-section

Hindi katulad ng normal delivery ang Caesarean section ay mas nangangailangan ng mas matagal na recovery time para sa mga babae. Dahil ito sa dalawang tahi na kailangang pagalingin na nakakaapekto sa kalusugan ng bagong panganak.

Una, ang tahi sa balat o skin at pangalawa ay ang tahi sa muscle o kalamnan. Madalas ang tahi na dulot ng C-section ay gumagaling sa loob ng labing-dalawang linggo. Kaya naman kinakailangan ng doble pag-iingat sa mga babaeng dumaan sa C-section upang hindi ma-infect o bumuka ang tahi ng sugat nito.

Payo ni Dr. Laranang, makakatulong ang pagsusuot ng binders bilang dagdag na suporta sa tahing dulot ng cesarean section delivery.

“Hindi talaga komportable ang binders, pero importante iyon for added support lalo pa’t may fresh pa na sugat dyan.

Just in case naubo ang pasyente, at least may nagsusupport doon para iwas din talaga ‘yong pagbuka ng sugat.

And also doon sa may mga flabby abdomen, iyong nagsasaggy na iyong abdomen magandang support din for the abdomen iyon.”

15. Maaari pa ring makaranas ng komplikasyon

Hindi porket tapos ka ng manganak ay hindi ka na maaring makaranas ng mga komplikasyon sa pagbubuntis.

Ayon parin kay Dr. Henry Chapa, ang lahat ng nangyayari habang ang isang babae ay nagdadalang-tao ay maaari pa rin niyang maranasan pagtapos niyang manganak. Tulad ng high blood pressure at gestational diabetes na maaaring maging paghabambuhay na sakit.

Kaya naman mas mabuti paring maging maingat sa mga kinakain at sa katawan. Ito ay upang hindi matuloy sa mas malubhang sakit ang mga nasabing komplikasyon. Kaya lubos na importante na bantayan ang kalusugan ng bagong panganak.

16. Huwag madaliin ang pagpapa-payat

Lahat ng babae gustong bumalik sa dating sexy nilang katawan pagkatapos manganak ngunit hindi ito dapat madaliin. Kinakailangan ng katawan ng isang bagong panganak na babae ng calories at energy para maghilom at maalagaan ang kaniyang anak. Kaya’t dapat kumain ng maayos at maalagaan ng tama ang kalusugan ng bagong panganak na babae.

Isa sa naman sa mabisang paraan ng normal na pagpapayat ay ang pagpapasuso. Samantalang ang pag-e-exercise rin ay makakatulong para maibsan ang ibang problemang pangkalusugan ng bagong panganak na babae.

Tulad ng hemorrhoids, constipation, incontinence at depression ngunit hindi rin ito dapat madaliin. Ang katawan ng bagong panganak ay kusang magiging handa na bumalik sa mga dati nitong ginagawa.

Ang paglalakad at pagsi-swimming ay ilan sa mabisa at nirerekomendang paraan ng pag-e-exercise para sa mga babaeng bagong panganak.

Tandaan sa kalusugan ng bagong panganak

Ang pagbibigay buhay sa isang sanggol ay isang napakakritikal na proseso para sa mga babae. Ang pagbubuntis ay simula pa lamang nito na magpapatuloy hanggang sa mapanganak at habang lumalaki ang magandang biyayang ito.

Kaya naman kinakailangang maalagaan ng tama at maayos ang kalusugan ng bagong panganak na babae. Ito ay para kanya ring maibigay ang sapat na pagmamahal at kalinga sa kaniyang anak.

Payo pa ni Dr. Laranang, kung may nararamdamang kakaiba sa iyong katawan huwag mahiyaing magsabi sa iyong OB-Gyne.

“So sa mga bagong panganak you should embrace motherhood. It is a long journey but lahat is all worth it. Ang importante dito is always consult with your OB. Kapag may nararamdaman huwag sarilinin and everything will be alright,” sabi ni Dr. Laranang.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.