X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

10 min read
9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

Para sa mga mommies na nagdadalang tao, narito ang mga pangunahing senyales ng pagkalaglag na dapat malaman. Bakit nga ba nangyayari ito?

Trahedya para sa kahit sinong ina ang malaglagan ng anak, lalong-lalo na kung matagal na nilang gustong magka-anak ng kaniyang asawa. Madalas ay ang pagkakaroon ng pagdurugo ay isang karaniwang sintomas ng pagkalaglag.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Anu-ano ang mga sintomas na nakunan na ang buntis?
  • Ano ang mga pinakakaraniwang senyales at sintomas ng nakunan ang babae?
  • Dapat gawin kapag may naramdaman o napansing sintomas ng nakunan

Ngunit alam niyo ba na puwedeng malaglagan ng anak nang walang nararanasang pagdurugo? Mayroon pang ibang mga sintomas ng pagkalaglag na hindi madaling mapansin, ngunit mahalagang malaman ng mga ina. Ating alamin kung anu-ano ang mga ito.

Anu-ano ang mga sintomas na nakunan na ang buntis?

Alam niyo ba na umaabot ng 25% ng mga pagbubuntis ang humahantong sa pagkalaglag? Bukod dito, maraming ina ang hindi man lang nalalaman na nalaglag na pala ang kanilang baby.

Ito ay dahil karamihan ng mga miscarriage o pagkalaglag ay nangyayari sa unang 13 linggo ng pagbubuntis. Madalas ay wala pang nakikitang mga sintomas ang ilang mga ina kapag ganito kaaga sa kanilang pagbubuntis.

Isa sa mga paraan kung paano malalaman kung nakunan ang isang babae ay dapat aware siya sa kaniyang nararamdaman. Kapag may nagbago sa kaniya, halimbawa biglang may bleeding o sumasakit ang likod niya at dapat niya itong sabihin sa kaniyang doktor.

Kaya naman narito ang mga sensyales kung nakunan na ang isang buntis.

9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

Paano malalaman kung nakunan ang isang babae? | Larawan mula sa iStock

Senyales ng nakunan

Ang miscarriage, na tinatawag ding spontaneous abortion, ay ang pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan sa loob ng unang 20 linggo ng pagbubuntis ang isang karaniwang problema na kinakaharap ng mag-asawa.

Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), nasa 15 hanggang 20 porsiyento ng pagbubuntis ay nalalaglag o nagtatapos sa clinically recognized pregnancy loss.

Kaya naman mabuti nang malaman ang lahat ng impormasyon at facts tungkol sa kondisyong ito para maiwasan o maagapan ito, o ‘di kaya’y malaman ang mga dapat gawin kapag nangyari ito.

Ilang buwan pwede malaglag ang bata? Sa early miscarriage, ang sanggol ay nalaglag sa unang 12 linggo. Kung ikaw ay buntis, ang unang prayoridad mo ay ang kaligtasan at kalusugan ng sanggol na dinadala. Kaya’t natural lang na alamin mga early signs ng isang nakunan na buntis.

Ang tinatawag namang late miscarriage ay nangyayari mula 14 hanggang 24 linggo ng pagbubuntis, o second trimester miscarriage. Nasa 1 hanggang 2% ang nagaganap na ‘late’ stage o second trimester ng pagbubuntis.

Ang mga senyales at sintomas ng pagkalaglag ay kadalasang nakakalito, lalo sa mga mismong nagbubuntis. Maraming mga pagbubuntis ang karaniwang nalalaglag sa unang 2 linggo pa lamang.

Bago pa man malaman ni nanay na buntis pala siya. Nasa 10 hanggang 20% naman ang nalalaglag sa unang 12 linngo o first trimester.

9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

Senyales na nakunan na ang buntis. | Image from Freepik

Ano ang mga pinakakaraniwang senyales at sintomas ng nakunan ang babae? 

Ayon kay Dr. Carlo Palarca, MD, internist at OB hospitalist sa Orlando Health Medical Clinic, sa Florida, USA, ito ang mga pinakakaraniwang makikitang sintomas o clinical presentation ng pagkalaglag ay ang mga sumusunod:

Vaginal bleeding o pagdurugo

Ito ang pinakakaraniwang sintomas na nakunan na ang buntis hindi man kaagad dapat ipag-alala (lalo na kung hindi malakas), ay dapat pa ring ikunsulta sa OB GYN.

Ang pagdurugong tinutukoy dito ay mula brownish spotting hanggang heavy vaginal bleeding na mapulang mapula, bagamat hindi sa dami ng dugong nailabas malalaman kung nakunan nga.  

Ayon kay Dr. Palarca, natural para sa iba ang vaginal bleeding, lalo sa first trimester. May mga pagdurugo din na hindi nagreresulta sa pagkalaglag.

May mga nalalaglag din na hindi naman dinugo. Kapag ang pagdurugo ay may kasamang fetal tissue, na buo buo at may puting mass na balot ng dugo, ito ang dapat ipag-alala.

Ang paglabas ng fetal tissue ay karaniwang may kasamang severe cramping o labis na pananakit at pamamanhid ng tiyan.

Hindi maituturing na normal ang spotting o pagdurugo kapag buntis, ngunit mas mainam pa rin ang mailapit ito sa iyong doktor para maagapan ang anupamang malalang pangyayari.

Hindi man ito miscarriage, ang spotting ay senyales na may hindi natural o normal sa pagbubuntis, payo ni Dr. Palarca.

10 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo

1. Pananakit ng likod

Isa sa mga sintomas ng nakunan ang babae ay ang pananakit ng kaniyang likod. Lalo na kung nararanasan niya ito sa kaniyang 1st trimester. Kung sumasakit ang likod, magandang mapatingin na agad sa iyong doktor.

2. Pelvic pain

Kapag sumakit ng labis ang pelvis, may pamamanhid, at maaaring tuloy tuloy o di kaya’y nararamdaman sa regular intervals (tuwing 30 minuto, tuwing isang oras, atbp).

3. Painful contraction o labis na pananakit at paninikip ng tiyan

Matinding pamamanhid at pananakit o cramping pains sa tiyan, abdomen at likuran.

BASAHIN:

Anong dapat kong gawin pagkatapos ng miscarriage?

What are the 16 types of miscarriage and how to prevent it

#AskDok: Ano ang mga sintomas ng miscarriage sa 2nd trimester ng pagbubuntis

4. Pagtatae o diarrhea

5. Pagsusuka o nausea

6. Decreased fetal movement o hindi na nararamdaman ang paggalaw ng bata

Bihira itong mapansin o maiturong sintomas dahil nga ang ibang pagkalaglag ay nangyayari sa napakaagang bahagi pa lang ng pagbubuntis. Karaniwang itong nakikita sa mga pagbubuntis na may kalakihan na ang sanggol sa sinapupunan.

Minsan ay aksidente lamang na nakikita o nalalaman dahil mayrong kawalan ng fetal cardiac activity na napagmasdan ng doktor gamit ang hand-held Doppler o. pelvic ultrasound examination.

Ang ilan pang hindi gaanong napapansin, ngunit mahalagang mga sintomas ay ang pagkawala ng pregnancy symptoms tulad ng breast tenderness, morning sickness, pagsusuka o pagkahilo, tulad nang nararamdaman sa unang bahagi ng pagbubuntis, at ang pag-excrete ng white-pink mucus mula sa ari o vagina.

7. Pananakit ng tiyan

nakunan na buntis

Larawan mula sa Hand photo created by katemangostar – www.freepik.com

Isa pa sa mga senyales ng nakunan ay pananakit ng tiyan. Lalo na kung sobrang sakit nito, maaaring nakunan na ang isang babae.

8. Fluid na galing sa iyong vagina

9. Tissue o laman na galing sa iyong vagina

Walang paraan para mapigilan ang pagkalaglag, ngunit may mga maaaring gawin para hindi lumala o mapigilan ang hemorrhaging at infection.

nakunan na buntis

Sintomas ng nakunan | Image from Freepik

Dapat gawin kapag may naramdaman o napansing sintomas ng nakunan

Kung may patuloy na pagdurugo o matinding abdominal at back pain lalo na sa unang trimester ng pagbubuntis, itawag agad sa iyong OB GYN o GP, o kung may EPU (early pregnancy unit) sa iyong ospital (kung saan nakatakdang manganak), payo ni Dr. Palarca.

Ilang buwan pwede malaglag ang bata?

Ang ibang miscarriages ay nalalaman lamang sa pamamagitan ng routine pregnancy ultrasound scan, kapag nakita ng doktor, sonologist o nurse na walang laman ang embryo sac. Ito ang tinatawag na missed o “silent miscarriage”.

Kahit pa ma-admit sa ospital dahil sa mga sintomas ng pagkalaglag, hindi kaagad masasabi kung tuluyan na ngang nawala ang bata. Depende ito sa sintomas at sa lala nito.

Maraming maaaring dahilan ng pagkalaglag. Pero ang una sa lahat, ang embryo ay hindi lumaki at kumapit sa sinapupunan, tulad ng inaasahan.

nakunan na buntis

Sintomas ng nakunan | Image from Freepik

Ang ilang sanhi:

  • Masyadong mababa o mataas na levels ng pregnancy hormone
  • Pagkakaroon ng diabetes
  • Exposure sa radiation o kaya mga kemikal
  • Mga impeksyon
  • Pag-inom ng gamot o droga na makakasama sa sanggol
  • Endometriosis
  • May chromosome problems – maaaring masyadong madami o masyadong kaunti (kailangan ng 23 mula sa tatay at 23 mula sa nanay ang normal).
  • May mga pag-aaral na nagsasabing kapag mas matanda o may edad na ang lalaki,  mas malaki ang posibilidad ng chromosomal problems tulad ng Down’s syndrome.
  • Genetic factors at uterine problems, kung saan may mga uterine fibroids sa loob  ng uterus na humahadlang sa implantation o blood supply sa fetus. Ang ibang babae ay may in-born septum. Isang hindi karaniwang problema sa uterus na nagiging sanhi ng pagkalaglag. Ang iba naman ay may scar tissue sa uterus mula sa mga naunang surgery o second-term abortions. Kaya’t hindi na-iimplant ang itlog sa uterus, o pumipigil sa pagdaloy ng dugo sa placenta. Makikita ito sa mga specialized X-rays, at maaaring maagapan kung may early detection.

Iba pang mga sanhi:

  • Kung may mataas na lagnat ang isang buntis, o iba pang sakit tulad ng impeksiyon. Ang ubo at sipon ay hindi nakakaapekto, basta’t napapangalagaan. Ngunit ito ay delikado para sa embryo lalo bago may 6 na linggo.
  • Nariyan din ang mga autoimmune disorders, lupus, heart disease, kidney, liver disease, at diabetes.
  • Hormone imbalance ang karaniwang sanhi ng pagkalaglag. Katulad ng hindi sapat na progesterone levels na humahadlang sa pagkabit ng fertilized egg sa uterus.
  • Placental problems, tulad ng problema sa blood supply papuntang placenta, kaya’t hindi nabibigyan ng sapat na nutrisyon ang bata.
  • Problema sa sinapupunan, kung saan ang cervix ay mahina o nagbubukas ng maaga, kaya’t nagreresulta sa pagkalaglag.
  • Ectopic pregnancy, ang nakakaapekto sa isa sa bawat 100 pagbubuntis. Kung saan ang embryo ay lumalaki sa isang fallopian tube o sa labas ng sinapupunan. Ito ay higit na delikado sa mga nanay. Dahil maaaring maging sanhi ng pagputok ng tube. Hindi lang malalaglag ang fetus, kundi maaaring maimpeksiyon ang matris ng ina.

Early signs pagkalaglag sa kababaihan: Maiiwasan ba ito?

nakunan na buntis

Larawan mula sa Woman photo created by jcomp – www.freepik.com

Maraming kaso ng miscarriage ang sadyang nangyayari nang hindi inaasahan at walang maaaring magawa ang ina para maagapan ito.

Ang payo ni Dr. Palarca, palagi lamang sundin ang routine early pregnancy advice at pre-natal check-up para mabawasan ang posibilidad ng pagkalaglag ng bata.

Uminom ng folic acid supplement, bago pa man magbuntis, hanggang sa first trimester, halimbawa. Ang pag-aalaga sa sarili, sa mga ginagawa at sa mga kinakain, ay pangunahing responsibilidad ng isang inang nagdadalan-tao.

Kumain ng balanse at mayaman sa nutrisyong mga pagkain tulad ng gulay at prutas, at mag-ehersisyo nang ayon sa payo ng OB GYN.

Alam na marahil ng lahat ang kasamaang nadudulot ng paninigarilyo. Bawal na gamot at alak sa katawan, lalo pa sa buntis.

Pakiramdaman palagi ang tiyan at paggalaw ng sanggol na dinadala, at kumunsulta agad sa doktor kung may napapansing kakaiba. Huwag mag-alinlangan at huwag mahiyang magsabi dahil mas mahalagang malaman kung delikado.

Mabubuntis pa ba ako, pagkatapos ng isang miscarriage?

Kadalasang payo ng mga doktor ang paghihintay ng ilang buwan o taon, bago sumubok magbuntis muli. Ito ay depende sa naging kondisyon, at tanging ang iyong doktor ang makapagsasabi nito.

Ayon sa APA, nasa 85% ng kababaihan na nagkaron ng miscarriage ay nakapagbuntis pa ulit, at naging malusog naman ang nanay at ang bata.

 

Sources:

Spontaneous abortion: Risk factors, etiology, clinical manifestations, and diagnostic evaluation

JOURNAL. Authors: Togas Tulandi, MD, MHCMHaya M Al-Fozan

theAsianparent PH, Healthline, NHS

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • 9 sintomas na nakunan ang buntis kahit walang pagdurugo
Share:
  • Senyales ng miscarriage ng walang pagdurugo

    Senyales ng miscarriage ng walang pagdurugo

  • STUDY: Health ni daddy maaaring maging dahilan ng miscarriage at stillbirth kay baby

    STUDY: Health ni daddy maaaring maging dahilan ng miscarriage at stillbirth kay baby

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Heartbroken mom shares how her baby suffocated on soft toys in her sleep

    Heartbroken mom shares how her baby suffocated on soft toys in her sleep

app info
get app banner
  • Senyales ng miscarriage ng walang pagdurugo

    Senyales ng miscarriage ng walang pagdurugo

  • STUDY: Health ni daddy maaaring maging dahilan ng miscarriage at stillbirth kay baby

    STUDY: Health ni daddy maaaring maging dahilan ng miscarriage at stillbirth kay baby

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Heartbroken mom shares how her baby suffocated on soft toys in her sleep

    Heartbroken mom shares how her baby suffocated on soft toys in her sleep

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.