Nagsagawa ng imbestigasyon ang isang ospital sa Sydney, Australia, matapos nilang mahanap ang isang karayom sa matris ng isang inang bagong panganak.
Ayon kay Thi Nguyen, hindi niya mawari kung bakit nakaramdam siya ng matinding sakit matapos niyang manganak. Si Thi ay nanganak sa Fairfield Hospital sa Sydney, Australia, noong Setyembre 2017. Kahit na normal ang makaramdam ng sakit matapos ng C-section, iba raw ang naramdaman ni Thi.
Dahil dito, inalam ng mga doktor kung ano ang posibleng sanhi ng sakit. Dito, napag-alam nila na may karayom sa matris si Thi.
Inoperahan ulit siya dahil sa karayom sa matris
Napilitang operahan ulit si Thi dahil ito lang ang paraan upang matanggal ang karayom. Ngunit dahil kulang sa komunikasyon ang ospital, hindi man lang nalaman ng kanyang asawa na ooperahan ulit siya.
Maging ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak ay umaasang makita si Thi at ang bagong panganak na sanggol, ngunit hindi nila dinatnan ang mag-ina. Wala ring nakapagsabi sa kanila tungkol sa pangalawang operasyon.
Dahil sa pag-aalala, pabalik-balik ang kaniyang asawa na si Steven Nguyen sa reception ng ospital. Ngunit malalaman lang niya ang tungkol sa pangalawang operasyon makalipas ang ilang oras.
“Wala silang sinabi sa akin”
Humingi ng paumanhin ang Chief Executive at Direktor ng Medical Services na si Amanda Larkin. Dagdag niya na totoo ngang may naiwang karayom sa matris ni Thi, kaya’t kinailangan siyang operahan.
Sa kabutihang palad, naging maayos ang pangalawang operasyon, at natanggal ang karayom. Dagdag nila na hindi raw ito dahil sa kapabayaan ng doktor, ngunit dahil naputol ang karayom.
Safe ang panganganak ng C-section
Kahit na isang uri ng major operation ang C-section, ito ay napakaligtas na paraan ng panganganak. Ito ay madalas ginagawa para sa mga inang nahihirapan sa normal delivery.
Bagama’t posibleng magkaroon ng komplikasyon, bihira itong nangyayari. Kaya’t kahit nakakatakot man ang nangyari kay Thi, hindi ito dapat ikabahala. Mas nag-iingat ang mga doktor sa C-section, kaya’t makakasigurado ka na safe ito.
Bukod dito, nakakasagip ng buhay ng ina at sanggol ang C-section. Minsan ito lang ang paraan upang iluwal ng ligtas ang bata, lalong lalo na kung may emergency.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/needle-left-in-patient-after-surgery
Basahin: Early signs ng pagkalaglag na dapat malaman ng mga kababaihan