Ibinahagi ni Zsazsa Padilla kung ano ang hiniling ng kaniyang anak na si Karylle Tatlonghari bago ito ikasal.
Karylle Tatlonghari hiniling na magkaayos ang ina’t ama
Hindi nagkaroon ng pagkakataong maikasal si Zsazsa Padilla sa kaniyang dating partner, ang yumaong si Dolphy Quizon. Ito ay dahil kasal si Zsazsa sa una nitong asawa, ang tatay ni Karylle na si Modesto Tatlonghari.
Ayon kay Zsazsa Padilla, sa interview sa kaniya ni Korina Sachez, noong una raw ay hindi mabigyan ng annulment ng kaniyang ex-husband ang singer. Hanggang sa hilingin ni Karylle na magkaayos ang dalawa.
Larawan mula sa Instagram ni Karylle
“Hindi ako mabigyan ng ex-husband ko ng annulment. Talagang dumaan ako sa butas ng karayom. But noong bago ikasal si Karylle hiningi niya lang ‘yong isang bagay.”
“Sabi niya sa akin, ‘mama, mabigat talaga kapag hindi pa kayo magkasundo ni papa.’ So, ‘yon ang hiling niya. Sabi ko, sige, ibibigay ko sa’yo.”
Kaya naman, tuwing may naiisip daw siyang ano mang negative tungkol sa naging relasyon nila ni Modesto, agad niya rin daw inaalis sa kaniyang isipan. Tapos na raw ito at dapat nang isarado.
“Before we walked down the aisle, sabi ko ‘forgive and forget” and I meant it.”
Simula raw noon ay naging magkaibigan na ang mga magulang ni Karylle at natuloy na rin ang annulment ng dalawa.
Larawan mula sa Instagram ni Karylle
Bakit nga ba naghiwalay ang mga magulang ni Karylle?
Sa nasabing interview, ibihagi ni Zsazsa Padilla na naging mahirap sa kaniya ang maging batang ina. Pero nagawa naman niya itong i-handle nang maayos. May pagkakataong pinagsabay niya ang pag-perperform, pagiging ina, at ang pag-aaral.
Itinanong ni Korina kay Zsazsa kung bakit ba hindi nag-work ang relasyon nito sa tatay ni Karylle bukod sa fact na masyado pa silang bata nang magpakasal sa edad na 16.
Aniya, “Conflict din. Pumasok din kasi ‘yong jealousy. Siyempre ang dami kong nakakahalubilong tao. Kung ako rin naman ‘yong wala sa showbiz, if I were in his shoes, magkakaroon din ako ng insecurities.”
Dagdag pa nito, “Maybe I should have been more supportive of his career. Marami ring regrets along the way.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!