Nakaranas na ba kayo ng pagdudugo habang nagbubuntis? Ano ang ginawa mo? Para sa mga preggy, mahalagang malaman ang Subchorionic Hemorrhage!
Image from Dreamstime
Ano ang Subchorionic Hemorrhage?
Ang Subchorionic Hemorrhage o Subchorionic Bleeding ay nangyayari kapag nag-iipon ang dugo sa matres ng isang nanay habang siya ay nagbubuntis. Nangyayari ang pagdurugo kapag ang placenta sa iyong matres ay nag-iba ng posisyon. Ang subchorionic hemorrhage o hematoma na ito ay nagbabago ng laki. Ito ay karaniwang maliit lang, ngunit kapag lumaki, ito ay magreresulta ng matinding pagdurugo.
Ayon sa pag-aaral, 1.7% ng 64,000 na mga buntis ay nakararanas ng pagdurugo o subchorionic hemorrhage. Sa isang pag-aaral ng March of Dimes, halos lahat ng buntis ay nakakaranas ng pagdurugo habang sila ay nagbubuntis.
Mga sanhi ng Subchorionic Hemorrhage
Kadalasang nangyayari ang spotting o pagdurugo sa mga buntis. Ngunit mahalagang malaman ang mga sanhi nito. Narito ang mga sumusunod:
- Pakikipagtalik habang nagbubuntis
- Pagbabago ng hormones
- Pagbabago ng iyong cervix
- Impeksyon
- Implantation
- Vaginal exams
Kapag malakas naman ang iyong pagdurugo. Ito ang mga seryosong dahilan:
- Miscarriage o pagkakunan.
- Molar Pregnancy. Bihira ang ganitong pagbubuntis. Ngunit, ito ay nangyayari kapag namuo ang mga tissue sa iyong matres imbes na fetus.
- Ectopic Pregnancy. Kapag ang fertilized egg ng isang babae ay nagsimulang lumaki sa labas ng kanyang matres. Ang ganitong sitwasyon ay sobrang delikado.
Mga sintomas ng Subchorionic Hemorrhage
Bukod sa pagdurugo, isang senyales pa ng bleeding ay ang pananakit ng pelvic at pamumulikat. Ngunit ang ibang mga buntis ay hindi nakararanas ng mga sintomas. Malalaman lang nila ito kapag sumailalim na sa ultrasound.
Ano ang gagawin kapag nagkaroon nito
Kapag nakaramdam ka ng mga sintomas nito at tuluyan ka nang dinugo, tumawag ng aalalay sa’yo at marapat lang na gawin ang mga sumusunod:
- Tignan kung gaano kalakas ang pagdurugo at kung ilan ang magagamit mong pad.
- Tandaan kung anong kulay ng dugo ang lumalabas sa’yo.
- ‘Wag gumamit ng tampon, douche cleaner at makipagtalik habang dinudugo.
Mabuting magpadala na sa ospital kung nakararanas ng mga ito:
- Pananakit ng tiyan o pulikat habang dinudugo
- Pagkahilo
- Labis na pagdurugo
Delikado ba ang pagdurugo sa buntis?
Ang ganitong kaso ay hindi naman lahat ay delikado ngunit ito ay isang sign ng miscarriage (pagkakunan), premature birth o iba pang seryosong komplikasyon sa pagbubuntis.
Mga lunas sa Subchorionic Hemorrhage
Ang lunas sa Subchorionic Hemorrhage ay nakabase sa pagdurugo ng isang babae. Ngunit kadalasan, pahinga ang advisable na gawin. Kakailanganin mo rin na uminom ng gamot laban sa Rh Disease. Ito ay kapag ang iyong dugo at ng baby mo ay hindi compatible. Delikado ang ganitong klaseng sakit dahil maaaring mamatay ang isang baby.
Paano makakaiwas sa Subchorionic Hemorrhage
Kung ikaw ay na-diagnosed na, maaaring sundin ang ilan:
Image from Dreamstime
- Magpahinga at umiwas muna sa mga stress (bed rest).
- Iwasan ang pakikipagtalik habang nagbubuntis.
- ‘Wag magpakapagod sa pag-eehersisyo.
- Iwasan ang pagtayo ng mahabang oras.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Source: March of Dimes
BASAHIN: Senyales ng miscarriage ng walang pagdurugo , #AskDok: Naipit ang tiyan ko, may masama bang mangyayari kay baby?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!