Ano nga ba ang sanhi ng premature birth?
Photo from Unsplash
Isa sa mga pinaka-iintay ng mag-asawa ay ang pagkakaroon ng anak. Ang pagbubuntis ay biyaya para sa mag-asawa ngunit ito rin ay isang kritikal na kondisyon lalo na kung walang sapat na kaalaman kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin habang nagbubuntis. Isa sa mga pwedeng mangyari kapag napabayaan ang pagbubuntis ay maagang panganganak o premature birth.
Ano ang pre-term o premature birth?
Kada taon, tinatayang nasa 15 milyon ng mga ipinapanganak ay premature baby. Nasa 1 milyon naman dito ang namamatay. Ang mga nakaka-survive na baby ay kadalasang nagkakaroon ng disability katulad na lang ng problema sa mata at pandinig.
Matatawag na premature baby ang isang bata kung ipapanganak ito bago ang kanyang nakatakdang kapanganakan. Kadalasan itong nangyayari sa ika-7 buwan (37 weeks) ng buntis. Ang normal pregnancy ay umaabot ng 9 months (40 weeks), kaya naman kung kulang sa buwan ang baby, ito ay matatawag na premature birth.
Ano ang sanhi ng premature birth ?
Kadalasang nararanasan ang premature birth ng mga buntis na may diabetes, heart disease, kidney disease at high blood pressure.
Masasabi ring may mas mataas na risk factor ng premature birth ang mga maagang nabubuntis. Ito ay ang mga nasa edad 16 pababa.
Photo from Unsplash
Ano ang epekto nito kay baby?
Mahalaga ang final weeks ng bata sa tiyan ng nanay dahil dito pa lang tuluyang nadedevelop ang kanyang utak at baga. Ang mga premature baby ay kadalasang sakitin at mahina ang resistensya. Maaari din itong magkaroon ng long-term na sakit.
Mas maagang ipinanganak, mas mataas ang tyansang magkaroon ng mga sakit tulad ng:
- Brain Hemorrhage (Pagdudugo ng utak)
- Pulmonary Hemorrhage (Pagdudugo ng baga)
- Hypoglycemia (Low blood sugar)
- Neonatal Sepsis (Bacterial blood infection)
- Pneumonia
- Butas sa puso
- Anemia
- Neonatal respiratory distress syndrome (Problema sa paghinga)
Paglilipat ng bahay maaari bang maging sanhi ng preterm birth?
Sa isang pag-aaral, napag-alamang ang simpleng paglilipat ng bahay ng isang buntis ay may mataas na tyansang maging sanhi ng preterm birth.
Ayon sa isang pag-aaral sa Washington State, USA, matapos nilang kumuha ng data mula 2007 to 2014 birth certificates, napag-alaman nila na sa 100,000 thousand na buntis na babae na lumipat ng bahay sa kanilang first trimester, 42% sa kanila ay nag-premature birth. Ang 37% naman ay ipinanganak na may mababang timbang.
Pero ano nga ba ang ibang dahilan nito? Ayon sa mga dating pag-aaral, maaaring dahil ito sa mental health ng nagbubuntis. Maaaring dulot na rin ng stress dahil sa paligid katulad ng mga natural disasters, economic crises o job loss.
“Our study is a good first step in identifying moving as a potential risk factor worth researching in more depth, but I don’t think we know enough at this point to make recommendations,” pahayag ng lead author na si Julia Bond mula sa Department of Epidemiology at the University of Washington School of Public Health.
Paalala: Wala pang napapatunayan kung isa ba talaga ito sa dahilan ng premature birth. Ito ay pag-aaral at survey pa lamang.
Photo from Unsplash
Napatunayan man ito o hindi, mas mabuti pa rin na mag-ingat lalo na kung alam mong sensitibo ang iyong pagbubuntis. Kumain ng healthy foods at umiwas sa stress para happy at healthy si baby!
SOURCES: Epidemiology & Community Health , Live Science
BASAHIN: Depresyon habang buntis: Mga sintomas, gamutan, at posibleng epekto sa baby sa loob ng sinapupunan , 11 Natural na paraan upang makaiwas sa premature labor , Premature babies at risk of having lower IQs, says researchers
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!