Karylle and Yael Yuzon nag-renew ng vows sa kanilang 10th wedding anniversary

Kapatid ni Yael na si Yan Yuzon masayang masaksihan ang pagmamahalan ng dalawa mula ng ito ay mag-umpisa at ngayon na sampung taon na bilang mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karylle at Yael Yuzon nagpakasal muli bilang selebrasyon sa kaniyang 10th wedding anniversary. Tingnan dito ang mga larawan sa kanilang naging intimate na second church wedding.

Mababasa dito ang sumusunod:

Karylle at Yael Yuzon renewal of vows

Larawan mula sa Instagram ni Karylle

Bago matapos ang buwan ng Pebrero ay sinorpresa ng Spongecola band vocalist na si Yael Yuzon ang misis niyang si Karylle. Siya ay nagpropose ng muling pagpapakasal sa misis sa programang Showtime kung saan ito ay isa sa mga host. Ayon kay Yael ay ginawa niya lang ang isang bagay na hindi niya nagawa noon sa misis. At ito ay ang magpropose dito ng kasal on national television.

“Tapos kung sigurado ka back then, mas sigurado ka na now kasi meron na tayong ten years together. Pero meron akong hindi nagawa before. So, I’m gonna do it now. Will you marry me again?”

Ito ang tanong ni Yael kay Karylle na kapwa masaya sa sampung taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Karylle at Yael Yuzon renewal of vows

Larawan mula sa Instagram ni Zsazsa Padilla

At nitong ngang March 9 ay naganap na ang renewal of vows ng dalawa. Ito ay nangyari sa Church of the Gesù sa Ateneo de Manila University na kung saan parehong nag-aral ng kolehiyo si Karylle at Yael.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kanilang muling pagpapakasal dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Syempre hindi mawawala sa kasal ang ina ni Karylle na si Zsazsa Padilla. Sa katunayan ay isa ito sa mga unang nagbahagi ng mga larawan sa ginanap na kasal ng kaniyang anak.

“Congratulations, K and Yael! It was a beautiful ceremony for your renewal of vows! 😊💐💒.”

Ito ang mensahe pa ni Zsazsa sa anak na si Karylle at mister nitong si Yael.

Ang kapatid ni Yael na si Yan Yuzon nagbigay rin ng mensahe sa mag-asawa. Sabi niya maswerte siyang masaksihan ang pagmamahal ng dalawa na nagmula sa pagkakaibigan. At ngayon ay lalong mas lumalalim at yumayabong sa pagdaan ng panahon.

“As a witness to your journey together, I wish you more of what has been so central to your lasting union: deep faith, mutual support and most importantly, true friendship.

Few things are more beautiful to see than friends who marry and become better friends to each other over the years.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Yan tungkol sa renewal of vows ni Karylle at kapatid niyang si Yael Yuzon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Karylle

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement