X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

"Natagpuan nila ang kamay ng anak ko sa aking sinapupunan."

4 min read
"Natagpuan nila ang kamay ng anak ko sa aking sinapupunan."

Si Christabel ay isang single mom na nagkaroon ng depresyon matapos niyang manganak. Alamin ang kuwento kung paano niya ito napagtagumpayan

Para sa maraming ina, normal lang ang magkaroon ng depresyon matapos manganak. Kadalasan ay epekto ito ng mga hormones na ginagawa ng katawan kapag nagbubuntis.

Ngunit minsan naman, ang postpartum depression ay dulot ng mga mapait na pangyayari sa buhay. Tulad na lang ng kuwento ng single mom na si Christabel Koh, nang malaman niya na naputol ang kamay ng kaniyang anak sa sinapupunan.

Pero hindi lang ito ang naging pagsubok sa buhay ni Christabel, isang single mom mula sa Singapore. Marami pa siyang pinagdaanan na paghihirap, at minsan ay naisip niyang magpakamatay!

Paano niya napagtagumpayan ang kaniyang depresyon? Ating alamin ang kaniyang kuwento.

Depresyon matapos manganak: Ano ang kailangang gawin?

Mga tatlong taon na ang nakalipas nang ipinanganak ni Christabel ang anak na si Chrislyn. Nanlumo siya nang makitang walang kamay ang kaniyang anak, dahil umano sa amniotic band syndrome (ABS).

Ang ABS ay isang kundisyon kung saan pumupulupot ang bahagi ng amniotic sac sa isang sanggol. Dahil dito, posibleng maipit ang mga bahagi ng katawan, at sa mga malubhang kaso, puwedeng maputol.

At ganun na nga ang nangyari kay Chrislyn. Bukod dito, dikit-dikit rin ang daliri ng isa pa niyang kamay. Walang kahit anong senyales ng ABS na natagpuan ang mga doktor habang siya ay nagbubuntis.

Naging matindi ang epekto nito kay Christabel, dahil awang-awa siya sa kaniyang pinakamamahal na anak.

Marami pang sumunod na problema

Ngunit ngayon pa lamang nagsisimula ang mga problema ni Christabel. Di nagtagal ay nakaranas siya ng problema sa pera. Nabaon siya sa utang sa ospital dahil sa panganganak. Hindi rin nakatulong na naghiwalay sila ng tatay ni Chrislyn.

Dahil dito, lumubog sa matinding depresyon si Christabel. Ang mga sumunod na buwan ay naging madilim na panahon para sa kaniya. Ilang beses din niya naisipang magpakamatay dahil wala siyang trabaho, at mag-isa lang siyang magpapalaki ng kaniyang anak.

Umabot pa ito sa punto na napilitang kunin ng mga pulis ang kaniyang anak sa kaniya, at siya ay kinulong. Dahil sa pangyayaring ito, naisip niya kung gaano niya kamahal ang kaniyang anak. Hindi niya kayang mawalay kay Chrislyn.

Binago niya ang kaniyang buhay

depresyon matapos manganak

Si Christabel at ang kaniyang anak na si Chrislyn. | Source: Women’s Weekly

Di nagtagal at pinilit ni Chrislyn na ayusin ang kaniyang buhay. Nakahanap siya ng freelance na trabaho sa Shopee. Naging malaking tulong rin ang kaniyang mga katrabaho at nagkaroon siya ng bagong direksyon sa buhay.

Nakatulong rin sa kaniya ang pagkakaroon ng mental fortitude o lakas ng isip, upang harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Nakaipon rin siya ng pera at naipagamot ang kamay ni Chrislyn. Sa kabutihang palad, tinulungan din siya ng ama ni Chrislyn, na nagsimulang bisitahin sila linggo-linggo.

Dahil sa kaniyang kasipagan, naging full-time na supervisor si Chrislyn sa Shopee. Dahil dito, mas malaki na ang kaniyang kita at nagkaroon na siya ng tuloy-tuloy na trabaho upang suportahan ang kaniyang pamilya. Nakabili rin siya ng matitirahan para sa kaniyang anak at ina.

Ngayon, 3 taong gulang na si Chrislyn, at isang napakalikot at napakatalinong bata. Sabi ni Christabel na susuportahan niya ang anak sa kahit anong gusto nitong gawin. Lahat ay gagawin niya upang tuparin ang mga pangarap ni Chrislyn.

Huwag ikahiya o itago ang depresyon

Napakaganda ng naging kwento ng mag-inang si Christabel at Chrislyn. Nakakabilib na nalagpasan ni Christabel ang kaniyang matinding depresyon.

Ngunit ang katotohanan ay hindi ito nagagawa ng lahat ng ina. Maraming ina ang hanggang ngayon, nagdudusa sa depresyon. Siguro ay nahihiya silang humingi ng tulong, o kaya ay hindi pa nila matanggap ang kanilang depresyon.

Kaya’t importante sa mga ina na maging totoo sa kanilang mga sarili at harapin ang postpartum depression, o depresyon matapos manganak.

Heto ang ilang mga kailangang tandaan:

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast
  • Hindi ka nag-iisa. Maraming ina ang nakakaranas ng postpartum depression, at huwag mong isipin na wala nang pag-asa.
  • Maging totoo sa iyong sarili. Kung sa tingin mo ay nakakaranas ka ng depresyon, huwag mo itong itago. Hindi nito ibig sabihin na mahina ka, ibig sabihin nito na may kailangan kang ayusin sa iyong sarili.
  • Huwag matakot magpakonsulta sa doktor. Ang depresyon ay isang mental disorder, o isang uri ng sakit. Ibig sabihin, upang gumaling, mahalaga ang matulungan ng doktor.
  • Hindi ka dapat matakot, o mahiya. Hindi “baliw” ang nakakaranas ng depresyon. Normal itong nangyayari sa napakaraming ina sa buong mundo, at hindi mo dapat isipin na mayroong “mali” sa iyo.
  • Laging may pag-asa. Tandaan, lahat ng iyong pagdadaanan ay malalagpasan mo rin balang araw. Huwag kang mawalan ng pag-asa, at tibayan mo lang ang iyong lakas ng loob.

Source: Women’s Weekly

Basahin: Mental Health Law: Mga benepisyo para sa may postpartum depression

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • "Natagpuan nila ang kamay ng anak ko sa aking sinapupunan."
Share:
  • Ina, nilaslas ang leeg ng 7 buwang gulang na anak

    Ina, nilaslas ang leeg ng 7 buwang gulang na anak

  • 4 warning signs ng depresyon ng mga ina

    4 warning signs ng depresyon ng mga ina

  • Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

    Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Ina, nilaslas ang leeg ng 7 buwang gulang na anak

    Ina, nilaslas ang leeg ng 7 buwang gulang na anak

  • 4 warning signs ng depresyon ng mga ina

    4 warning signs ng depresyon ng mga ina

  • Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

    Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko