Matapos ang maraming taon, nalagdaan na at naisabatas na ang Philippine Mental Health Law o Republic Act 11036 noong 2017. Magandang balita ito sa lahat lalo na sa mga mayroong mahal sa buhay na may mental health problems.
Ngunit hindi lamang ang mayroong struggles sa kanilang mental health ang makikinabang sa batas na ito. Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang pangangailangan sa ating mental health. Para sa mga mommy na may postpartum depression marami rin maitutulong ang batas na ito.
Mental Health Law Philippines: Mga dapat malaman ng mga ina na may postpartum depression
Mental Health Law Philippines—Ang bagong batas na ito ay makakatulong sa lahat sa atin, hindi lamang sa may mental health problems. |Larawan mula sa Shutterstock
1. Mas magiging accessible na ang mental health services
Ang bagong batas na ito ay naglalayon na ibaba sa barangay level ang mental health services. Included na dito ang mga medical at psychotherapeutic services, na mas magiging available na sa mga nangangailangan sa siyudad, munisipyo o barangay health center.
2. Makakatulong itong pagtibayin ang loob nila pati na rin ang kaalaman sa sarili nilang kondisyon
Dahil sa mga programa ng bagong batas na ito na mental health education sa schools at iba pang lugar, mas lalaganap ang kaalaman tungkol sa importansiya ng mental health.
Mapapatibay rin ang loob ng mga mommy na may postpartum depression dahil makikita nila na pina-prioritize ng gobyerno ang pangangailangan nila. Dahil din dito mas lalalim ang pagkakaintindi nila sa pinagdadaanan nila.
3. Mas marami nang susuporta sa mga ina na may postpartum depression
Maliban sa pag-educate sa mga mommy, ang bagong batas na ito ay magpapalawak sa kaalaman ng mga mahal nila sa buhay . Dahil dito, mas magiging bukas sila sa pagsuporta kay mommy na may postpartum depression.
Kung dati ay binabalewala ng iba ito at sinasabi na “drama” lang na lilipas din, ngayon ay ramdam na nila ang importansiya ng pangalagaan ang mental health, hindi lang ni mommy, kundi ng buong pamilya.
Mga Sintomas ng Postpartum Depression
Paano nga ba malalaman kung ikaw ay may postpartum depression? Natural lamang na makaranas ng kalungkutan o ang tinatawag na postpartum blues pagkatapos manganak.
Ang kadalasang sintomas ng postpartum blues ay kawalan ng gana kumain, hirap matulog, madalas na pag-iyak, pangangamba, o hirap sa pagco-concentrate sa isang bagay.
Pero kung tumatagal na ito ng ilang linggo hanggang buwan, maaaring ito ay postpartum depression na.
Larawan mula sa Shutterstock
Narito ang mga pinaka-madalas na sintomas ng kondisyong ito:
- Matinding mood swings or pagiging iritable o galit ng bigla-bigla na lamang
- Kawalan ng interes sa mga bagay na dating hilig mo, maaaring simpleng hobby ito tulad ng panonood ng sine atbp.
- Mababang self-esteem o yung pakiramdam na hindi kaaya-aya ang itsura o wala silang kakayanan
- Malayo ang loob sa baby dahil ayaw mong makipag-bonding sa kanya.
- Matinding pagod o kawalan ng energy.
- Hindi kayang mag-decide o mag-concentrate.
- Panic attacks o malubhang pangangamba.
- Matinding insomnia o kabaligtaran nito, masyado namang natutulog buong araw.
- Pag-iisip tungkol sa pananakit sa sarili o suicide.
Iba pang dapat malaman tungkol sa Mental Health Law in the Philippines
Inaatasan ng batas na ito na ibaba sa community level ang mental health services. Ibig sabihin, dapat na maging bahagi ng basic health services sa mga lungsod, munisipalidad, at barangay ang mental health services.
Ang bawat local government unit (LGU) at mga academic institution ay dapat na magsagawa ng mga programa kaugnay sa general guidelines ng Philippine Council for Mental Health.
Bukod pa rito, dapat din na pondohan ng national government sa pamamagitan ng Department of Health ang pagkakaroon ng mga establishment at mental health care facilities sa mga lungsod, probinsya, at mga munisipalidad sa buong bansa. Ito ay upang makapagbigay ng sapat na mental health services sa mga mamamayan.
Nito lang Oktubre 2023, ipinakilala ng DOH ang Philhealth Mental Health Benefits Package sa naganap na paglulunsad ng 2024-2028 Philippine Council for Mental Health (PCMH) strategic framework.
Nakapaloob sa package ang mga mental health benefits para sa mga outpatient at pati na rin ang mga community-based services kaugnay nito.
Larawan mula sa Shutterstock
Bahagi ng package ang iba’t ibang essential services tulad ng 12 consultations, diagnostic follow-up, psychoeducation, at psychosocial support. Lahat ng mga ito ay ma-a-access sa mga mental health outpatient facilities na matatagpuan sa mga medicine access sites.
Mayroong dalawang component ang mental health service package ng Philhealth. Ang una ay ang general mental health service package. Sa package na ito ang bawat indibidwal ay magkakaroon ng access sa screening, assessment, diagnostics, follow-up visits, psychoeducation, psychosocial support at medications na kabilang sa medicine access program ng DOH na dedicated sa mental health.
Ang ikalawa naman ay ang specialty mental health service package. Kabilang sa package na ito ang assessment, specialist diagnostics, follow-up visits, access sa relevant medications mula sa medicine access proogram for mental health ng DOH. Bukod pa sa mga iyan ay mayroon din psychotherapy ang package na ito.
Updates by Jobelle Macayan
Also READ: The mental health bill has been unanimously approved by the senate
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!