X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Karayom naiwan sa matris ng isang ina matapos manganak

2 min read
Karayom naiwan sa matris ng isang ina matapos manganak

Matapos manganak ng isang ina, natagpuan na may naiwang karayom sa matris, kaya't kinailangan ulit niyang operahan. Alamin kung ano ang nangyari.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang isang ospital sa Sydney, Australia, matapos nilang mahanap ang isang karayom sa matris ng isang inang bagong panganak.

Ayon kay Thi Nguyen, hindi niya mawari kung bakit nakaramdam siya ng matinding sakit matapos niyang manganak. Si Thi ay nanganak sa Fairfield Hospital sa Sydney, Australia, noong Setyembre 2017. Kahit na normal ang makaramdam ng sakit matapos ng C-section, iba raw ang naramdaman ni Thi.

Dahil dito, inalam ng mga doktor kung ano ang posibleng sanhi ng sakit. Dito, napag-alam nila na may karayom sa matris si Thi.

Inoperahan ulit siya dahil sa karayom sa matris

karayom sa matris

Ang bagong panganak na anak ni Thi. | Channel 9 News screengrab

Napilitang operahan ulit si Thi dahil ito lang ang paraan upang matanggal ang karayom. Ngunit dahil kulang sa komunikasyon ang ospital, hindi man lang nalaman ng kanyang asawa na ooperahan ulit siya.

Advertisement

Maging ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak ay umaasang makita si Thi at ang bagong panganak na sanggol, ngunit hindi nila dinatnan ang mag-ina. Wala ring nakapagsabi sa kanila tungkol sa pangalawang operasyon.

Dahil sa pag-aalala, pabalik-balik ang kaniyang asawa na si Steven Nguyen sa reception ng ospital. Ngunit malalaman lang niya ang tungkol sa pangalawang operasyon makalipas ang ilang oras.

“Wala silang sinabi sa akin”

karayom sa matris

Ang asawa ni Thi na si Steven | Channel 9 News

Humingi ng paumanhin ang Chief Executive at Direktor ng Medical Services na si Amanda Larkin. Dagdag niya na totoo ngang may naiwang karayom sa matris ni Thi, kaya’t kinailangan siyang operahan.

Sa kabutihang palad, naging maayos ang pangalawang operasyon, at natanggal ang karayom. Dagdag nila na hindi raw ito dahil sa kapabayaan ng doktor, ngunit dahil naputol ang karayom.

Safe ang panganganak ng C-section

Kahit na isang uri ng major operation ang C-section, ito ay napakaligtas na paraan ng panganganak. Ito ay madalas ginagawa para sa mga inang nahihirapan sa normal delivery.

Bagama’t posibleng magkaroon ng komplikasyon, bihira itong nangyayari. Kaya’t kahit nakakatakot man ang nangyari kay Thi, hindi ito dapat ikabahala. Mas nag-iingat ang mga doktor sa C-section, kaya’t makakasigurado ka na safe ito.

Bukod dito, nakakasagip ng buhay ng ina at sanggol ang C-section. Minsan ito lang ang paraan upang iluwal ng ligtas ang bata, lalong lalo na kung may emergency.

 

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/needle-left-in-patient-after-surgery

 

Basahin: Early signs ng pagkalaglag na dapat malaman ng mga kababaihan

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Karayom naiwan sa matris ng isang ina matapos manganak
Share:
  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Buntis Nanganak sa E-Bike: Ilang Paalala sa mga Magulang

    Buntis Nanganak sa E-Bike: Ilang Paalala sa mga Magulang

  • May edad pero gusto pa mag-anak? Egg freezing ang sagot diyan

    May edad pero gusto pa mag-anak? Egg freezing ang sagot diyan

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Buntis Nanganak sa E-Bike: Ilang Paalala sa mga Magulang

    Buntis Nanganak sa E-Bike: Ilang Paalala sa mga Magulang

  • May edad pero gusto pa mag-anak? Egg freezing ang sagot diyan

    May edad pero gusto pa mag-anak? Egg freezing ang sagot diyan

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko