Ang pagdurugo habang buntis ay nakakapag-alala para sa babaeng nagdadalantao. Ang laging tanong nila, ang pagdurugo habang buntis ay delikado ba at maaaring life-threatening kay baby? Ano ang kulay ng spotting kapag buntis? Gaano karami ang pagdurugo habang buntis.
Ano ang pagdurugo habang buntis?
Kahit na gaano kaliit ang lumalabas na pagdurugo habang buntis, ang unang iniisip ni Nanay ay ang pagkalaglag o miscarriage. Ang tinatawag na light vaginal bleeding ay maaaring sanhi ng maraming dahilan.
Hindi maiiwasan na makaranas ng pagdurugo habang buntis ang ibang pregnant moms. Ito ay ang mahina o patak lamang na dugo. Karaniwang sa unang mga buwan ng pagbubuntis, o sa pagitan ng buwanang dalaw.
Kung dinugo habang buntis ay mahalagang malaman na may pagkakaiba sa tinatawag na spotting at bleeding. Ang spotting ay tumutukoy sa light bleeding sa tuwing nagbubuntis.
Ito ay patak-patak lang ng dugo na makikita sa iyong underwear. Hindi nito kayang punuin ang iyong panty liner. Pero kung ang pagdurugo ay tumatagos o pumupuno sa iyong panty liner, ito ay hindi na spotting.
Ito ay maaaring bleeding na mahalagang ipaalam agad sa iyong doktor. Ang spotting kung buntis ay dapat ding agad na sabihin sa iyong OB-Gyne. Dahil maraming posibleng dahilan ito at ang pag-u-ultrasound ang isa sa mga paraan para ito ay matukoy.
Senyales ng spotting, ano ang kulay ng spotting pag buntis?
Buntis at may brown discharge, ano ang kulay ng spotting pag buntis? Ito ay kadalasang kulay kape o ‘di kaya’y ‘di gaanong mapula, bagamat ang matinding spotting ay karaniwang mapulang mapula.
Gaano karami ang spotting ng buntis? Ito ay hindi tuloy-tuloy at parang patak lamang.
Pagdurugo habang buntis| Image from Unsplash
Ang good news: Ang pagdurugo habang buntis ay madalas na HINDI naghuhudyat ng panganib sa bata o sa inang nagbubuntis. Karaniwang nararanasan ito ng isa sa bawat limang ina, lalo na kung aktibo sa pagtatalik, o ‘di kaya’y may impeksiyon o sugat sa vaginal wall, na walang kinalaman sa sanggol o sa pagbubuntis. “Ang majority ng pagdurugo habang buntis ay hindi naman mapanganib,” paliwanag ni nurse Dianne Cortes, RN.
Pagdurugo sa Unang Trismester
Kung may pink o brown na patak ng dugo at inaakalang ikaw ay buntis na at nasa una nang trimester ng pagbubuntis, ito ay maaaring implantation bleeding o hudyat ng pagbubuntis.
Nangyayari ito kapag ang sperm at ang itlog ng babae ay nagtagpo na, at naganap na ang fertilization—nabuo na ang embryo.
Nagkakaroon ng pagdurugo habang buntis kapag kumapit na ang embryo sa uterine wall. Ito ay nangyayari mula sa ika-6 hanggang ika-12 araw ng conception, at kadalasang akala ay buwanang dalaw pa rin.
Wala itong panganib at hindi dapat ikabahala. Sabi ni nurse Dianne,
“Kung may [heavy] bleeding at may kasamang pananakit, kailangang kumunsulta at magpatingin agad sa OB-Gyne dahil maaaring ectopic pregnancy ito.”
Ang ibang sintomas ng pagdurugo habang buntis ay lagnat, cramps, at chills o ramdam na sobrang ginaw.
Gaano kadami ang spotting ng buntis? | Image from Dreamstime
Pagdurugo habang buntis: Mga sintomas na dapat ikabahala (sa unang 20 linggo)
Ito’t ang pagdurugo sa paligid ng placenta. Posible pa rin ang pagtutuloy ng pagbubuntis sa kabila ng ganitong pagdurugo, ngunit susi ang pagpapatingin at pagpapagamot ng maagap.
Chemical pregnancy
Tinatawag din itong pagkakaroon ng feritlized egg ngunit hindi ito tuluyang kumapit sa uterus.
Ang miscarriage o pagkalaglag ng bata sa sinapupunan ang isa sa maaaring dahilang ng pagdurugo habang buntis. Kung ito ay miscarriage, may kasamang ibang sintomas tulad ng paninigas at labis na pananakit ng tiyan o abdominal pain.
Isa rin sa pinaka-concern sa unang 12 linggo ng pagbubuntis o unang trimeser ang pagdurugo. Subalit hindi ibig sabihin na ikaw ay nakakaranas ng pagdurugo sa unang trimester ng iyong pagbubuntis ay nawala na ang iyong baby.
Ayon sa mga pag-aaral 90% ng mga babaeng nakakaranas ng pagdurugo habang buntis ay hindi malalaglagan o mami-miscarry.
Ito ay ang pagkapit ng fertilized egg sa labas ng uterus, kadalasan sa fallopian tube kaya tinatawag na tubal pregnancy. Hindi maaaring magtuloy ang pagbubuntis, lalo’t may panganib ito para sa kalusugan ng ina.
Isa pa sa mga sintomas ng ectopic pregnancy ay ang matinding pananakit sa lower abdomen ng babae o puson ng babae.
Isa itong nonviable pregnancy dahil sa abnormal growth sa placenta, o kadalasan ay isang abnormal fetus. Tinatawag din itong gestational trophoblastic disease. Napaka-rare ng kundisyon na ito sa ilang rare case nga ang tissue ay cancerous at maaaring kumalat sa ibang bahagi ng katawan.
Iba pang sintomas ng molar pregnancy ay ang matinding nausea at pagsusuka, Mabilis na paglaki ng uterus.
Paano nalulunasan ang pagdurugo sa maagang pagbubuntis
Para sa mga buntis na nakakaranas ng bleeding o pagdurugo sa simula ng pagdadalang-tao, may gamot naman na puwedeng inumin para malunasan ito. Ito ay tinatawag na progesterone na ibinibigay lang sa mga babaeng kumpirmadong buntis at nakaranas ng miscarriage sa mga nagdaan niyang pagdadalang-tao.
Iba pang sanhi ng pagdurugo habang buntis
Pagbabago sa cervix
Habang nagbubuntis, nagkakaroon ng extra blood flow papunta sa cervix. Ang pakikipagtalik at pagpa-Pap test na nagkakaroon ng contact sa cervix ay maaaring makapagpa trigger ng pagdurugo habang buntis. Ang ganitong klaseng pagdurugo ay hindi naman dapat ikabahala.
Impeksiyon
Ang ano mang klaseng impeksyon sa cervix, vagina, o sexually transmitted disease infection katulad ng chlamydia, gonorrhea, o herpes ay maaaring magdulot ng pagdurugo sa unang trimester ng pagbubuntis.
Pagdurugo habang buntis | Image from Dreamstime
Sa huling trimester ng pagbubuntis, hindi na malaki ang risk ng miscarriage at halos lahat ng mga nabanggit na kumplikasyon sa unang 20 linggo ng pagbubuntis ay hindi mapanganib, tulad ng ectopic at molar pregnancy). Ngunit kapag may spotting o pagdurugo sa panahon ng huling trimester, dapat magpatingin kaagad sa doktor.
Pagdurugo sa 2nd at third trimester ng buntis
Ang pagdurugo naman pagsapit ng 2nd at third trimester habang buntis ay maaaring magdulot sa ina at sanggol ng panganib. Tawagan agad ang iyong doktor kapag nakakaranas ka ng pagdurugo pagsapit ng 2nd at third trimester sa iyong pagbubuntis.
Mga posibleng dahilan ng pagdurugo habang buntis pagsapit ng 2nd at third trimester
Placenta previa
Ang placenta previa ay isang kondisyon kung saan ang placenta ay nasa bandang ibaba ng uterus at bahagyang tinatakpan ang opening ng birth canal ng isang babae.
Ito’y rare pagsapit ng third trimester, nangyayari lamang ito sa isa sa 200 na pagbubuntis. Ang pagdurugo sanhi ng placenta previa ay maaaring hindi masakit, subalit kinakailangan nito ng agad na medikal na atensyon.
Isang porsiyento sa mga pagbubuntis nangyayari ang paghihiwalay ng placenta sa wall ng uterus bago o habang nagle-labour at pagkakaroon ng blood pools sa pagitan ng placenta at uterus.
Napakadelikado ng placental abruption para sa nagbubuntis na nanay at sa kaniyang dinadalang sanggol sa loob ng kaniyang sinapupunan.
Ang iba pang sintomas nito ay abdominal pain, clots mula sa vagina, tender uterus, at pananakit ng likod.
Pagdurugo habang nasa ika-2 at ika-3 trimester ng pagbubuntis. | Larawan mula sa iStock
Uterine rupture
Sa ilang mga rare case ang scar o peklat sa nakalipas na c-section ay maaaring mabuksan habang nagbubuntis. Ang uterine rupture ay maaaring life-threatening at nagre-require ito ng emergency c-setion.
Ang iba pang sintomas nito ay pananakit at tenderness ng abdomen.
Vasa previa
Ito’y kung saan ang nagde-develop na blood vessels ni baby sa kaniyang umbilical cord o placenta ay nagko-cross sa opening ng birth canal. Isa itong maituturing na rare na kundisyon.
Ang vasa previa ang maaaring isang napakaseryoso at mapanganib na kundisyon para sa iyong baby sapagkat ang kaniyang blood vessels ay maaaring mag-tear open na maaaring magdulot ng pagdurugo ni baby at pagkawala nito ng oxygen.
Premature labor
Ang pagdurugo habang buntis sa huling bahagi ng pagdadalang-tao ay maaaring senyales na ang iyong katawan ang handa nang magsilang. Ilang araw o linggo bago mo maramdaman ang mga senyales ng pagle-labor ang mucus plug na nagko-cover sa opening ng uterus ay ilalabas na sa vagina.
Minsan may nakakasamang kauntin dugo rito na kilala rin sa tawag na ‘bloody show’. Kung ang pagdurugo habang buntis ay bago ang 37th na linggo ng pagbubuntis ay agad na tawagan ang doktor sapagkat maaaring isa na tong preterm labor.
Iba pang sintomas nito ay ang contractions, vaginal discharge, abdominal pressure at pananakit sa bandang ibaba ng likod.
Ano ang dapat gawin kung dinugo habang buntis?
Kung nakaranas ng spotting o pagdurugo habang buntis, narito ang mga mahahalagang hakbang na dapat mong gawin.
Tumawag agad sa iyong doktor at gawin ang mga sumusunod:
- I-track kung gaano kalakas ang iyong pagdurugo, kung ito ba ay mas lumalakas o humihina. I-track rin ang number o bilang ng pads na iyong nagagamit habang dinudugo.
- I-check din ang kulat ng dugo na lumalabas sa iyong pwerta. Dahil tulad ng nauna ng nabanggit makikita sa kulay nito kung seryoso o delikado ang spotting na nararanasan. I-take note kung brown, dark o bright red ang pagdurugong nararanasan.
- Mahalaga ring isaisip na hindi dapat gumamit ng tampon o douche sa oras na dinudugo habang buntis. Bawal din muna ang pakikipagtalik.
- Dapat ding i-record ang iba pang sintomas na nararanasan habang dinudugo. Kung nilalagnat at labis na masama ang pakiramdam magpunta na agad sa doktor.
Agad ding tumawag sa iyong doktor o magpunta sa ospital sa oras na nakaranas ng sumusunod habang buntis:
- Matinding pagdurugo o heavy bleeding.
- Pagdurugong may kasabay na pananakit o cramping.
- Pagkahilo kasabay ng pagdurugo.
- Pananakit na tiyan o puson.
Paano ang treatment ng bleeding o spotting kapag buntis?
Tulad ng naunang nabanggit ay may gamot na maaring ibigay sa mga babaeng nakakaranas ng spotting o bleeding sa mga unang buwan ng pagdadalang-tao.
Pero maliban dito may isang bagay na nangungunang ipinapayo ng mga doktor. Ito ay ang rest o pagpapahinga ng babaeng nagdadalang-tao. Ang doktor maari ring ipayo sa babaeng buntis na dinudugo ang mga sumusunod:
- Mag-bed rest o kaya naman ay iwasan muna ang paglalakad-lakad.
- Huwag munang makipagtalik.
- Kung malakas ang pagdurugo, ay may mga pagkakataon na maaring ma-confine sa ospital ang buntis o sumailalim na sa surgery.
- Maari ring bigyan ng gamot ang babaeng buntis para ma-protektahan ang kaniyang sanggol mula sa Rh disease. Ang Rh disease ay nangyayari sa oras na hindi compatible ang dugo mo at ng iyong baby. Ito ay maaring magdulot ng sereyosong problema o death sa iyong sanggol kung hindi maagapan.
Lagi ring tatandaan na para makasigurado ay mabuting kung anumang gumugulo sa isip mo at nakakapagpaalala sayo ay mabuting sabihin agad sa iyong doktor. Ito ay para masagot niya ang iyong mga tanong at agad na mabigyan ng medikal na atensyon ang anumang iyong nararanasan.
Karagdagang ulat mula kay Irish Manlapaz
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!