X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ano ang amniotic band syndrome, at paano ito maiiwasan?

4 min read
Ano ang amniotic band syndrome, at paano ito maiiwasan?

Ano ba at paano maiiwasan ang amniotic band syndrome sa mga bagong panganak na sanggol? Heto ang mga kailangan mong alamin tungkol dito

Lahat ng nagbubuntis na ina ay umaasang malusog ang kanilang ipapanganak na sanggol. Pero minsan hindi maiiwasan na magkaroon ng kondisyon ang bagong panganak na sanggol. Isa na rito ang tinatawag na amniotic band syndrome o ABS. Paano maiiwasan ang amniotic band syndrome, at dapat ba itong ikabahala?

Heto ang mga dapat mong malaman.

Ano ang amniotic band syndrome (ABS)?

Ang ABS ay isang kondisyon na lumalabas habang nagbubuntis pa lamang.

Kapag ang iyong sanggol ay nasa iyong sinapupunan, siya ay nababalutan ng tinatawag na amniotic sac na naglalaman ng amniotic fluid. Ito ay ang ‘nilalanguyan’ ng iyong sanggol.

Ang amniotic sac ay binubuo ng dalawang bahagi, ang nasa bandang labas na kung tawagin ay chorion, at ang bahaging nasa loob na amnion. 

paano maiiwasan ang amniotic band syndrome

Paano maiiwasan ang amniotic band syndrome? Heto ang isang diagram. | Image Source: University of San Francisco

Ang ABS ay nangyayari kapag biglang napunit ang amnion, ngunit hindi napunit ang chorion. 

Dahil dito, may mga piraso ang amnion na parang sinulid na lumulutang sa loob.

Advertisement

Ang mga piraso ng amnion na ito ay pwedeng pumulupot sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ni baby, at maipit ang pagdaloy ng dugo. Magkakaroon rin ito ng masamang epekto sa iyong sanggol.

Kasama rito ang mga sumusunod:

  • Putol na mga daliri at iba pang bahagi ng katawan.
  • Bingot o cleft lip o palate.
  • Clubfeet o nakatagilid na posisyon ng paa.
  • Minsan, ito rin ay nakamamatay. Posibleng pumulupot ito sa umbilical cord at maputulan ng nutrisyon at dugo ang sanggol.

Paano maiiwasan ang amniotic band syndrome?

Hindi naman lahat ng kaso ng ABS ay dapat ikatakot. Ito ay depende sa kung gaano kasikip ang pagkapulupot at kung saan nakapulupot ang band.

Hindi ito nakakasama sa mga ina, ngunit lumalabas ang mga problema kapag ang sanggol ay iniluwal na.

May iba’t-iba ring pangalan ang ABS:

  • amnion rupture sequence
  • amniotic bands
  • congenital constriction rings
  • constriction band syndrome
  • Streeter bands
  • Streeter dysplasia
  • limb body wall complex
  • amniotic band sequence
  • amniotic deformity, adhesions, mutilations (ADAM) complex
  • Streeter anomaly

Kasalanan ba ito ng mga ina?

Halos bibihira lang mangyari ang ABS. Kadalasan nasa isang kaso lang bawat 1,200 nag pagpapanganak, or isang kaso sa bawat 15,000.

Ang ABS din ay hindi epekto ng gawain ng isang ina. Kaya’t ang katotohanan ay, walang paraan upang makaiwas sa ABS.

May mga isinagawang pag-aara rin na naghahanap ng posibleng sanhi ng ABS. Ngunit hindi pa nila masabi kung ano nga ba ang mismong nagdudulot nito.

Heto ang ilang posibleng maging sanhi:

  • Pagkaopera sa uterus.
  • Chorionic Villus Sampling. Ang karayom na ginagamit para sa Chorionic Villus Sampling ay posibleng makabutas sa amnion.
  • Mga buntis na gumamit ng Miroprostol, isang pampalaglag.
  • Pag-inom at paninigarilyo habang buntis.

Paano ito maiiwasan?

Kung tinatanong mo paano maiiwasan ang amniotic band syndrome, ay walang siguradong paraan upang makaiwas dito. Ngunit mahalaga pa rin na sundin ang mga alituntunin pagdating sa pag-aalaga ng sarili habang buntis.

paano maiiwasan ang amniotic band syndrome

Paano malalaman ang ABS?

Posibleng makita ang ABS kahit bago pa man ipanganak ang isang sanggol. Pero kadalasan, nalalaman lang ito kapag ipinanganak na ang sanggol.

Bago ipanganak

Ang mga mahuhusay na doktor ay posibleng matagpuan agad ang ABS gamit lamang ang ultrasound. Kadalasan ginagawa ito sa pang 12 na linggo ng sanggol sa sinapupunan.

Minsan, hindi rin agad nahahanap ang ABS. Mas mabuting magpakonsulta sa doktor na mayroong karanasan sa ABS upang maging sigurado.

Pwedeng gumamit ng MRI, ultrasound, physical examination, x-ray, at iba pang pagsusuri upang alamin kung may ABS ang isang sanggol.

Ano ang pwedeng gawin ng mga ina?

Kung mayroong ABS ang iyong anak, ay huwag agad matakot. Mabuting ipakonsulta muna ito sa doktor upang malaman ang pinakamainam na paraan ng paggamot.

Partner Stories
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth

Minsan, nabibigyan ng reconstructive surgery ang mga bata, at minsan ay kinakailangan ng physical therapy, tulad ng sa mga batang may clubfoot.

Huwag mag-atubiling magpakonsulta sa doktor at alamin lahat ng mga posibleng paggamot sa ABS.

References: amnioticbandsyndrome.com, University of San Francisco, rarediseases.org, Very Well Family, Seattle Children’s Hospital, 123radiology  

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/how-to-prevent-amniotic-band-syndrome

 

Basahin: 8 maternity practices na maaaring hindi na gawin ngayon

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Ano ang amniotic band syndrome, at paano ito maiiwasan?
Share:
  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko