Kangaroo Mother Care (KMC): Mga benepisyo sa pag-develop ng premature baby

Kangaroo Mother Care (KMC): Mga benepisyo sa pag-develop ng premature baby

Hindi na bago ang preterm birth sa ating mundo. Ayon sa records, tinatayang nasa 20million na na sanggol ang ipinapanganak taon-taon na preterm. Sa kasamaang palad, walang simpleng solusyon para harapin ang problemang ito. Buti nalang, ang Kangaroo Mother Care (KMC) ay epektibong paraan para ibigay ang mga pangangailangan ng premature na baby.

Kangaroo Mother Care (KMC)

Ang KMC ay ang paraan ng pagaalaga sa mga premature na baby sa pamamagitan ng pagbuhat sakanila na nagdidikit ang mga balat. Ito ay mahusay at madaling pamamaraan sa pagtaguyod ng kalusugan ng mga sanggol na preterm.

Ito ay unang prinesenta nila Rey at Martinez sa Bogota, Colombia. Nadevelop ito bilang alternatibong pagaalaga dahil sa kakulangan ng mga incubators. Napatunayan na ito ay epektibo para sa thermal control, breastfeeding, at bonding ng mga bagong panganak at mga ina.

Ilan lamang ang kailangan upang maisagawa an KMC. Kasama sa mga ito ang mga kailangan ng mga ina para maging komportable. Ang pinamamalagian ay dapat may mga sapat na lugar para makaupo o makahiga ang mga ina. Dapat panatilihing katamtamang init ang mga kwarto para hindi lamigin ang mga baby. Katamtaman lamang dapat ang ingay sa paligid, sapat para hindi mabulabog ang bata.

Mga benepisyo

Maraming benepisyo ang KMC hindi lang para sa mga premature baby kundi para narin sa mga magulang. Heto ang ilan sa mga benepisyong dala ng KMC:

Para sa mga baby

  • Stabilization ng heart rate
  • Pagregularize ng paghinga
  • Pagpapaganda ng oxygen saturation levels
  • Masmahimbing na pagtulog
  • Masmabilis na pagbigat ng timbang
  • Pagdalang ng pag-iyak
  • Masmagandang pagpapasuso
  • Masmabilis na nalalabas ng ospital

Para sa mga magulang

  • Masmaiging bonding sa mga nanay at baby
  • Masdumaraming supply ng breast milk
  • Tumataas na kumpiyansa sa pag-aalaga ng anak
  • Napapanatag ang kalooban na naaalagaan ang anak
  • Sense of control
Paano gawin ang KMC?

Ang mga kadalasang kailangan gawin para sa KMC ay ang mga sumusunod:

  • Tanggalin ang bra at magsuot ng blouse na nabubuksan ang harapan.
  • Habang ang suot lamang ng baby at diaper at sumbrero, ilagay siya sa dibdib nang naka-ayon sa katawan ng ina.
  • Takpan ang baby ng iyong damit, hospital gown o kumot.
  • Mag-relax at i-enjoy ang bonding experience.
  • Gawin ito nang nasa isang oras, 4 na beses o higit pa kada linggo.
  • Pagpahingahin ang baby. Hindi ito ang panahon para makipaglaro sa kanya.

Maaari rin gawin ng mga ama ang KMC. Ang ibang pakiramdam na dulot ng katawan ng ama ay magiging stimulation sa baby.

 

Source: WorldHealthOrganization, ClevelandClinic

Basahin: Premature at masakitin na baby noon, healthy baby na ngayon dahil sa breast milk

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner