X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#AskDok: Naipit ang tiyan ko, may masama bang mangyayari kay baby?

6 min read
#AskDok: Naipit ang tiyan ko, may masama bang mangyayari kay baby?

Malakas man o mahina, narito ang mga dapat malaman para sa mga kasong naipit ang tiyan ng buntis.

Ikaw ba ay buntis na tutok sa trabaho, at kabilang sa mga araw-araw na nakikipagsiksikan sa mga kapuwa-pasahero at nakikipagdigma sa pagko-commute? O ikaw ay buntis na nakalagi lamang sa bahay—bagama’t maaaring hindi matapos-tapos na mga gawaing-bahay rin ang iyong pinagkakaabalahan? Kaya naman, posibleng nangangamba ka kung anong mangyayari kapag naiipit ang tiyan ng buntis.

Malakas man o mahina, mariin man o hindi, masama ba maipit ang tiyan ng buntis? Ating sinaliksik at isinangguni sa eksperto itong paksa.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Ano ang dapat gawin kung naipit ang tiyan ng buntis?

naipit-ang-tiyan-ng-buntis

Image from Freepik

Ayon kay Dr. Maria Carla Esquivias-Chua, isang doktor na may specialization sa obstetrics and gynecology, nakabatay sa lakas o hina at diin o pagkabahagya, ng puwersa ng pagkaipit—o iba pang anyo ng pisikal na puwersang maaaring tumama sa tiyan ng buntis—ang kuwantipikasyon ng epekto nito sa sanggol sa loob ng matris.

Paglilinaw ng doktor, ang mga uri ng puwersang tulad ng “kapag vehicular accident na tinamaan ‘yung tiyan nila, o may malakas at bigla na lang puwersang tumama o itinama sa tiyan nila. Halimbawa, pagbukas ng pinto at nahampas ‘yung tiyan. Any strong impact dun sa abdomen ng buntis” ay delikado para sa baby at sa ina.

Sa kaso ng mga nagbubuntis na nasa kanilang first trimester pa lamang, maaari silang makunan sanhi ng anumang malakas na puwersang mae-encounter, lalo na ng bahaging tiyan hanggang puson, pati na ang ibabang likod nila. Dahil sasakit ng husto ang puson at maaaring samahan ng pagdurugo, mauuwi ito sa abortion ng baby.

Dagdag ni Dr. Esquivias-Chua, “kung naipit ang tiyan niya, for example, more than 5 months na ‘yung pregnancy at malaki-laki na, may placenta na ‘yan. So, pag accidentally tinamaan ang tiyan, puwedeng mag-cause ng abruption placentae.”

naipit-ang-tiyan-ng-buntis

Image from Freepik

Ibig sabihin ng abruption placentae, humihiwalay ang inunan ng bata sa matris ng ina.

“So, puwedeng mag-cause ng hemorrhage sa loob. Delikado ‘yun. Puwedeng ikamatay ng sanggol ang detachment ng placenta. So, agad-agad, dinadala sa hospital ito para ma-check kung talagang may naganap na detachment,” sabi pa ni dok.

Paalala ng doktor, kailangang maging masinop sa pag-oobserba ang buntis sa kaniyang sarili tuwing makararanas ng pagkaipit, pagkabundol, o anumang anyo o paraan ng pagdudulot ng puwersa sa tiyan nito. Aniya, kailangan maging alisto sa mga sintomas ng nakababahalang epekto, limang oras hanggang susunod na araw matapos, ng puwersang na-encounter ng tiyan ng buntis tulad ng sumusunod.

  • masakit na masakit ang tiyan at maaaring hanggang paibaba ng puson
  • pagkakaroon ng vaginal discharge
  • paninigas ng tiyan nang matigas na matigas
  • hindi paggalaw ng baby sa loob ng tiyan
  • pagkakaroon ng dugo sa puwerta

Ang pagdanas ng mga nabanggit na indikasyon ay sintomas ng mapanganib na epekto ng anumang puwersang na-encounter ng tiyan ng buntis. Nangangailangan ito ng agarang atensiyon ng inyong ob-gyn at pagsailalim sa karampatang pagsusuring medikal.

Mga pisikal na puwersang dapat iwasan ng buntis

naipit-ang-tiyan-ng-buntis

Image from Freepik

Habang tumatagal, alam natin—at inaasahan natin—na papalaki nang papalaki ang tiyan ng buntis. Unti-unti, masisipat na ang mabilog at maaaring patulis ding hubog nito, na may manaka-nakang pag-umbok-umbok at paghulma ng naglilikot na baby sa loob ng sinapupunan.

Kasabay ng paglaki ng tiyan ang maraming alalahanin para sa ina kung paano mapoprotektahan ang anak laban sa mga pisikal na puwersa sa bawat araw ng kaniyang routine. Nariyan ang takot na baka mabunggo o tamaan ng kung anumang bagay ang tiyan ni mommy, o kaya ay ang maipit.

Narito ang ilang mga dapat paghandaang iwasan ng mga inang  kumakaharap sa mga pagbabagong may kinalaman sa kanilang pisikal na pangangatawan at paggalaw sa araw-araw. Makatutulong na malaman ang mga ito bilang pagsasanay at paghahanda para sa kaligtasan ni baby sa loob ng tiyan.

  • high-impact o heavy-weight na pag-eehersisyo
  • aksidente sa daan o sasakyan
  • matagtag na biyahe
  • pagkadulas, lalo na sa banyo
  • pamimisikal ng kapuwa
  • maipit at masiksik habang nagkokomyut sa mga pampublikong sasakyan
  • hindi wastong posisyon ng pagtulog sa gabi
  • hindi akmang posisyon ng pakikipagtalik sa asawa
  • karahasan sa tahanan o domestic violence

Mga pag-iingat na dapat gawin kung makikipagtalik habang buntis

Kabilang sa mga palaging palaisipan sa mga mag-asawang buntis kung ligtas pa rin bang magtalik sila kahit pa nagdadalang-tao na ang babae. Laging nakaugnay rito ang pangamba sa pagkakaroon ng posibleng kaso ng naipit na tiyan ng buntis at baka maapektuhan si baby sa loob.

Sa katunayan, hindi ipinagbabawal ang pagtatalik ng mag-asawa kahit pa buntis na ang babae. Kailangan lamang nilang isaalang-alang ang marahang aktibidad, at ang ilang posisyong ligtas at komportable para sa babaeng nagdadalang-tao.

Protektado ang sanggol sa loob ng tiyan ng ina, bukod sa nasa loob ito ng matris, nababalot din ito ng amniotic sac na naglalaman ng amniotic fluid na mismong nilalanguyan at nagsisilbing lungga ni baby. Bukod dito, walang dapat ikabahala si mister nab aka tamaan ng kaniyang ari ang anak sa loob ng tiyan ni misis sapagkat nahaharangan ito ng nakasarang sipit-sipitan.

Gayunpaman, may mga pag-iingat at pagsaaalang-alang na hindi dapat balewalain ang bawat mag-asawa para sa mga kaso ng high risk ang pagdadalang-tao ng babae. Sapagkat maselan at delikado ang pagbubuntis ng babae, hindi ipinahihintulot ang pagtatalik ng mga mag-asawa.

Narito ang mga halimbawa ng high risk na pagbubuntis.

  • Dati nang nakunan ang babae sa naunang pagbubuntis.
  • Nakararanas ng vaginal bleeding, discharge, o spotting ang babae, na may pana-panahong pananakit ng tiyan o puson.
  • Mayroong pagle-leak o pagkatas ng amniotic fluid ang amniotic sac na bumabalot sa sanggol dahil maaaring hilaban ng tiyan ang buntis nang di-oras.
  • Nagdadalang-tao ang babae ng kambal o higit pa.
  • May abiso ng doktor sa pasyenteng buntis na magpahinga nang lubos at husto o complete bed rest.

MAHALAGANG PAALALA: Hindi layon ng artikulo ang maghatol ng anumang opisyal na medical advice kundi ito ay para makapagbahagi lamang ng mga gabay na impormasyon sa ating mga mambabasa.

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

 

Para sa mga nagnanais ng karagdagang impormasyong medikal at personal na konsultasyon mula sa ating kinapanayam na ob/gyn, hanapin at i-like lamang ang Facebook page ng kanilang clinic, MCEC Mother and Child OB-Gyne Ultrasound and Pedia Clinc. Si Dr. Maria Carla Esquivias-Chua ay aktibong Ob/Gyn consultant ng Capitol Medical Center.

 

Additional sources:

Parents, ABS-CBN News

Basahin: 

#AskDok: Ano ang puwedeng gawin kapag kinakabag ang buntis?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ana Isabel Manalang

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • #AskDok: Naipit ang tiyan ko, may masama bang mangyayari kay baby?
Share:
  • #AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?

    #AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?

  • #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

    #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • #AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?

    #AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?

  • #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

    #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.